WSE 5

240 11 0
                                    

WSE 5

Aila's POV
Kumain na ang mga plastik, si Chei Ann na lang ang hinihintay ko pati ang boyfriend niyang si James. Nakakasukang kasama ang mga mukhang pera sa harap ng kainan.

"Oh my gosh, food again! Tummy is hungry na!" sigaw ni Quila at na unang kumain.

Narinig ko namang lumabas mula sa kuwarto si Chei Ann na kuskos ang dalawang mata nito. Bagong gising yata.

"Chei, kumain ka na dito." tumayo ako at ibinigay na lang kay Chei Ann ang upuan.

"Wala ako sa mood ngayon, guys." sabi niya nang makaupo siya.

"Ha? Bakit?" tanong ko.

"Well, news flash break na kami ni... James."

Napatayo naman si Davy at pumalakpak. "Congrats, Chei Ann! Ngayon at na realize mo na rin kung gaano ka katanga!" sabi niya habang nakangiti.

"Fuck." nahampas sa noo si Chei Ann. "Katabi ko siya kagabi kasi sabi niya mahal niya ako. I was convincing him to have sex with me but hindi siya pumayag. Sinusubukan ko lang kung babalik pa ang pagkalalaki niya pero I was wrong. Nagmahal ako sa bakla. Mali ang minahal ko." dagdag pa niya.

"Pati ba naman sa pakikipagsex mo sa kanya desperada ka pa? Ha!" tumawa ulit si Davy.

"So, asan na si James?" tanong ko.

"Natutulog pa yata."

"So, ako na lang ang gigising kay James." pumasok naman si Angel sa loob ng kuwarto.

"So, guys. Ba't hindi sumama ang dalawang mag pinsan?" tanongni Quila.

"Sino?" tanong naman ni Adrian.

"Duh. Si Althea at Kaye Mark? Ba't hindi sila sumama?"

"Siguro hindi sila pinayagan ng parents nila." sagot ko naman habang hinihimas ang likod ni Chei Ann.

"Stop it. Hindi naman ako umiiyak. Huwag mong himasin ang likod ko. Duh." magalang na sabi sa akin ni Chei Ann.

Napayuko ako. "Sorry."

"AAAHHHH!!!" may narinig kaming sumigaw kaya napatigil si Quila at Davy sa pagkain nila. Pati si Princess, napatayo at na alarma dahil sa narinig.

"Oh my god. Ano 'yun?" kabang tanong ni Quila.

"Sa kuwarto nila Chei Ann nagsimula ang sigaw!" sagot ko kaya tumakbo kami patungo sa kuwarto nina Chei Ann.

Nakita naming sumusuka si Angel patalikod sa kama kaya nilapitan ko siya. "Anong nangyari?" kinakabahan kong tanong.

Tinuro niya ang kama kaya lumapit ako sa kama. Nakatalukbong ng kumot ang katawan ni James at tanging ulo lang ang nakikita. Mahimbing ang tulog niya dahil sa nakapikit niyang mata.

"Guys, ba't basa ang kumot niya?" tanong ni Florence sa amin.

"Ikaw kaya bumukas? Try mo rin mag explore, huwag kami ang tanungin mo." napa-irap na sabi ni Davy.

"Ay. K." kaya kinuha ni Florence ang kumot at nagulat kami sa nakita!

Napatakip si Chei Ann ng bibig at sinimulang humikbi dahil sa aming nakita. Hindi kami makapaniwala. Sinong gumawa nito?

Tanging ulo lang ang nakita naman sa kama. Isang pugot na ulo ng aming barkadang si James. Wala siyang katawan, walan paa o anuman. Pero dugo ang nakikita namin sa ibabaw na parte nito. Kung hindi ako nagkakamali...

Si Keanna ang may gawa nito.

"Chei, no'ng nagising ka kanina hindi mo ba kinuha ang kumot ni James?" tanong ko kay Chei Ann na kinakabahan.

"W-Wala." nanginginig rin siya sa kaba. "Hindi ko siya p-pinansin no'ng g-gumising na ako."

"Sinong may gawa nito?" tanong ko. "SINO?"

Kitang-kita ko ang mga mukha nila na parang nasusuka, 'yung iba mukhang nahihilo na.

"Ayaw kong makulong. Jusko." narinig kong bulong na sabi ni Davy na parang kinakabahan na rin.

Nakita ko sa likod si Princess. Nakangiti siya nang makita niya kaming kinakabahan na.

Keanna's POV
Lumabas ako nang kuwarto ko. Bagon gising pa lang ako nang makarinig ako ng sigaw mula sa kabilang kuwarto. Pampagising naman 'tong mga 'to. Hindi ba sila aware na may isang natutulog rito?

Bigla kong nakita na sumugod sa akin si Chei Ann at sinabunutan ako kaya nawala ang antok ko!

"A-ARAY! PUTANGINA!" napasigaw ako "ANO NA NAMAN BA ANG GINAWA KO?"

"WALANGYA KANG HINAYUPAK KA!" hinila ulit ni Chei Ann buhok ko at sinampal-sampal ang magkabila kong pisngi "MAMATAY TAO KANG TANGINA MO!"

Napaupo ako sa sahig at sinimulang umiyak. "ANONG PINAGSASABI MO?"

Hinila ko naman paa niya kaya napahiga siya at mayamaya'y tumayo muli at lumuhod sa harap ko. Dinuraan niya ako.

"PINATAY MO SI JAMES! PINATAY MO SIYA!" sigaw niya sa harap ko kaya nanginig ako sa takot.

"P-Patay na si James?" pagtataka ko.

"Halika ka dito!" hinila niya ang buhok ko papasok sa loob ng isa pang kuwarto. Hinila niya pataas ang buhok ko kaya napatayo ako at itinulak niya ako sa kama.

Nakita ko ang pugot na ulo ni James na nakasawsaw sa dugo! Nagulat ako sa aking nakita kaya napasigaw ako ng malakas!

"HINDI AKO ANG GUMAWA NIYAN KAY JAMES!" pagtatanggol ko sa sarili ko.

Lumapit naman sa akin si Aila. "Ikaw ang may-ari ng bahay, malamang na sa 'yo ang susi kaya pumasok ka sa kuwarto nila at pinatay mo si James!"

"NAGKAKAMALI KAYO! HINDI AKO ANG GUMAWA NIYAN! PUTANGINA!" nawalan na ako ng lakas. Namumutla na yata ako.

"Sa oras na malaman namin na ikaw ang may gawa nito, ipapakulong ka namin!" tinuturo-turo pa ako ni Chei Ann.

Wala na akong magawa. Ako ang pinagkamalan ng lahat na ako ang may gawa sa pagkamatay ni James. Hindi ako killer. Hindi ako pumapatay ng tao.

Nakita kong ngumiti si Princess sa likod. Ang tahimik niyang mukha ay nawala dahil sa kakaiba niyang ngiti. May kinalaman siya rito. Alam kong siya ang may gawa nito.

NAGDESISYON kami na itago na lang itong sikreto na ito sa pulisya. Ayaw naming pagkamalan kami at ikulong sa kulungan nang walang kasalanan.

Napahawak ako ng mahigpit sa tuwalya na nakabalot sa aking katawan habang naguusap kami sa sala. Hindi ko mapigilang umiyak.

"Imposible na hindi si Keanna ang may gawa nito." wika ni Chei Ann kaya napatingin ang lahat sa akin. Namumutla na ako. Nawawalan na nga yata ako ng wakas.

"Mabuti pa't patayin niyo na lang ako. Kahit anong gawin niyo sa akin, hindi ako ang may kasalanan sa pagkamatay ni James." sagot ko.

"Ililibing na lang natin ang pugot niyang ulo sa likod ng mansyon, hindi natin alam kung saan nakatago ang katawan ni James." pagdesisyon naman ni Adrian.

"Paano pag nalaman 'to ng pamilya ko? Magagalit sila sa akin panigurado!" nanginginig na wika ni Florence.

"Guys, I think we should go home na. Hindi natin alam kung sinong may gawa nito. Baka may killer na nakapalibot sa lugar na tinitirahan natin?" banggit naman ni Quila.

"Walang aalis ng mansyon hangga't sa hindi pa natin nakikita ang killer." ani Chei Ann.

Kinakabahan na ako.

When Summer EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon