WSE 10

247 11 0
                                    

WSE 10

Florence's POV
Takot. Iyon ang nararamdaman ko ngayon dahil papunta na ako sa kamatayan. Pilit kong kinakalaban ang sakit na pinanggagawa nila sa akin. Tatlo sila at nag-iisa lang ako, hindi ko kayang patayin sila kung patayan lang ang laro dahil natatakot akong makulong. Naku, ayokong mapunta sa impyerno baka magalit sa akin si mader dear pag nangyari.

Nakabaon sa tuhod ko ngayon ang dulo ng kutsilyo. Kaya nagsilabasan ang sariwang dugo mula sa loob. Ang sakit, pero kiber lang hindi pa naman ako namamatay kaya swerte pa rin ako.

"Ba't hindi ka sumisigaw?" tanong niya.

"Bakit? Kailangan pa ba iyon?" pagtataka ko.

Hinampas naman nila sa akin ang hawak ng isa sa kasamahan niya ang martilyo kaya medyo nahilo ako.

"Ikaw lang talaga ang pinakatanga sa barkada namin." dagdag pa niya. "Masyado kang tanga, loka-loka at uto-uto."

Nakaramdam ulit ako ng sakit at hapdi sa aking tuhod. Iyon pala ay tinatanggal na nila ang paa ko kaya sumigaw na ako ng malakas! Hindi ko na kinaya. Masyado silang palaban. Susuko na ako.

"Isa-isahin namin kayong lahat!" madiin niyang sabi at ibinaon sa leeg ko ang kutsilyo!

Unti-unti nang lumabo ang paningin ko. Ito na siguro ang huling buhay ko sa mundong ito kaya malalagot na naman ako nito kay, mader dear.

Aila's POV
Nagulat ang lahat nang malaman nilang patay na si Florence. Kinuha pa namin ang sako mula sa labas at ipinasok sa loob ng mansyon. Nasusuka at nang didiri ang iba nang makita nila ang pira-pirasong katawan ni Florence. Pinulot pa namin ang ulo niya sa labas ng mansyon.

"Bros, may nakita akong sulat na nakadikit kanina sa sako. Hindi ko alam kung paano basahin 'to kaya isa lang ang maaring makabasa nito." ipinakita pa ni Angel ang sulat. "Si Jhymea, 'yung kaibigan natin na taga Japan. Siguro mabasa niya 'to."

Kinakabahan na ako. Ayoko na magbakasyon dito kaya gusto kong tumakas. Gagawa ako ng paraan para tumakas ako dito.

"Kaya kailangan nating kausapin si Jhymea. Ipapakita natin sa kanya 'to." sabi pa ni Angel habang hawak ang sulat.

-

KAUSAP na namin si Jhymea ngayon. Hindi namin kasama si Adrian siguro galit pa rin siya sa amin kaya nagpahangin lang yata sa balcon. Tss. May galit pang nalalaman.

"Jhymea, nababasa mo ba kung anong nakasulat sa papel na 'to?" ipinakita pa ni Angel ang sulat sa screen.

Tanging sirang laptop lang ni Keanna ang ginamit namin at mahina ang internet dahil malayo kami sa bayan. Paputol-putol ang mga sinasabi ni Jhymea dahil sa bagal ng connection.

"Sh-- 'Yan, Angel-- Me--" paputol-putol na sagot nito sa kabilang linya.

"Jhymea, hindi ka namin na intindihan? Jhymea?" pagsagot naman ni Angel sa kabilang linya.

"I think nawala ang connection. Nag freeze 'yung video call, o." komento ni Chei Ann.

"Wala na talaga tayong pag-asa nito. Mamamatay na nga tayo, mawawalan pa tayo ng internet." komento naman ni Davy.

"Shi--" putol na sabi ni Jhymea. "De-- Death."

"Shi means death." bulong ko "Kamatayan. Mamamatay tayong lahat." dagdag ko pa.

Napatahimik na lang ang lahat. Nagpasalamat si Angel kay Jhymea bago pinatay ang video call at pinatay ang sirang laptop.

"Sino bang may gawa nito?" mangiyak-iyak na tanong ni Quila. "Hindi ko na kaya! Masyado nang stressed ang buhay ko. So miserable. Nakakapagod!"

"Guys, I think si Princess na naman ang may kagagawan nito." bigla akong kinabahan sa sinabi ni Chei Ann.

"Pero paano naman siya makakatakas?" tanong ni Keanna.

Lumabas kami ng kuwarto ni Keanna at tumungo sa kabilang kuwarto. Sira ang door knob kaya siguro nakatakas si Princess habang hindi sila nakatutok sa ginagawa nito.

Tinulak na lang namin ang pinto dahil ano pa bang silbi ng door knob kung iikutin pa namin ito. Nakita naming nasira ang kadena at may nakita kaming tinta ng dugo sa kamay at damit nito.

Hindi ako makapaniwala na siya nga ang killer! Napakawalang hiya niya! Paano niya 'to ginawa sa amin? Dapat na nga siyang mamatay. Dapat hindi na siya mabuhay sa mundong 'to.

Sinipa ko siya ng malakas sa kanyang tagiliran kaya napagising siya sa sakit.

"Ang galing mo rin pala mag drama, 'no?" nakangiting banggit ni Chei Ann.

"Ngayon, alam na namin kung ano ka at sino ka." sabi ko.

"Sabihin mo sa amin, sino ang mga tauhan mo?" dagdag pa ni Chei Ann.

Sinamaan na lang siya ng titig ni Princess. Walang kibo ang gaga. Akala niya siguro, hindi pa namin nalalaman ang mga pinanggagawa niya.

"STOP ACTING AS IF YOU DON'T KNOW WHAT'S HAPPENING!" biglang napasigaw si Quila.

"And stop acting as if you don't know who's fooling on you!" diin na sabi ni Princess kay Quila.

"Naku, girl. Palaban yata si Princess. Let's give her a big hand!" bigla naman siyang sinampal ni Chei Ann!

Napadura si Princess dahil sa malakas na sampal ni Chei Ann at kitang-kita sa pisngi ni Princess ang malaking pulang marka na sampal ni Chei Ann. Mabuti na lang talaga at nabigyan siya ng big hand.

Sinipa naman niya naman si Chei Ann kaya napatumba siya! Agad kong tinulungang tumayo si Chei Ann.

"Wala kang karapatan para sipain ang si Chei Ann!" sigaw ko kay Princess "Aso ka lang namin dito at wala sa utos namin ang sipain siya!"

Sinamaan lang ako ng titig ni Princess. Mas masama pa sa titig niya sa akin keysa sa mga titig niya kay Chei Ann.

"Tandaan mo, aso ka lang din. Sunod-sunuran sa taong walang pake sa 'yo." turan niya.

"Ang bastos mo talaga killer ka!" sigaw ni Keanna na mukhang hindi na nakatiis sa mga sasabihin.

Hinila niya palabas ng kuwarto ang buhok ni Princess kaya sumunod rin kami sa kanya. Sunod naman ay nakita naming sinipa ni Keanna ang tagiliran ni Princess kaya mas lalong napasigaw si Princess sa sobrang sakit.

"Kulang pa ba 'yan sa 'yo para sabihin mo sa amin kung sino ang mga kasamahan mo?!" sigaw ni Keanna. "Hindi pa ba sapat ang pinapahirapan ka namin?!"

Hindi sumagot si Princess. Ba't ayaw niyang sumagot? Dahil ba ayaw niyang madamay ang mga kasamahan niya?

"This will take you to hell." sabi ko at may na-isip na plano.

When Summer EndsWhere stories live. Discover now