WSE 11

221 9 1
                                    

WSE 11

Chei Ann's POV
Ikinulong ulit namin si Princess dahil iyon ang plano ni Aila. Pero iba ang ginawa niya, bukod sa pagkulong namin kay Princess sa isang kuwarto ay iniwan namin sa loob nito ang patay na pusa kaya mamamatay sa baho si Princess hanggang sa hindi siya makahinga. Pinalitan na namin ng bagon kadena ang nakatali sa kanya.

Hindi ko alam kung tama pa ba 'tong ginagawa namin sa kanya. Kung tama pa ba itong inasal namin pero siguro tama nga ito.

"Tama lang ang mamatay siya katulad sa pagpatay niya sa mga barkada natin." bulong ko nang makalabas na kami ng kuwarto. "And I'm sure na mamamatay siya sa baho ng pusa."

"Hindi lang pusa ang papatayin natin at ipasok sa kuwarto niya. Kundi daga na rin." nakangiting sabi ni Aila.

"Sa susunod, Aila... try naman nating ipakain sa kanya ang patay na hayop." komento pa ni Keanna.

"Oh, sure." nakangiting sagot ni Aila.

May 26, 2016
KINABUKASAN, pag gising ko sa umaga ay agad akong lumabas sa kuwarto. Na abutan ko si Adrian sa sala na natutulog sa mahabang sofa. Hindi ko na lang siya pinansin. Galit siya sa akin. Siguro gano'n niya kamahal si Princess kaya na isipan niyang kaya nagalit siya sa amin.

Patungo sana ako sa balcon para masilayan ang sikat ng araw at nang pagbukas ko ng pinto, may flashdrive naman akong nakita. Lumingon ako sa paligid kung may tao bang nang iwan nito. Pinulot ko na lang ito at pumasok sa mansyon.

Na abutan kong wala na si Adrian sa sala at hindi ko alam kung sa'n sa tumungo. Ginising ko naman mula sa kuwarto sina Aila at ipinakita ang flashdrive kaya sumunod sila sa akin.

May sasakan naman ng flashdrive sa likod ng TV kaya do'n namin pinanood. Lakin gulat naming lahat nang makita namin ang pagpatay kay Florence!

"OH MY GOD!" napasigaw si Quila dahil sa takot nang makita ang video.

Sa video, walang awang ipinokpok sa tuhod ni Florence ang hawak nilang martilyo saka ibinaon ang kutsilyo. Poker face lang ang mukha ni Florence dahil na isip niya siguro na wala na siyang kalaban-laban pa dahil nag-iisa lang siya.

"Ba't wala lang, Florence? Gusto rin ba niya? Wala ba siyang isip?" tanong ni Keanna.

"Tanga! Walang kalaban-laban 'yung tao kaya hindi na siya sumigaw." napa-irap naman si Davy na nang didiri rin.

Nakaramdam rin ako ng diri sa napapanood ko. Nakakatindig balahibo ang ginagawa nila sa pagpatay kay Florence. Nakita rin namin ang pagtanggal ng kamay at paa nito kaya napangiwi siya sa sobrang sakit! Pero sa huli sumigaw na nga siya dahil sa siguro na realize niya na papatayin siya. Jusko, ngayon lang siya sumigaw, e ang haba na ng oras.

Nakita rin namin kung paano itinanggal ang kanyang ulo. Lumabas ang sariwang dugo, nakita ang laman loob nito sa loob ng kanyang leeg hanggang sa tuloy-tuloy na itong natanggal.

"EWWW!!" sabay-sabay naming sabi.

Humarap naman ang killer sa na nakamaskara sa camera. May talsik ng dugo ang kanyang maskara.

"Hindi siya 'yun. Hindi ganyan 'yung suot niya." narinig kong bulong ni Quila.

May binigay siyang mahabang mensahe pero iba ang kanyang boses.

Princess' POV
Naalala ko pa noon kung paano kami nagsimulang mag-away ni Chei Ann dahil sa iisang lalaki. Si Bryan, siya ang dahilan kung bakit nag-away kami.  Inagaw siya sa akin ni Chei Ann. Nagseselos ako sa tuwing magkasama sila kahit kami pa noon ni Bryan. Mga walang respetong tao.

"Soon. Maghihiwalay rin kami, pangako. Magiging tayo rin." narinig kong sabi ni Bryan nang makapasok ako sa classroom at silang dalawa lang ang na sa loob.

"WHAT? YOU'RE BREAKING UP WITH ME?" hindi ako makapaniwala. Tinitigan ko si Chei Ann na nasa tabi niya lang.

Tumayo si Chei Ann. "Oo. Makikipaghiwalay na siya sa 'yo dahil hindi ka karapat dapat na girlfriend." ngiting sabi ng malandi. "Unlike me. Pinanganak akong loyal, e ikaw... pinanganak kang walang ka taste-taste!"

Sinampal ko siya na ikinagulat niya. "Hindi ka lang pinanganak na loyal. Pinanganak ka 'ring malandi at hayop kaya inahas mo boyfriend ko." madiin kong sabi.

Sinamaan niya lang ako ng titig at mas lalong simaan ko ng titig ang dalawang magjowa.

"Break na tayo, Bryan!" sigaw ko.

"Hindi ka naman malaking kawalan para sa 'kin." ngiting sagot ni Bryan.

Ilang buwan akong umiyak at dumistansya sa relasyon nila last year. Mukhang dumi na lang ako na pag nakiki-echos pa ako sa relasyon nila.

Then, two weeks later... News flash, break na sila at pinagtulungan naming binully si Chei Ann dahil sa binuo kong grupo. Sinaktan, pinagkakamalan, pinaparusahan... Iyan ang mga ganting ginawa namin ng grupo ko sa kanya after nang sinabi ko ang istorya ng buhay ko.

Nag tagal ng two weeks ang forever nila. Mabuti naman at dumating ang karma. Akala niya siguro hindi rin siya paglaruan ni Bryan. Ang tanga niya.

Wala na siyang magawa kundi ay umiyak na lang noong pinagtutulungan namin siyang hinila pababa. Wala na siyang kalaban-laban sa amin pa.

Hanggang sa dumating ang araw na sumali siya sa grupo namin. Ang lakas naman ng apdo niyang sumali, pero agad siyang ni-welcome ni Aila at James kaya nagulat ako sa ginawa nilang pagkalimot sa akin. Hanggang sa kanya na lang tumuon ang buong atensyon ng barkada ko.

Nawala na sa akin. Kinalimutan na nila ako. Kaya gusto kong maghiganti ulit sa kanila.

Napagising ako at na amoy ko ulit ang baho ng patay na pusa na ipinasok nila sa loob ng kuwarto kahapon. Kaya nasuka ulit ako katulad kahapon nang maiwan nila ako sa loob ng kuwarto. Nakapatay ang ilaw pero kitang-kita ang sinag ng araw mula sa bintana dahil umaga na. Hindi na naman siguro nila ako papakainin.

Isang araw at kalahati na akong hindi kumakain. Dinadala ko na lang sa tulog pag nakaramdam ako ng gutom.

Gusto kong tumakas kaya nag isip ako ng paraan para makatakas ako. Sinira ko ang paanan ng kama na gawa sa kahoy kung saan nila tinali ang kadena na nakatali rin sa dalawang kamay ko.

Unti-unti itong nasira dahil sa malakas na sipa ko. Ilang sipa rin ang ginawa ko kaya nasira rin ito. Lumabas ako ng kuwarto dahil sira naman ang door knob.

At nang makalabas ako, biglang may bumangga sa akin! Nagulat ako at dahan-dahang tiningnan ang taong nabangga ko.

Si Adrian.

Kinakabahan ako at baka isusumbong niya ako kay Chei Ann. Siguradong patay ako nito pag nalaman nina Chei Ann na tatakas ako. Hindi maari, kailangan kong lumabas ng buhay rito.

"Adrian, gusto kong umalis sa lugar na 'to. Paalisin mo na ako rito." pagmamakaawa ko.

Siguro, nagdadalawang isip si Adrian kung ipapatakas niya ako rito.

When Summer EndsWhere stories live. Discover now