WSE 12

206 10 0
                                    

WSE 12

Princess' POV
Nanatiling nakatitig lang ako sa mga mata ni Adrian at sa tingin ko ay nakaramdam siya ng awa sa sitwasyon ko. Alam kong kakampi ko siya, mabait siya sa akin at hindi siya katulad ng iba.

Hinawakan naman ni Adrian ang braso ko na parang pinipisil niya ito at nakaramdam ako ng kaba. Hinila niya ako patungo sa sala at nakita ko sina Chei Ann na nagti-tipon-tipon na parang may pinag-uusapan saka naman ako tinulak ni Adrian palapit sa kanila!

Hindi.

Hindi maaari.

Lumingon ako kay Adrian at tinitigan ko siya na nagulat sa ginawa niya.

"Adrian, anong nangyayari?" nilingon ko si Chei Ann na nakaharap sa aming dalawa ni Adrian.

"Ayoko na muling mabawasan pa ng isa sa ating barkada." dahan-dahang sagot ni Adrian at napayuko naman siya. "K-Kaya... gusto kong p-patayin niyo siya."

Nanginginig ang buong katawan ko sa mga sinabi ni Adrian. "Huwag mong ipagmukha sa akin na ako 'yung killer!" diin kong sabi. "Dahil kahit kailan, kahit na kinalimutan niyo na ako... hindi pa rin ako gagawa ng paraan para patayin kayo!"

"SINUNGALING!" sigaw ni Aila. "Isa kang dakilang sinungaling! Sa tingin mo maniniwala kami sa kaplastikan mo?" tinaasan niya ako ng kilay.

"E, sino sa tingin niyo ang mas plastik? 'Yung nag re-reyna-reynahan sa grupo o 'yung kinalimutang lider ng grupo? SINO?" tanong ko sa kanila.

"Oh, guys." dahan-dahang lumapit sa akin si Chei Ann. "Kahit ganito kabuti ang ugali ko... never akong nag balak na patayin kayo."

Sinamaan ko lang siya ng titig.

"And maybe," napangiti siya nang nilingon si Aila. "Si Aila ang killer. Baka siya ang may pakana ng lahat ng ito."

Gulat na gulat ang reaksyon ng mukha ni Aila nang pagkamalan siya ni Chei Ann. "Anong pinagsasabi mo diyan, Chei Ann? Kakampi mo ako tapos pagkakamalan mo ako na ako ang killer?" hindi makapaniwalang sagot ni Aila. "Asan ba napunta utak mo?"

"Tama si Chei Ann na ikaw ang killer! Pagkatapos ng lahat ng 'to ikaw lang pala ang killer Aila?" wika ni Keanna.

"Ibig-sabihin, Aila... ikaw ang sumuntok at sumampal sa maganda kong mukha?" sagot naman ni Quila.

Mangiyak-ngiyak na tinitigan kami ni Aila. "Hindi ako makapaniwala na pinagkamalan niyo ako! Gusto ko nang umalis rito!"

"Para ano? Para pumatay ka sa outside world na hindi namin nalalaman? Tss." napa-iling-iling pa si Chei Ann.

"So ano na ang plano mo, Chei Ann? Parusahan natin siya?" tanong ni Angel.

"Hindi muna. Kailangan muna nating mag focus kay Princess at baka siya pa rin ang killer."

"Kahit ano pang iparusa niyo sa akin, hindi pa rin ako ang killer!" giit ko.

"Lie all you want, Princess! Hindi ka pa rin makakatakas sa amin pag hindi ka umamin!" sigaw ni Chei Ann. "Ipasok niyo na lang sa sako si Princess at ibitay sa puno ng mangga! Iyon ang plano ko."

Nagulat ako sa pangalawa-- pangatlo, pangatlo nilang parusa sa akin. Pero tatanggapin ko. Kahit ano...

Hinawakan nila ang braso ko pero hindi ako sumigaw o kahit anong dipensa ko pa sa aking sarili dahil wala naman akong magagawa.

Davy's POV
Nakaramdam na ako ng awa sa stiwasyon ni Princess. Malakas ang kutob ko na hindi siya 'yung killer. Sa tingin ko...

Si Angel.

Dahil siya lang naman ang tahimik sa grupong 'to. Sa tingin ko lang. Napapansin ko na kasi ang mga kilos at galaw nito na parang may binabalak na masamang plano.

Kumuha ako ng sako sa loob ng lumang bodega na matatagpuan sa labas ng mansyin nina Keanna. Malaki-laki naman ang sako kaya kasyang-kasya rito sa loob si Princess. Nagsimula nang tumulo ang sariwang luha ko sa nakikita kong sitwasyon ngayon kay Princess. Wala na, e. Wala na akong magagawa dahil tuluyan na ngang inagaw ni Chei Ann ang trono ng lider. Kaya na edi wow pak ganern ang buhay ni Princess dahil kay Chei Ann...

At dahil sa amin.

"Kumuha ka na rin ng tali, Adrian. 'Yung makapal. 'Yung mas makapal pa sa mukha ni Chei Ann." utos ni Keanna kay Adrian kaya sinunod naman ito ni Adrian.

Na sa kusina kami habang ginagawa namin ang pinaplano ni Chei Ann. Wala naman rito si Chei Ann at nang do'n pa rin yata sa sala at pinapanood ulit ang pagkamatay ni Florence baka sakaling may makita siyang clue or anything else para mahanap na namin ang killer.

Bunalik si Adrian na may dalang makapal na tali mula sa bodega kung saan niya ito kinuha. Nakita kong hinigpitan niya ang pagtali sa sako habang na sa loob ng sako si Princess. Pumatak naman ang luha ko sa sako at may binulong kay Princess.

"Mapapatunayan rin natin, Princess na hindi ka mamatay tao..." pagkatapos kong ibinulong iyon ay sinimulan nang ibinuhat ni Adrian ang sako.

Papalabas na kami ng mansyon at mabilis tumungo sa harap ng puno ng mangga.

"Ang taas naman ng manggang 'to." ani Angel.

"Kaya nga, e. Sa susunod ikaw ang ibibitay ko diyan." sabi ko.

"May sinasabi ka?" tiningnan niya naman ako kaya napataas ako ng kilay.

"Yes. Meron." seryoso kong tugon. "Pag mapatunayan ko na ikaw nga ang killer, Angel. Ikaw ang ibibitay ko rito. Gano'n 'yung sabi ko."

"Tama na!" napasigaw si Adrian.

"Bakit, ikaw lang ba ang may karapatang magsalita rito, Adrian?" tanong ko kay Adrian. "Palibhasa kasi, sunod-sunuran ka na rin ni Chei Ann. Nag pauto ka na rin."

Bigla namang hinawakan ni Adrian ang kuwelyo ko ng mahigpit! Kaya nagulat ako sa ginawa niya.

"Sabi ko, tama na!" giit niya.

"Hindi tayo inuuto ni Chei Ann. Totoo ang mga sinasabi niya." sagot naman ni Aila.

Tinulak ko si Adrian. "Bakit? Totoo ba na killer ka rin, Aila?" tanong ko.

"H-Hindi."

"So walang katotohanan ang mga sinasabi ni Chei Ann. Baka pagkatapos kay Princess, ikaw na naman ang papahirapan ng Chei Ann na 'yun!" sagot ko.

Napayuko na lang si Aila dahil sa sinabi ko.

"At ikaw rin, Adrian. Hindi porquet may nabawasan na sa grupo natin, si Princess agad ang may kasalanan. Naging sunod-sunuran na tayo kay Chei Ann. Hindi niyo ba 'yun napapansin?"

Walang may nakinig sa akin. At sinimulan na nga nilang ibinitay sa sako si Princess sa puno ng mangga.

"Walang maniniwala sa 'yo, Davy. Baka isa ka rin mamatay tao." pagkatapos sinabi iyon ni Adrian ay tinali na niya ang tali sa mangga ng mahigpit. Na hindi nahuhulog si Princess.

Umalis sila sa harap ko.

When Summer EndsOnde histórias criam vida. Descubra agora