WSE 4

270 14 0
                                    

Dedicated kay purpleyhan. Dahil ang astig ng Tantei High. Pramis. ;) Isa rin sa mga favorite kong detective stories. :)

-

WSE 4

Chei Ann's POV
Sumugod ako sa kusina at nakitang nakayakap si Keanna kay James. Nagyakapan ang dalawa kaya napatulala ako sandali bago sumugod sa kanila.

Hinila ko ang buhok ni Keanna palayo kay James. "MGA HINAYUPAK KAYO!!"

"ARAY! CHEI!! ANG BUHOK!" sigaw niya kaya binitawan ko ang pagkahawak ko sa kanyang buhok at napaupo naman siya sa sahig.

Sumugod naman ako kay James at sinampal siya sa pisngi. "POTA KA! BAKLA KA NA NGA! MANLOLOKO KA PA!"

Napayuko na lang si James dahil sa mga sigaw ko. Natatakot siya.

"ANO?" pinandilatan ko siya ng mata. "AMININ MO! BAKLA KA DI BA?!" nagsimula nang tumulo ang luha ko saka napatango siya.

Napasapak ako sa noo ko at nanghina ako. "Walang hiya ka. Minahal kita tapos lolokohin mo lang ako nang ganito?"

"Chei, hindi ko naman sinasadyang itago sa 'yo, e. Natatakot lang din kasi akong mawala ka sa akin."

"Ano bang gusto mo? PERA?" kinuha ko sa bulsa ko ang bente pesos at sinapak sa kanya. "O, AYAN!"

Pinulot niya naman ito saka tumakbo palayo sa amin. Tumalikod ako at nakita kong inalalayan ni Princess si Keanna. Tumingin lang sa akin si Princess ng masama. Shit.

NANG MATAPOS na akong mag half bath, lumabas ako sa comfort room at dumiretso sa kama. Nakita ko si James na natutulog nang mahimbing sa kama. Anong ginagawa niya rito? Ba't dito siya natulog? Ang kapal rin pala ng mukha niya.

"Hoy!" hinagis ko sa kanya ang unan kaya napagising siya at napatitig sa akin. "Anong ginagawa mo rito? Kapal rin pala ng mukha mong matulog rito." sarkastiko kong sabi.

"Ayaw kasi kitang iwan. Mahal kasi kita."

"Is that a stupid reason to be answered?" nakapameywang kong sabi "Bakla ka. Myembro ka ng LGBT or whateves kung anong tawag diyan. Hate ko kalahi mo. Ayaw kong pagtawanan ako dahil sa 'yo. Tss."

"Pero mahal kita. Akala ko ba noon, tanggap mo ako kahit anong klase akong tao? Mapabakla man o ano."

"Never kong sinabi iyon and if ever na sinabi ko 'yun, you better move on. Hindi lang pagbabakla ang hate ko sa 'yo, pati ang pangloloko mo sa akin ay ayaw ko." sabi ko "You better go out, hindi kita kailangan."

"Kahit anong pang-aaway mo sa 'kin, hindi ako lalabas ng kuwarto."

Napa-irap ako. "Okay, I let you stay this room just only one night. Para naman maramdaman ko rin ang pagmamahal ng isang baklang katulad mo."

Ngumiti siya. "Thanks."

Hinubad ko ang towel ko sa harap niya at kinuha ang panty at bra ko sa maleta. Gulat na gulat siya nang makita akong nakahubad sa harap niya. Hindi ko alam kung anong nasa-isip niya, na-iinggit ba sa katawan ko o pagpiyestahan ang katawan ko.

Napatigil ako sa pagsuot ko ng panty. "Na iinggit ka ba sa katawan ko?" I smiled. "Ba't kanina ka pa nakatulala diyan?" nilapitan ko siya sa kama.

"Chei Ann, anong ginagawa mo?"

"Kung mahal mo ako, then it's okay if we should do a one night stand." napangiti na lang ako sa aking sarili then I bit my lower lip.

Napa-iling siya. "No. Ayaw ko." humiga siya sa kama at napatakip ng kumot.

Napa-irap ako at sinuot ang damit at pajama ko. "Shit heads." bulong ko sa sarili ko.

Tumabi ako sa kanya at tumalikod. "Ayoko na itong relasyon natin. Masyadong korni, hindi na kita nagugustuhan. We better break up."

Princess' POV
Hinimas ko ang likod ni Keanna habang nakaupo kami sa mahabang sofa. Iyak lang siya ng iyak. Mukhang hindi niya tanggap na hindi siya nagustuhan ni James ayon sa mga kuwento niya.

"Bro, ba't ba kasi nabuo ang love? Masyado akong tanga, bro Princess." umiyak na naman siya habang patuloy kong hinihimas likod niya.

"Gaga ka rin kasi, Keanna. Magmahal ka na nga lang sa bakla pa. Hindi ka marunong makiramdam sa paligid mo, pinapa-iral mo pa kalandian mo." komento ni Davy.

"Hindi ko naman ini-expect na gano'n ang isasagot niya sa akin. Tinanong ko lang naman kung mahal niya ba ako, then he said no. Hindi niya ako mahal. Kahit konting pagmamahal lang ang ibigay niya sa akin, hindi niya pa magawa. What kind of human he is?" patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Basag na ang kanyang boses. "I-I don't know what to d-do."

"Bro, huwag mo na kasi ipagsisikan ang sarili mo sa taong ayaw sa 'yo. Ikaw lang tuloy ang masasaktan sa mga pinanggagawa mo." sagot ko.

Nakatulog na lang ang iba naming barkada dahil sa kakaiyak ni Keanna.

"Bro, mahal ko, e." sagot niya. "Hindi siguro masama ang magmahal di ba?"

Tumango ako.

Niyakap niya naman ako habang umiiyak siya. "Bro, sorry sa mga inasal ko sa 'yo noon, ha? Hindi ko alam na may kaibigan pa palang ganito sa mundo. Hindi plastik."

Siguraduhin mo lang ang mga sinasabi mo, Keanna. Hindi mo alam kung gaano rin ako kaplastik noon.

Hanggang sa nag desisyon na lang kaming matulog tatlo nina Keanna at Davy. Dahil sa pagod, nakatulog na rin ako.

May 24, 2016
NAPAGISING ako ng maaga at dumiretso sa balcon. Pinagmasdan ko ang simoy ng hangin. Nami-miss ko tuloy ang probinsya na tinitirahan ko noon. Kasi malayo rin sa syudad ang mansyon nina Keanna kaya ramdam mo ang simoy ng hangin.

"Princess," napalingon ako sa likod ko at nakita si Adrian na papalapit sa akin. "Anong ginagawa mo rito?"

"Nagpapahangin lang." sagot ko.

"Ang aga naman."

"E, malamig, e." sagot ko. "Bakit ka nga pala nang dito?"

"Alam ko na kasi ang paborito mong tambayan." sagot niya. "Nakikita rin kasi kita tumatambay sa balcon ng bahay niyo."

Tumango ako at nagkaroon ng katahimikan sa aming dalawa nang makaharap ako sa malapad na palayan na nasa gilid ng bahay nina Keanna. May mga kapitbahay naman pala sila rito pero isa lang, 'yung iba malayo. Ayaw siguro ng tsimis nina Keanna.

Tumabi naman sa akin si Adrian at mukhang sinasabayan ako ng trip nito.

"Ba't ang bait mo sa akin?" napatanong ako.

"Wala lang. Hindi ka kasi katulad ng iba, maiingay at puno ng kaplastikan." sagot ni Adrian.

"Nakaka-sense ka rin pala ng kaplastikan sa grupo?" napatawa ako ng konti.

"E, halata na nga, e." napatawa rin siya ng konti.

"Guys, kain ka kayo! Let's get food na! Oh my gosh!" sigaw ng sigaw si Quila nang makalapit siya sa amin at pumasok ulit sa mansyon.

Sumunod na lang kami. Pero, tatandaan mo, Adrian. Plastik rin ako. Katulad nila.

Katulad mo.

When Summer EndsWhere stories live. Discover now