WSE 14

204 10 0
                                    

WSE 14

May 27, 2016
Adrian's POV
Nagulat na lang kami sa pag gising namin nang mawala ang mga maleta namin at iba pa naming gamit. May nakita naman kaming isang papel na nakadikit sa refrigerator at may nakasulat na 'Shi'. Anong ibig-sabihin nito?

"Guys, anong Shi?" tanong ko.

"Shi, means death." sagot ni Quila. "Oh my god, sino na naman ang kulang sa atin?"

Napansin kong wala si Aila. "Si Aila?"

Napatigil ang lahat sa sinabi ko. Imposible na patay na si Aila. Masama ang kutob ko sa nangyayari, siguro nga't patay na siya. Nagkulang na naman ang grupo namin. Talagang napaka-imposible na si Princess ang may gawa nito.

Pero uunahin muna namin ang paghahanap ng gamit.

"Guys, kailangan muna nating mahanap ang gamit natin bago si Aila. Mas importante pa ang gamit natin keysa sa buhay niya." sabi naman ni Chei Ann kaya nagsimula na kaming maghanap ng gamit.

Nagkahiwa-hiwalay kami sa paghahanap kaya isang sigaw ang narinig namin mula sa labas ng mansyon. Nagsitakbuhan naman kami palabas at tumungo sa lumang bodega kung saan nagsimula ang sigaw.

Sumigaw si Quila. "AAAHHHHH!!!" nakakarindi ang kanyang mga sigaw habang may itinuturo sa upuan. "GUYS, ANG BANGKAY NI AILA! AAAHHH!!!"

Isang pugot na ulo ang nakapatong sa upuan at pira-pirasong kamay, paa at katawan ang na sa baba nito.

"'Yung mga gamit natin!" itinuro pa ni Chei Ann ang mga maleta at gamit namin sa paligid ng lumang bodega.

"Imposible nga talaga na hindi si Aila o si Princess ang killer..." bulong ko.

"Hihingi na lang tayo ng tulong sa kapitbahay! Kailangan nating sabihin sa kanila ang mga nangyayari sa atin. Sa grupo natin!" ani Angel.

"Hindi puwede. Baka tayo ang makukulong. Baka tayo ang pagkamalan!" sagot naman ni Chei Ann.

"Naku, jusko. Ginawa niyo ng sementeryo ang bakuran namin! Ano na lang kaya ang masasabi nina Mama at Papa pag nalaman niya ang sitwasyon natin?" sabi naman ni Keanna.

"Itapon niyo na lang ang bangkay ni Aila sa basurahan. Para walang makaalam. O maghukay kayo sa labas ng mansyon. Do'n para walang makaalam sa nangyari." nanginginig na sabi ni Chei Ann. Halatang kinakabahan. Akala ko ba... palaban siya?

Inutusan na naman nila akong maghukay sa labas ng mansyon-- sa tapat ng gate para wala na NAMANG makaalam sa sitwasyon.

HABANG naghuhukay ako ay isang matandang lalaki ang napadaan sa amin at tiningnan kung ano ang hinuhukay namin.

"Naku, ano bang hinuhukay niyo diyan?" tanong niya.

"Ah, wala po. Naghahanap lang kami ng gold. Pangsangla sa pawnshop. Hehe." narinig kong palusot ni Keanna.

Napatigil ako sa paghukay at tumingin sa kanila. Si Davy naman ang inutusan ko dahil nakaramdam ako ng pagod sa pagbungkal ng lupa.

"Ikaw, iha? Ano ba 'yang hinahawakan mo?" tanong niya naman kay Chei Ann.

"Wala po. Bola lang." palusot na sagot ni Chei Ann habang hawak ang ulo ni Aila na nakabalot sa itim na tela samantalang ang katawan niya naman at pira-pirasong putol na kamay at paa ay ipinasok namin sa loob ng sako.

"Naku, ano ba namang ginagawa niyong mga bata kayo. Sige, salamat sa tsimis at aalis na ako. Hehe." nag peace sign pa ang tanda saka naglakad palayo sa amin.

"O, ayan na. Malalim na 'yung hukay. Ilagay niyo na ang katawan at ulo ni Aila para matapos na 'to." sabi naman ni Davy kaya inilagay na nga namin ang sako at ulo ni Aila sa hukay.

"Sa susunod," nakatitig si Davy kay Angel. "...bangkay mo naman ang ililibing namin, Angel." nakangiti pa siya sa harap ni Angel saka umalis.

Mukhang iginiit ni Davy na si Angel nga ang killer. Mukhang posible.

Quila's POV
Pagpasok namin sa loob ng mansyon ay hindi kami makapaniwala sa aming na abutan! Isang nakamaskarang killer na may dalang balde na sanhi sa pagkalat nito ng patay na hayop sa loob ng mansyon!

"OH MY GOD!" napasigaw sa nakita.

Kaya agad namang napatakbo ang killer at pilit namin siyang hinabol pero hindi na namin siya nakita sa labas ng mansyon. Wala na kaming kaalam-alam kung saan siya dumaan sa kanyang pagtakas.

"Busit. Natakasan tayo!" sabi ko.

Bumalik kami sa loob ng mansyon kaya narinig ko naman ang pag dabog ni Keanna. "Ano ba naman 'yan. Nilinisan ko lang kagabi, may kakalat na naman. Pistilan." pagreklamo niya.

"Nakita na natin ang killer." hindi makapaniwalang sabi ni Davy. "Sa mismong harap natin..."

"P-Paano naman siya nakapasok rito?" tanong ko.

"Hindi na natin mapagkatiwalaan ang grupong 'to. Aalis na ako sa The Bro's. Ayoko na rito." biglang sabi ni Adrian. "Aalis na ako bukas. Hindi ko na kaya ang grupong 'to. Ayokong masunod sa patayan, wala na kayong taga-bungkal ng lupa."

"Oh sure. Hindi ka naman malaking kawalan." sagot naman ni Davy.

Naglakad naman papalayo sa amin si Adrian at mukhang lumabas yata ng mansyon.

May isang kaba na naman ang kumakatok sa dibdib ko. Hindi maari pero kailangan kong sabihin sa kanila kung anong laman ng na sa isip ko.

"Si Althea ay Kaye Mark," bulong ko.

"May sinasabi ka, Quila?" tanong ni Keanna.

Napatingin naman ako sa kanya. "Hindi kaya posible na si Althea at Kaye Mark ang killer? Ang dalawang mag pinsan?"

"Quila, hindi naman natin sila kasama rito. Paano mo naman na isip 'yun?" tanong ulit ni Keanna.

"Oo nga. Silang dalawa. Wala sila sa mansyon kaya posibleng inisa-isa nila tayo." sagot ko.

"Bakit naman nila tayo pinapatay?" tanong naman ni Chei Ann. "Like duh. Wala naman tayomg ginagawang kasalanan sa kanila. Mag-isip ka nga, Quila. Minsan talaga, wala kang kwenta sa barkada. Sadyang gutom ka lang."

"May nag-utos lang sa kanila kaya napilitan nilang ginawa ito sa atin. Baka si... Heavenly." sagot ko.

Si Heavenly, ang dating miyembro ng The Bro's na lumipat ng ibang school dahil sa pambubully namin sa kanya noon. Hindi niya yata kami natiis noong December 2015 kaya pagdating ng January ay agad siyang lumipat ng school. Siguro naghihiganti siya sa amin, sa mga ginawa namin sa kanya noon ay pinalitan niya ng poot at galit sa grupo na may kasaling patayan.

"Baka si Heavenly ang killer. Baka siya 'yung leader nina Althea at Kaye Mark?" pagpatuloy ko.

Pero imposibleng gumanti sa amin si Heavenly. Malayo siya sa amin at siguradong hindi na siya babalik sa impyernong pinanggalingan niya.

When Summer EndsWhere stories live. Discover now