My Closet Queen (Chapter 31)

Começar do início
                                    

Giniling nya yung balakang nya parang yung ginawa ni Sarah kanina

Humarap sya sakin

" dance! kanina kung makasayaw ka, ngayon ayaw mo na "

" tignan natin kung sino mas magaling sumayaw samin at naghahanap ka pa ng iba " sabi nya

Sabay talikod ulit at gumiling sya pero hindi pa din ako sumasayaw

" Fine! Dun ka sa Sarah mo! " galit nyang sabi sabay umalis at nakipag sayaw sa ibang lalaki

What the! Ano ba ginagawa neto nakikipag sayaw ng ganun sa lalaking hindi nya kilala

Sobrang inis ko pumunta ako sa kanya at hinatak sya sinayawan ko sya

Tutal yun naman gusto nya eh

Nag iinit ako sa ginagawang pagsayaw ni Jess saka grabe yung sayaw nya

Ang sexy sexy nya gumalaw at kung makagiling sya nakakaiba ng feeling

Sumasabay na ako sa bawat giling na ginagawa nya

Mas magaling si Jess sumayaw kesa kay Sarah

Hindi ko na alam pinag gagawa ko at wala na ako pakielam kahit maraming tao dito

Dahil nadadala ako sa bawat pagsayaw na ginagawa ni Jess

Humarap sakin si Jess sabay kapit sa batok ko at bumulong

" mas magaling ako sa kanya diba? " sabi nya sabay alis

Naiwan ako nakatulala dito bwisit na yun iniwan ako dito

Bumalik na lang din ako sa couch at andun na silang lahat

Pagkaupo ko nag shot nalang ako grabe talaga yung init na naramdaman ko

" guys uwi na ako " sabi ko sa kanila

" maya na maaga pa eh " sabi ni Margarette

Oo nga maaga pa dahil 2am na kaya

" uwi na ako andun na sila mama sa bahay " dahilan ko sa kanila

Pero kanina pa nga maga umuwi sila mama nag usap lang kami sa cp

Pumayag naman sila at hindi na ako nagpaalam kay Jess busy sya kausap si Josh

" sabi mo hindi mo ko iiwan bakit ngayon aalis ka hindi ka man lang magpaalam " sabi nya habang nasa likod ko dadahil bubuksan ko na yung pinto ng sasakyan ko

Nilingon ko sya ang lungkot ng mukha nya

" hindi na kailangan busy ka naman sa kausap mo, nakakahiya naman baka maka istorbo pa ko " sabi ko

" sama ako sayo " sabi nya

Sabay pumasok sa sasakyan

" sige hahatid nalang kita sainyo " sabi ko

" ayoko samin umuwi kung hindi ka dun matutulog " sabi nya

" Jessica naman eh para kang bata " bigla kong nasabi

" so para na akong bata, edi dun ka sa Sarah na yun para mas bagay kayo " galit nyang sabi

" hindi sa ganun...." Magsasalita pa sana ako bigla syang bumaba

Hinabol ko sya pero sumakay sya ng taxi

kaya tumakbo ako sa sasakyan ko at hinabol yung taxi

Binilisan ko yung takbo para maabutan yung taxi dahil ang bilis din ng takbo neto

Hinarangan ko yung taxi at pinababa ko si Jess binigyan ko yung driver ng 500 at pinaalis ko na

Hinatak ko si Jess umiiyak na sya nasa park pala kami kaya inupo ko sya sa duyan

Lumuhod ako sa harap nya at yumakap ako sa bewang nya

" Jess ? " tanong ko sa kanya

Humihikbi lang sya

" I'm sorry Jess kung ganito ako nagseselos lang talaga ako kanina sainyo ni Josh "

" kaya hindi ko maayos yung laro ko kanina dahil nagseselos ako saka kanina kaya gusto ko na umuwi dahil nagseselos pa din ako sainyo " paliwanag ko kay jess

Habang nakaluhod ako sa harap nya dahil nakaupo sya sa duyan

Tumingala sya at pinunasan yung luha nya

" bakit ka nagseselos kay Josh kaibigan mo yun saka hindi ko sya gusto "

" ikaw ang mahal ko Sam ikaw lang " sabay iyak nya ulit

" kaya nasasaktan din ako pag kasama mo yung Sarah na yun lalo na nung nagsasayaw kayo "

" I Love you so much Sam being with you just makes my day complete"

" napatunayan ko pa yun this past few days your always there to me when I'm sad and you make me happy since the day we met"

" I'll never let a thing come to break us apart Sam please be my girl, be mine " sabi nya

Nagulat ako sa sinabi nya, sya ba yung nanliligaw dapat ako nagsasabi nun ah

" shhhhh ako dapat nagsasabi nyan. Kahit naduduwag ako sa sasabihin ng maraming tao pinili pa rin ng puso ko na mahalin ka, kahit na ang babae ay para sa lalaki lang pinili pa din kita mahalin. Mas masaya ako dahil kung ano nararamdaman ko sayo ganun din nararamdaman mo para sakin."

"Loving you is what I live for and I can't ask for anything more. Can you be my woman, my girl and my friend Ms. Jessica Aubrey Gonzales " sabi ko sabay lahad ng kamay ko

Hinawakan nya lang yung kamay ko sabay hinalikan ako sa lips

Tinugon ko lang yung halik nya at humiwalay na ako

" so that's your answer? " tanong ko

Tumango lang sya ng nakangiti

" from now on girlfriend na kita kaya wag ka na maglalandi ng iba " sabi nya

" I love you so much Samantha Jeane Hernandez " kiss nya ulit sa lips ko

Paulit ulit nya sinasabi yung I love you paulit ulit din nyang hinahalikan yung lips ko

Napangiti ako sweet ni Jess at hindi ako makapaniwala kami na ni Jess

Girlfriend ko na si Jess sya yung first girlfriend ko

" I love you too baby ko " sabay yakap ko sa kanya

Magkaakap lang kami ng mga ilang minuto

Bigla kong naalala yung surprise ko

" baby yung surprise ko? Nanalo kami ah " paalala ko sa kanya

" nakuha mo na diba? " sabi nya na pangiti ngiti

" ha saan? " pagtataka ko

" umoo na ko diba? Sinagot na kita yan yung surprise ko sayo " sabi nya

Ngumiti nalang ako. Mas magandang premyo ito kesa sa nakuha kong mvp award

" thank you baby ko " kiss ko ulit sa lips nya

" nakakarami ka nanaman ahh " sabi nya

" syempre girlfriend na kita eh " sabi ko

Tumayo ako at tinulak sya sa duyan tuwang tuwa naman sya na nalulula

Dahil nilalakasan ko yung tulak ko naglaro lang kami dito sa park

My Closet Queen (girlxgirl story)Onde histórias criam vida. Descubra agora