WSE 39

95 2 0
                                    

WSE 39

Keanna's POV
We planned as well but not as really well as you expected. Nagplano lang kami ng mabuti pero hindi naman ganoon kabuti ang nagawa namin. May humarang sa plano, and that's their parents. At baka 'yung parents ko na naman ang umuwi sa mansyon at pa uwiin kami o kaya isusumbong kami sa pulis.

This is not an ordinary situation and we have to think right para masagutan na namin ang hinanakit ng gustong pumatay sa amin. Gusto kong malaman ang reason kung bakit nila 'to ginagawa sa amin.

And I guess, ikaw 'din. Gusto mo 'rin malaman kung bakit nila kami pinapatay. Gusto mong malaman lahat behind this. At hinding-hindi ka namin bibiguin. Dahil sa huli nito ay makikilala 'rin natin siya.

Tumambay lang kami sa tindahan at hindi umaalis nina Davy at Adrian. Ino-oberbahan namin ang kilos ng tatay ni Althea at baka magkasabwat sila ng anak niya. But what reason? Magkasabwat nga ba sila o kaya naman tinatago lang ni Althea sa ama niya?

Kaming tatlo ay titig na titig sa bahay ni Althea kung aalis ba ang tatay niya o hindi. At kung sakaling aalis man siya, we have to do our plan just to save Quila. Hindi pa dapat siyang puwedeng mamatay. Kailangan niya muna makilala ang isa sa pumigil sa kanyang tumakas no'ng inilibing namin ang ulo ni James.

At dahil na isip ko iyon, agad umatake ang masamang kutob ko dahil hindi ako nagkakamali.

"Kasi habang hinahampas ko ng maleta 'yung aso kanina, may biglang h-humila sa buhok ko." nanginginig niyang sabi. "S-Sabi niya sa 'kin, huwag ako tatakas dahil kasali na raw ako sa g-gulo, sa laro na hindi ko alam kung s-sino may gawa." humikbi ulit si Quila.

At nang makita namin ang video sa pagpatay kay Florence. Dinig kong bumulong si Quila no'n. Kaya nagtataka ako ngayon na may dalawang killer pa pala. So bale tatlo na sila...

"Hindi siya 'yun. Hindi ganyan 'yung suot niya." dinig kong bulong ni Quila.

Nakatitig 'din sa kanya si Chei Ann no'ng bumulong siya. Kamig dalawa ni Chei Ann ang nakarinig at hindi dapat ako nagkamali sa pandinig ko.

Nalilito na ako. Wala na akong puwede pang asahan sa grupong 'to. Wala na akong mapagkatiwalaan. Pero ayaw kong magsumbong muna sa pulis dahil gusto ko 'rin malaman ang rason nilang tatlo. Kung bakit sila pumapatay.

"Keanna," pagtawag ni Davy sa pangalan ko kaya napagising ako sa pagkatulala ko "Kanina pa kita tinatawag, e parang hindi ka naman nakikinig. Tss."

Tumingin ako sa kanya, "Bakit? Umalis na ba tatay ni Althea?"

"Well, duh. Kanina pa ako tawag ng tawag sa 'yo..." his sarcasm just started "Bilisan mo't pumasok na tayo sa bahay nila!"

Tumayo na ako at sinundan ko silang papasok sa likod ng bahay ni Althea. Dumaan muna kami sa likod ng bakuran bago pumasok sa bahay ni Althea. Medyo kinakabahan ako dahil baka pag lingon ko sa likod ay isang baril o kutsilyo ang nakatutok sa akin at baka hindi ko kakayanin.

Saktong hindi naka-lock 'yung pinto kaya nga pumasok na kami. At walang Althea ang sumulpot sa harap namin kaya we started searching things to make it a clue for us para mahanap na namin si Quila.

"Wala akong mahanap." bulong ni Davy sa amin.

"Ako 'rin. Kahit nga sa kuwarto niya, e hindi ko mahanap 'yung phone niya. Nagbabasakaling na iwan niya." sagot ko.

"Same." sumagot 'rin si Adrian.

Bigla naman kaming nakarinig ng tunog ng motor sa labas ng bahay. Kaya nanlaki ang mga mata namin!

"'Yung papa ni Althea, mukhang bumalik..." bulong ni Davy kaya agad kaming napatakbo sa pinto.

Pero ako ang hindi nakalabas sa bahay at mukhang na una 'yung dalawa na hindi ako kasama! Bigla kasing sinara ni Adrian 'yung pinto kaya hindi ako nakalabas dahil bumukas na 'rin ang pinto ng harap ng bahay ni Althea!

Kinakabahan ako at tahimik na natatarantang nagtago sa ilalim ng lamesa sa kusina nila. Tinakpan ko ang bibig ko at nanginginig ako sa takot na baka mahuli ako ng tatay ni Althea.

Tagatak ang pawis sa aking noo at magsisimulang nangangalay ang aking likod dahil sa pagtago ko.

"Na sa'n na ba 'yung kalo ko?" pumasok sa kusina 'yung tatay niya at mukhan papalapit sa direksyon ko, "Ay, nang dito lang pala." saka lumabas ng kusina.

Kaya dahan-dahan akong gumapang palabas sa ilalim ng lamesa bago tumayo at lumabas ng bahay at tumungo sa likod ng bakod. Hinanap ko muna sina Davy at Adrian pero hindi ko sila madaling nahanap ng gano'n-gano'n lang, dahil nagtago sila sa itaas ng puno ng mangga.

"Nahuli ka?" tanong ni Davy haban pababa ng puno.

Umiling ako, "Wala. Kaya sa susunod naman, huwag niyo akong iwan. Mga buwisit kayo!" tugon ko.

"Ay, hindi bagay mag tampo ang hipon. Ano ba." kaya tumawa naman silang dalawa matapos sabigin iyon ni Davy.

"Wow. Galing mo." I toned up my sarcasm saka umirap ako.

Bigla namang nag vibrate ang phone ko sa bulsa at kinuha ko naman ito bago binasa ang iaang text message.

From: Unknown
Still searching? Tss. I'm your camera, bitches. Nakikita ko kayo ngayon. Try searching for me. Clue?

D-Z-I-V-S-L-F-H-V

Bye, bitches. HAHAHAHAHA!

Tumingin-tingin ako sa paligid kaya napansin naman ako ni Davy at Adrian. Nanginginig na naman ako sa kaba.

"Anong nangyayari, Keanna?" lumapit naman sa akin si Davy at pinakita ko na sa kanya nag text na sinend sa akin ni Althea.

Saan niya ba nakuha 'tong number ko? Oh, right. Nag i-exchange numbers pala kami noong magkakasama pa kami sa school. And she maybe used another sim to text me.

"Maybe it's a code. I should just try to copy and paste it in the internet." kaya ginawa ko ang sinabi ko.

Nag browse ako ako at sinearch ang meaning ng code. Kaya lumabas ang iba't-ibang codes. Nag focus ako sa pinili kong code at hindi naman ako nagkamali. I paste the code again at lumabas ang word na 'warehouse'.

"Na sa bodega sila?" tanong ni Adrian.

Kaya lumingon-lingon ako sa paligid at nasagi sa paningin ko ang tutok ng dalawang mata sa bintana. Malapit lang ito sa bahay ni Althea kaya tinuro ko ito at tumakbo.

"Nang do'n sila!" tinuro-turo ko pa 'yung malaking bodega.

Kaya sumunod naman silang dalawa sa akin at tumakbo. Iniisip ko na sana nga nang do'n sa loob si Quila. Sana safe nga siya.

When Summer EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon