WSE 46

74 2 1
                                    

WSE 46

Princess' POV
Alam na ng lahat kung ano ang katotohanan. Alam na ng lahat kung sino ang na sa likod ng patayang 'to. Dugong nabawasan at sinayang dahil lang sa isang katuwaan, para sa kanyang kasiyahan. Hindi ko alam kung makakaligtas ba kaming lahat dito. Na sa sitwasyon kami ngayon na ang larong patayan ay dapat takasan.

Narinig kong isinigaw ni Keanna ang pangalan ni Chei Ann habang nag iimpake kami at dahil sa sigaw na iyon ay mas lalo pa naming binilisan sa pag aayos ng mga kagamitan. Si Adrian naman ang lumalabas ng maleta ng dahan-dahan sa balkonahe habang kaming dalawa naman ni Davy ang nag iimpake.

Isinara ko naman ang zipper sa huling maleta. Kaya inutusan ko na si Adrian na dahan-dahanin ang paglabas nito habang patuloy pa 'rin nag uusap sa kusina sina Keanna, Quila at Chei Ann.

Sa unang plano namin ay i-on ang heating despenser dahil nagkaroon na ng ilaw ang mahabang blackout sa mansyon kahapon kaya ginawa namin ito ngayon dahil iyon ang pinagplanuhan namin kahapon.

"Oh, anyway bumalik na pala ang kuryente sa mansyon no'ng umalis kayo. Kaya hinanap ko kayo para sabihin na bumalik na nga ang kuryente at i-charge ang phones niyo kaya nahanap ko kayo dito..." pagpapatuloy ko "Dahil bumalik na 'yung kuryente, kailangan mong i-on ang heating despenser niyo, Keanna dahil nakita ko iyon kanina at iyon ang unang plano to entice Chei Ann at kausapin niyo siya..."

Lumabas naman ako ara i-on ang TV para hindi kami nahahalatang tumatakas. Dinig na dinig ko mula sa salas ang tawanan nilang tatlo kaya lumabas na ako at tumungo sa balkonahe at nakita ko ro'n si Adrian na nakatayo lang at nakatalikod.

"Adrian? Okay na ba lahat?" tanong ko kay Adrian kaya dahan-dahan aiyang humarap sa akin "Adrian?"

Gulat na gulat ang kanyang mukha nang makita ko sa kanyang likuran si Althea! Sunog ang balat nito at ang pira-piraso na lang ang kanyang buhok. Pati ang balat niya sa mukha ay sunog 'rin!

"WALANG TATAKAAASSS!!!" sumigaw siya ng malakas at itinutok niya sa akin ang kutsilyo! "WALANG TATAKAS KAHIT SINO MAN SA INYOOO!!!"

"Althea?" gulat na gulat akong makita siya. Akala ko ba sabi nila na patay na raw siya? Ba't buhay pa siya? Paano siya nabuhay?

"BUWISIT KAYONG LAHAAATTT!!!" sigaw niya pa.

Napaatras ako habang si Althea naman ay umaabante kaya papasok ng papasok siya sa loob ng mansyon habang hawak-hawak niya ang likod ng damit ni Adrian.

"ANONG NANGYAYARI DITO?" biglang sumulpot si Chei Ann sa likuran ko.

Nakita ko naman sa likod ni Chei Ann sina Quila at Keanna. Hawak-hawak pa ni Chei Ann ang kapeng tinimpla nilang dalawa.

"CHEI ANN!! TATAKAAS ANG MGA ANINO MOOO!!!" sigaw naman ni Althea kay Chei Ann. "PINAGLALARUAN KA NA NAMAN NILAAA!!!"

Nagulat na lang ako ng biglang tumalikod si Chei Ann at ibinuhos ang kape sa harap ni Keanna at Quila kaya tumalsik ito sa binti ko at sa binti nila Keanna at Quila. Nakita ko naman ang isang kalahating piraso ng sleeping pills na kinuha kanina ni Keanna sa medical kit niya.

Laking gulat ko ng biglang binasag ni Chei Ann ang baso at sinabunutan sina Keanna at Quila.

"BUWISIT KAYOOO!!! PINAGLANUHAN NIYO PALA 'TO!!! MGA BUWISIT!!!" sigaw ni Chei Ann habang sinasampala at sinasabunot ang sila Quila at Keanna.

Tumakbo naman ako papunta sa loob ng kuwarto at nakita ko si Davy na nakasilip sa pinto at agad itong isinara nang makita niya ako.

"DAVY! DAVY! BUKSAN MO ANG PINTO!!" sigaw ko habang kinakatok ang pinto ng kuwarto. "DAVY! DAVY! PAPASUKIN MO AKO! DAAAVYY!!!"

Sinubukan kong sipain ang doorknob pero hindi ito matanggal-tanggal pero dahan-dahan itong nasisira.

"DAVY!! LUMABAS KA!! KAILANGAN NA NATING TUMAKAAASSS!!!"

Patuloy ko pa 'ring sinisira ang doorknob pero hindi ito matanggal-tanggal. Kaya sinuntok ko na lang ang pinto dahil wala na akong magawa kaya tumakbo ako palabas ng mansyon.

Pero hindi. Kailangan ko pa 'ring lumaban.

Present Day...

Chei Ann's POV (Survivor's POV)
Hindi ko puwedeng ilantad ang lahat ng katotohanan tungkol sa kung sino ako at tungkol sa pagkatao ko. Na sa realidad ako at hindi ko kailangang sabihin sa kanila ang lahat ng nalalaman ko. Kailangang kong ibaliktad ang sarili ko sa kanila. Dapat kung sino pa amg patay ay iyon ang hindi makakamit ang hustisya. Dahil na sa akin ang hustisya at ako ang hustisya.

Dapat hindi pa 'rin ako nagpapahalatang naalala ko na ang lahat. Dapat patuloy pa 'rin akong mahinhin at lampa sa harap nila. Alam ko ng may sakit ako at siguro ay alam 'rin nila kaya nila ako binubully dahil binubully ko rin pala sila noon. Oo, naaalala ko na ang lahat. Dahil sa pagbagsak nila ng ulo ko sa sahig, sa pagtapon nila ng mga libro sa ulo ko at sa mga sabunot at untog na pinaranas nila sa akin kaya unti-unti kong naaalala ang lahat.

Pumunta ako sa lugar ng mansyon kung saan kami nag bakasyon at puno ito ng police tape. Pinutol ko ito at sinira sa gate nang pumasok ako. Tumungo agad ako sa likod at pumunta sa bodega. Alam niyo kung ano ang hinahanap ko na hindi pa nila nahahanap?

Ang phone ko.

At do'n lahat ng ebidensyang record ng tawag, text namin ng accomplices ko at video pati litrato ng kinunan ko ng pagpatay ko sa mga barkada ko. Medyo nawawalan ako sa sarili ko habang hinahanap ko ang cellphone ko at medyo sumasakit ang ulo ko sa kakahanap.

Sandali lang.

Memorize ko pa ang number no'n at ilang buwan pa 'yun na hindi nagagamit. Last battery percent na natatandaan ko ay 80% kaya may chance pa akong makita ulit iyon at matawagan.

Kinuha ko naman sa bulsa ko ang keypad phone ko at i-dinial ang number ng luma kong phone na bigay sa 'kin ng ex ko. Tumutunog pa 'yung phone ko dahil sa natatandaan ko ay naka-on ang ringtone no'n. Hindi ko lang alam kung sa'n ko iyon itinago.

"Mag-isip ka nga, Chei Ann..." bulong ko sa sarili ko na pilit inaalala ang lahat.

Nakarinig naman ako ng tunog nang lumabas ako sa bodega at hinanap iyon. Sinusundan ko ang tunog haban tumatawag ako at nakaramdam ako ng vibration ng lupa. Mukhang malakas ang vibration nito kaya do'n ko lang naalala na, inilibing ko pala ang phone ko!

"Oh, shit! Tama!" tuwang-tuwa kong sabi.

Patuloy ko lang tinatawagan ang phone ko habang nararamdaman 'yung vibration ng lupa bago ko ito binungkal at patuloy pa 'rin ako sa paghuhukay gamit ang gardening shovel na kinuha ko sa gilid ng maliit na pot.

Naghuhukay lang ako habang patuloy na nagvi-vibrate ang phone at do'n ko lang naramdaman sa gardening shovel na may natamaan ako! Kaya hinukay ko na ang lupa gamit ang dalawang kamay ko at nakikita ko na ang phone ko! Yes!

Kinuha ko ito at may konting basag lang naman 'yung screen at patuloy pa 'rin itong nag vi-vibrate. Pinatay ko na ang tawag sa keypad phone ko at tumingin sa luma kong phone na hinukay ko. Finally!

10% na lang 'yung battery percent niya at buhay na buhay pa 'rin pala 'to. Nag cha-charge kasi ako ng maayos kaya hindi madaling masisira ang battery ko.

"Congratulations! You found it!" may narinig naman akong palakpak sa likod ko kaya dahan-dahan akong tumalikod at tumingin sa kanya.

"B-Bryan?" banggit ko sa pangalan niya.

Ngumiti lang siya sa akin. Ano bang ginagagawa niya dito?

When Summer EndsWhere stories live. Discover now