WSE 42

81 4 3
                                    

WSE 42

Quila's POV
Sa hindi inaasahang pangyayari. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay sumugod sa mansyon si Mama. Siguro nabalitaan niya na ngang may nangyaring masama sa akin. Na may nag tangka ng buhay ko. Ang kanyang reaksyon ay gulat na gulat nang makita akong inaalalayan at sira-sira ang aking mga daliri sa paa.

"Pagbabayaran nila ang gumawa sa 'yo ng ganito. And I can't let them pass through this!" diin na sambit ni Mama habang kinakausap niya ako dito sa sala.

"Ma, it's an unknown killer. Hinding-hindi natin sila madaling mahanap." sagot ko naman.

"Bakit ang kalma mong magsalita? Hindi ka ba natatakot sa maaari pa nilang gagawin sa 'yo?" galit niyang sabi "UMUWI KA NA, QUILA! ISUSUMBONG KO 'TO SA PULIS!"

"Ma, huwag!" sigaw ko "I'm safe here. Itong mga barkada ko ang nagligtas ng buhay ko. They save me!"

Isa-isa namang tinititigan ni Mama ang mga barkada ko. "I don't trust them. Nagdadala lang sila sa 'yo ng kapahamakan! Oh my god, Quila! Umuwi na tayo!"

"MA!"

"UMUWI NA TAYO! AYAW KONG MANGYARI ULIT 'TO! ITONG MGA PAA MONG PUDPOD NA! AYAW KONG MANGYARI 'TO! PAANO PAG NAWALA KA SA AKIN? PAANO PAG HINDI NA KITA MAKIKITA?" napatayo si Mama sa kakasigaw.

Dahan-dahan namang pumatak ang sariwang luha ko mula sa aking mga mata. "I KNOW! NA AYAW MO AKONG MAWALA BUT I HAVE TO STAY WITH MY FRIENDS! DAHIL AYAW KO 'RIN SILANG MAWALA!"

"Paano pag ikaw na 'yung pinatay ng unknown killer? Paano na ako?" dahan-dahan namang tumutulo ang mga luha ni Mama habang nagsasalita "Please, I won't accept this statement of yours no matter what and just stay with me, anak. Please, uwi na tayo."

"No, Ma." diretso kong sagot "Kailangan ako ng mga kaibigan ko. And just accept this statement for one more time at uuwi akong buhay sa bahay. Please?"

Pinunasan naman ni Mama ang kanyang luha kaya tumayo ako at niyakap siya.

"I'll be safe. Don't worry. Hinahanap na 'yung killer ng mga pulis ngayon." I lied.

Humiwalay ako ng yakap sa kanya saka siya tumango. "Be sure you'll be safe or else, I can't move on pag nawala ka. Yes, your father died but still can't move on from him. 'Yung mga iyak at sakit na nararamdaman ko ay still na nakatago pa 'rin sa puso ko. I'm sure you'll be safe here. Just promise that thing."

Tumango ako saka ngumiti. "I promise."

ILANG MINUTO 'rin ang nakalipas ay umalis si Mama sa mansyon. Sa kanyang pagkaalis ay nagkaroon ng konting selebrasyon. Sinasabing nagtagumpay at tuloy ulit ang plano.

"What plan?" pagtataka kong tanong sa kanilang tatlo.

"Planong pag hanap natin sa leader nila, 'di ba? Kung sino nga ba ang leader nina Althea at Kaye Mark." sagot naman ni Davy.

"Yes! Mabuti na lang, Quila ang galing mong umarte. I'm so proud of you-- aray!" natutuwang sambit ni Keanna nang biglang sumakit 'yung likod niya.

Pumasok na lamang ako sa kuwarto habang paika-ika pa 'rin akong maglakad. Unti-unti ng humihilom ang sugat sa dalawang paa ko kaya pumasok ako sa loob ng kuwarto ni Keanna to take some pain killers sa emergency kit niya kung meron mamg pain killers.

Pagkatapos kong makita iyon ay tumungo naman ako sa maleta ko at binuksan ito kung meron ba akong extra mini towel para pang takip sa sugat ko sa mga paa.

Pero wala akong mahanap kaya naghanap naman ako sa ibang maleta. Ang nabuksan kong maleta ay may tatak na pangalan ni Princess dahil sa sign nitong korona kaya malalaman mo talagang maleta niya 'to.

Habang naghahalungkat ako ay wala akong pakialam kung nasisira ang pinipilo nilang mga damit at basta ang alam ko lang ay naghahanap ako ng dalawang mini towel. And by the way, sanay na akong manghalungkat ng gamit sa kung kani-kaninong bag ng mga barkada ko para lang mang hingi ng pulbos o kung ano mang pampaganda o kung may hinahanap ako na kailangan ko. Pero kay Chei Ann at Princess lang ang hindi ko nahahalungkat na gamit sa loob ng bag nila kasi they are too strict. At dahil wala silang dalawa, hahalungkatin ko. Hihi.

Nang mahanap ko ay agad ko itong kinuha pero may sumama yata sa pagkuha ko ng dalawang mini towel. Kaya inilapag ko ito sa sahig ito tiningnan.

Hindi ko namumukhaan ang humila ng buhok sa akin dahil nakayuko lang siya at naakasuot ng face mask 'yung bagong usong face mask ngayon, 'yung may design.

And that flashback just enter my mind. Hindi maaari. Sa tingin ko ay nagkakamali lang ako. Hindi maaring siya at hindi maaaring nakita ko 'to sa maleta niya!

"N-No, walang itsura ang ipinakita niya sa akin. Tanging hoodie at mask na suot niya lang ang n-nakita ko." nanginginig na yata ako sa takot ng masabi ko iyon kina Keanna at Aila.

It was just a misunderstand. Kung tama nga talaga ang na iisip ko ay mas lalo kong hinalungkat 'yung mga gamit niya sa loob ng maleta. Tagatak ng pawis ang nararamdaman kong tumutulo sa noo ko. Mukhang ma-le-lechon na yata ako sa sobrang hot na nararamdaman ko. And the same time ay kinakabahan 'rin ako.

Hindi sa inaasahan ay nakita ko ang hoodie na sinasabi ng isip ko. At itong hoodie na 'to ay bumuo na naman ng flashback sa isip ko and the same time na tumitingin ako sa face mask. Hindi nga ako nagkakamali.

"Bigla siyang p-pumunta sa likod ng mansyon nang m-matapos niya akong suntukin at sampalin. Kaya malakas talaga ang kutob ko na nang dito lang ang killer. Barkada natin siya." wika ko.

"Si Princess ang killer?" hindi ko makapaniwalang tanong. "Si Princess ang lider nina Kaye Mark at Althea?"

Kinuha ko ang face mask at ang hoodie sa sahig bago lumabas ng kuwarto. At sa paglabas ko ay hindi ko inaasahan ulit ang susunod na nangyari.

"Dahan-dahanin niyo naman na hindi masaktan si Princess." nakita kong pag-aalala ni Davy habang inaalalayan nila si Princess palabas ng guest room.

Kaya pala wala si Princess kanina. At nakita ko 'rin si Chei Ann na inalalayan 'rin si Princess at sa tingin ko ay may dysmenorrhea pa 'rin siya. Still hindi pa 'rin siguro nawawala 'yung konting sakit ng tiyan niya.

Itinago ko sa aking likuran ang kinuha kong face mask at hoodie jaclet. Dahil napansin kong tiningnan ako ni Princess.

Alam na kaya nila?

When Summer EndsWhere stories live. Discover now