WSE 51

80 5 0
                                    

WSE 51

Quila's POV
Nanlaki ang mata ko sa nangyari dahil sa biglaang pagsipa ni Adrian sa dalawang binti ni Chei Ann. Kaya naginginig ako sa takot na baka hanggang sa pagtakas namin ay mamamatay pa rin ako. Palaging sumasagi sa isip ko ang kapakanan ni Mama kung mawawala na ako sa tabi niya ay kung sino na ang mag-aalaga sa kanya? Kaya ko nagawang traydurin ang dalawa kong kaibigan para sa Mama ko, dahil ayaw ko siyang nahihirapan pag nawala ako.

Nakita ko namang kinuha ni Keanna ang kutsilyo kaya sumigaw ako sa kanya, "KEANNA! PUTULIN MO 'YUNG LUBID SA KAMAY KO, DALI!!"

Tumango naman siya habang sinisipa-sipa pa rin ni Adrian sa Chei Ann sa likuran ni Keanna. Lumapit naman si Keanna sa akin while pulling herself towards me na nakaupo. Iniliko niya ang kanyang kamay sa harap kaya tumalikod ako. She slowly cut the tie kaya mas lalo akong kinakabahan sa bawat pag putol niya ng tali na baka, sa pagtakas ko nga dito ay tuluyan na nga akong mamamatay?

At nang matapos siya, mas lalong bumilis 'yung tibok ng puso ko kasi ito na 'yung chance kong tumayo at tumakbo. Kaya nang matapos niyang maputol iyon ay kinalasin ko naman ang nakataling lubid sa paa ko kaya ito na mga ang chance na tumakbo!

Tumayo ako at tumakbo sa kusina pero sumigaw si Keanna. Kaya sa bawat sigaw niya ay unti-unting pumapatak ang pawis sa noo ko sa tindi ng kaba.

"QUILA! TULUNGAN MO AKO!" pagsisigaw niya "QUILAAA!!!"

Napatigil ako sa pagtakbo ko at lumingon sa kanya. Hindi ko dapat soyang puwedemg tulungan. Kailangan ko pa 'rin iligtas ang sarili ko. Kailangan kong tuparin ang pangako ko kay Mama. But in the other hand, kailangan ligtas kaming natitira.

Nakita kong papalapit si Althea kay Keanna habang dumadabog naman si Keanna sa kakasigaw. Kumunot ang itsura ko dahil hindi ko na alam ang gagawin dahil mas lalo akong nababaliw kung tama pa ba 'tong pagpapakabayani ko.

"QUILAAA!!!"

Parang unti-unting bumabagal ang mundo ko sa tuwing nakikita ko silang umiiyak at dumadabog.

"QUILAAA!!! TULUNGAN MO KAMIII!!!"

Ako ang pag-asa nila. Oo. Naging traydor ako kanina pero ngayon ay sapat ko ng ikontrol ang pagiging traydor ko dahil hindi iyon nakakatulong sa akin. Mas lalo ko lang sinasaktan ang sarili ko sa pagiging traydor.

Kinuha ko naman sa gilid ang vase na nakapatong sa ibabaw ng lamesa at agad akong umatake papunta sa gawi ni Althea. Nakatalikod siya kaya lalo kong inangat ang kamay ko at hinampas ang vase sa likod ni Althea! Napaupo naman si Althea sa sakit at nabasag ang vase na hinampas ko sa kanya. Kaya lumapit ako kay Keanna at kinuha sa sahig ang kutsilyo! Dali-dali akong tumungo sa likod niya at pinutol ang lubid na nakatali sa kanya, pinutol ko na rin 'yung lubid na nakatali sa paa niya.

"QUILA, KEANNA!! TUMAKBO NA KAYO!!!" sigaw sa amin ni Adrian.

Kaya naghanap ako ng paraan dahil sa tingin ko ay tatayo na 'to si Chei Ann at papatayin na nga si Adrian. Dali-dali kong kinuha ang baril sa sahig at sumigaw kay Chei Ann.

"HOY, CHEI ANN!!" pagtawag ko sa pangalan niya kaya dahan-dahan siyang tumayo habang nanghihina na si Adrian sa kakasipa sa kanya.

Lumingon naman siya sa direksyon namin ni Keanna at pinakita ko sa kanya ang baril na kinuha ko.

"BUWISEEET!!!" sumigaw siya at hinabol kami.

Kaya tumakbo naman kami ng tumakbo habang hinahabol namin ang hininga namin. Tumingin naman ako kay Keanna habang tumatakbo at do'n na nagsimulang tumulo ang luha ko. Na napaisip na, siguro kung hindi ko siya tinulungan kanina ay wala na siguro akong kasamang tumakas.

When Summer EndsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin