Chapter 10

95 3 0
                                    

++++

Adverson

Hinatid ako ni Jarell sa school kahit na hindi naman kailangan pa. He insisted kaya wala na akong nagawa. Sa nalaman niya kasi kahapon na maaga akong umalis ng bahay ay nagalit ito dahil akala niya kung saan na'ko nagpunta. Ilang beses akong napairap ng pangaralan niya ako kagabi. Duh!

Hindi pa ba siya sanay na palagi akong umaalis ng bahay ng maaga? At umuuwi ng gabi? Pakiramdam niya ay parang first time iyon nangyari!

"Dito lang ako," sabi ko ng nasa tapat na kami ng gate ng school namin. Tiningnan ko siya dahil parang wala siyang balak na ibaba ako.

"Ihahatid na kita sa loob."

"No need," matigas na saad ko.

Hindi naman ako baldado para magpahatid pa sa kanya sa loob at saka kaya kong pumasok ng mag-isa. I don't need his help. Ayoko siyang makasama. Napilitan ngalang ako na ihatid niya ako pati ba naman paghatid papasok sa loob ay kasama ko siya? No. Hindi pwedi.

Lumabas ako ng kotse bitbit ang mga gamit ko. Papasok na'ko sa loob ng bigla nalang may humablot sa bag ko. I glared to the person who did it! And of course no other than Jarell Adverson!

"What the?!"

"Ihahatid na kita."

"Jarell!" sigaw ko sa sobrang inis. Gosh! I hate him!

"Jarell ano ba!"

Wala na akong nagawa kundi ang hayaan ito. Ang layo narin nito kaya hindi ko nalang kinuha ang bag ko. Wala akong sa mood na makipagbangayan sa kanya. Uubusin ko lang enerhiya ko kaya huwag nalang!

"Oh my gosh! Jarell!"

May lumapit sa kanyang babae na tingin ko ay senior din katulad ko pero nasa Engineering Department. Naningkit ang mata ko ng makitang hinalikan ito ng babae sa lips. Nagulat si Jarell sa ginawa nito pero alam ko, sa kalooblooban nito ay gustong-gusto niya ang ginawa ng babaeng iyon! Hindi na talaga nagbago. Ang lalandi talaga! Hindi ba nila alam na Catholic School itong paaralan namin?! Kung maghalikan sila parang nasa park lang ah?!

"Bakit ka nandito? Binibisita mo ba ako?" malanding tanong ng babaeng ito. Ang sarap tusukin ang mata niyang nangingislap. At ang sarap kalbuhin ng buhok niyang parang manok na pula!

"N—"

"Akin na ang bag ko," biglang singit ko sabay kuha ng bag ko sa kanya. Deri-deritso ang lakad ko ng hindi lumilingon. Bawat hakbang ko ay parang susulong ako sa gera. Sirang-sira na ang araw ko!

"Roiss wait!"

Wait mo mukha mo. Nakakainis. Kahit saan siya magpunta ay may babae siya. Ganyan na ba talaga siya kakati? Kahit dito mismo sa school namin ay maraming nakakakilala sa kanya! Ni hindi na nahiya.

"Hey!" tawag nito sabay higit sa'kin dahilan para mapaharap ako sa kanya.

"What? Mali-late na'ko Jarell. Kung gusto mong makipagkwentuhan sa babaeng iyon, then go. Kaya ko ang sarili ko," sabi ko at tinalikuran siyang muli.

"I don't know her," sabi nito dahilan para hindi ko naituloy ang paghakbang ko.

Natawa ako. Really? Hindi niya kilala? Babaero nga naman talaga! Sa sobrang dami ng babae hindi na kilala ang mga nilalandi niya! Parang nagka-amnesia lang ah?

"Umuwi ka na. Nandito na'ko sa classroom ko," sabi ko at tuluyang pumasok sa loob. Tinginan ang mga kaklase ko sa'kin pero hindi ko na pinansin iyon. Sa sobrang inis ko ay padabog akong umupo sa tabi ni Clarisse. Nagtatanong ang mga mata nito habang nakatingin sa'kin.

Its So Called COMPLICATED Where stories live. Discover now