Chapter 25

49 2 0
                                    

+++++

A little braver

Napakabilis lumipas ng araw. Noon elementary palang ako ngayon, ga-graduate na sa college. And guess what? Magna-Cumlaude ako! Parang gusto kong lumipad sa ere sa sobrang saya! Gosh. It's a dream come true!

"Congratulations bes! I am so proud of you!" bati ni Clarisse sa'kin. Binati ko rin siya kasi academic awardee siya.

"Ikaw din! Congratulations to us!"

Pumunta ako sa Deans Office dahil kakausapin daw ako ng Dean namin regarding this matter. Pagpasok ko palang sa office niya ay ngiti na agad ang iginawad nito sa akin. It's an overflowing feeling kasi sa wakas gagraduate ako with flying colours.

"Congratualations Ms. Torres. You did a great job."

"Thank you Ma'am."

"Naasikaso mo na ba lahat?" she asked about the papers that I need to pass before graduation. That's their protocol for me to become a Magna-Cumlaude. It's not hard to comply it all, so I nodded unto her because I already finished processing it. Inilagay ko lahat ng papers sa table niya bago magsalita.

"Ito na po lahat Dean."

She shifted her sit and asked me again.

"So anong plano mo after graduation?"

I shrugged because literally speaking, I still didn't know what to do after graduation. Maybe, I will go abroad? Or maybe I will travel. Anything. I just need to take a break.

"Hindi ko pa po alam pero siguro magbabakasyon muna bago magtrabaho."

I want to enjoy first before I commit into something, like work. Marami kasing nagsasabi na kapag nakapagtrabaho ka na wala ka nang gaanong time para sa sarili mo. Wala ka ng time magtravel, wala ka ng time magnight out at makipagbonding sa mga friends mo. Kaya gusto kong sulitin muna lahat bago magtrabaho.

"That's good. So, goodluck and godbless!" she aforesaid.

Nagpaalam ako sa kanyang aalis na. Paglabas ko ng office ay nakita ko si Reijan papunta sa gawi ko. May ngiting nakakainis itong dala kaya bago pa siya makalapit sa akin ay tinaasan ko na siya ng kilay at inunahan sa maaaring sabihin niya.

"Anong kailangan mo?"

He smirked.

"Wala naman. Nabalitaan kong Magna-Cumlaude ka daw kaya magpapalibre ako sayo," he said.

I scoffed. Ang lakas rin talaga ng radar nitong lalaking ito. Hindi man lang nagcongrats pero huminge na agad ng libre. Napailing ako.

"Ulol. Wala ng libre sa panahon ngayon!" I retorted bago siya lampasan.

"Grabi ganyanan na. Porket naging Magna-Cumlaude lang hindi na nanlilibre. Sige lang Roiss, ganyan ka naman e."

Aba, pinakosensya pa'ko. Binatukan ko nga ang mokong kasi kung makaemote akala mo naman bagay sa kanya.

"Ouch!" daing nito.

"Tsk. Ewan ko sa'yo!"

Akmang lalampasan ko na sana siya ng magsalita ito ulit.

Its So Called COMPLICATED حيث تعيش القصص. اكتشف الآن