WSE 48

65 1 0
                                    

WSE 48

Chei Ann's POV
Natutuwa ako nang makita ko siyang nahihirapan. Napakaganda ng larong ginawa ko na ako lamang ang may balak. Mga plastic kasi. Nakakabuwisit.

"TULONG!!!" sigaw lang siya ng sigaw na para bang nababaliw na siya.

Tumawa naman ako dahil sa tuwa. Matagal ko na kasi itong pinagplanuhan simula no'ng nalaman kong niloloko lang nila ako at pinaglaruan, ako tuloy ang nakipaglaro sa kanila at sila na ang umatras sa laro nila. Nakakaloka.

Nakaupo lang siya sa dulo ng kuwarto at nakatakip ang kanyang dalawang mata na gamit ang panyo. Nakatali ang dalawang kamay at paa nito at patuloy pa rin sa kakasigaw at kakaiyak.

"Sorry na kung niloloko ka namin. Hindi ko naman ito sinasadya, e!" sigaw niya.

Kumakain lang ako sa lamesa at tiningnan ang tinidor na hawak ko. Napangiti ako sa naisip ko. Siguradong maganda ang gagawin ko.

"Ang sarap pala kainin ng isa nating classmate, ano?" nakangiti kong sabi. "Parang gusto ko pang magluto ng isa. Ano kaya kung..."

"HUWAG!!!" sigaw niya. Siguro naman at na gets niya ang sinabi ko. Dahil siya naman talaga ang isusunod ko.

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at lumapit sa kanya. Hindi niya siguro nararamdaman na papalapit na ako sa kanya dahil nakatakip ang kanyang dalawang mata.

"Nakakatuwa naman pala pakinggan ang mga sigaw mo." ngumiti ulit ako. Bahala na kung mapupunta ako sa impyerno basta magawa ko lang 'to.

Bigla siyang nanginig sa takot. Nararamdaman niya na nasa harap niya na ako. Nakakatuwa siya. Gusto ko siyang paglaruan.

Hinawakan ko ang kanyang dalawang panga. "NGANGA!" utos ko kaya sinunod niya naman.

"Anong g-gagawin mo s-sa akin?" nanginginig niyang tanong.

"Basta ngumanga ka na lang!" sabi ko.

"Patayin mo na lang ako keysa pahirapan!"

Sinampal ko siya. Nasa pisngi niya na ngayon ang bakas ng sampal kong pula. Nababagay lang 'to sa kanya dahil sa kaplastikan niya.

"Ayoko! Dahil pag namatay ka na! Parang nakawala ka na sa kulungan na hindi nahihirapan di ba? Free na free ka! Ano ka sosyal?" sigaw ko.

Nakita kong tumulo ang luha niya sa tapat ng panyo. Bakas ito ng sariwa niyang luha. Umiiyak siya sa takot. Kaya napangiti ulit ako. Nakakatuwa na kasi. Masyadong kapanapanabik ang nangyayari.

"NGANGA!" sinunod niya ulit ang utos ko. "Tinitingnan ko lang kasi kung nabubulok na ba ang ngipin mo! Baka puwedeng... tanggalin." napangiti ulit ako.

Sumigaw na naman siya dahil sa plano ko. Masyado siyang maingay pero okay na rin at least nakaka-thrill ang mga plano ko sa kanya.

"May nakita akong bulok na ngipin, o. Matanggal nga 'tong isa." tinusok ko naman ang tinidor sa ngalangala niya kung saan sa ibabaw nito ang hindi pa nabubulok na ngipin. Nagsisinungaling lang ako.

"AHHHH!!!" huminga siya ng malalim na may halong sigaw dahil sa sakit na nararamdaman niya.

"Ay, hindi pantay ang pagtanggal ko. Isa pa nga." napangiti ulit ako kaya umungol siya ng malakas dahil sa sakit ulit na ginawa ko sa kanya.

Dumudugo na ang tinidor na ginamit ko sa pagtanggal sa dalawa niyang ngipin. Hindi pa ako nakuntento ay tinanggal ko ng sabay ang ngipin niya sa harap at sa ilalim. Ang daming dugong nabawasan. Ang sarap tilapan. Nagugutom ulit ako.

"AHHHHHHHH!!!!" sumigaw na naman siya.

Itutuloy ko pa kaya siyang patayin? O hindi na lang kaya? Tss. Medyo sayang naman kung buhay pa siya. Sayang kung buhay pa siya. Dahil dapat siyang mamatay at ako mismo ang papatay! Dahil kung hindi? Ilalantad niya ako. Kaloka.

Patuloy ko pa 'rin ningunguya ang katawan ni Davy sa bibig ko. Oo kinain ko ang katawan ni Davy, baliw na kung baliw, kanibal na kung kanibal. Bakit ba? Nasasarapan ako, e. Medyo maasim nga lang 'yung katawan ni James no'ng ginawa siyang bulalo ni Angel. Hahaha. Sukang-suka silang lahat nang inilagay ko 'yun sa fridge.

"Asan si Quila? Na sa'n si Adrian? Si Keanna?!" sigaw niya sa akin na mukhang hinahanap ang mga plastik sa lipunan.

Napangiti naman ako ng konti sa sinabi niya, "Tss. Isa-isa kayong kuwarto sa loob at sa labas ng mansyon na 'to," sagot ko "Si Quila ay na sa guest room, si Keanna naman na sa sarili niyang kuwarto, si Adrian ay na sa warehouse at ikaw naman ay na sa master's bedroom. Tatlong kuwarto ang na sa mansyon na 'to at isang kuwarto ang na sa labas which is 'yung warehouse kung asan pinatay si Aila. Simple as that." Ngumiti  pa ako sa kanya.

"TIGILAN MO NA 'TONG KALOKOHAN NIYO!! BUWISIT KAAA!!!" sigaw niya ulit.

"Biktima ka. Suspek ako. Putangina mo." malumanay kong sabi.

"Hindi ka magiging masaya pag nag higanti ka!!"

"Sshhh... Huwag kang maingay baka marinig tayo. Hihihihi." parang bata kong sabi at pinaikot-ikot ang daliri ko sa buhok ko.

"Pakawalan mo kaming lintek ka!!"

"Isa lang naman ang gusto kong laro para sa inyong apat. Hihihi." tumawa-tawa pa ako "Gusto ko ang title ng laro natin ay 'Sacrifice Your Shadows', simple lang naman amg mechanics ng game. Para naman magkaalaman na kung sino ang plastik sa ating magbabarkada."

"Putangina mo. Anong kabobohan na naman 'yan!!!"

"Gaganapin ang event sa salas. At ang mechanics ng game ay, uutusan mo kung sino ang naging sunod-sunuran sa 'yo na patayin siya to save you. At pagkatapos no'n, pag pumayag 'yung inutusan mo na namatay siya ibig-sabihin 100 points for you. Ikaw ang plastik sa barkada!" nakangiti kong sabi.

"Bakit ka ba nagkaganito? Bakit mo 'to ginagawa sa amin?!"

"May mental illness ako, beshy. Isa akong rape victim at dahil do'n ay may sakit akong schizophrenia. Una kong pinatay ang ama ko and then nag pa check up ako ng mag isa. Nag confess ako sa doctor sa nagawa ko. After that, I killed him. Iniwan ko siyang mag-isa sa clinic niya at baka ibulgar niya ang identity ko. Naka-hoodie jacket ako no'ng time na 'yun kaya walang nakakaalam kung sino ang pumatay kay Dok. At no'ng nakipag-break sa akin si Bryan? Tss. Nilabas ko ang galit ko kay Jane kaya ko siya napatay."

"Kaya nga paborito kong ibully si Jane no'ng hindi pa ako nakasali sa grupo niyo, e. At hanggang sa nakasali na ako sa grupo niyo ay still... binubully ko pa rin si Jane. Nakakabawas lang ng stress tuwing may binubully ako."

"Pero winelcome ka nina James at Aila? Ba't mo sila pinatay? Ba't mo ginawa iyon sa kanila? Tinuri ka pa nga nilang lider keysa sa akin, e!" sigaw niya na naman.

"Oh? Why did I killed them? Nakakasira kasi sila ng plano. Paano kung nalaman nila ang binabalak ko? E, di susumbong nila ako sa inyo lalo na't hindi ko pa sila kilala ng husto! Unlike sa mag pinsan na sina Kaye Mark at Althea, kilala ko na sila. They're too precious for me and even though kaya nilang i-sacrifice ang sarili nila para sa akin, e. Too bad, pinatay ni Quila si Kaye Mark kaya si Althea na lang ang mapagkakatiwalaan ko."

"Paano pag 'yung pinagkakatiwalaan mo ay iyon ang babagsak sa 'yo?" diin niyang sabi.

"That's never gonna happen. I know Althea." nakangiti kong sabi.

"Nagawa ko pa ngang patayin ang boyfriend ko dahil na-iinggit ako sa 'yo. Gusto ka niya, Chei Ann! Kaya ko siya binitay at sinunog dahil gusto ka niya!!"

Nagulat ako sa sinabi niya kaya napatawa na lang ako. "Ang ganda ko kasi."

"Pero nagkamali ako. Dapat hindi na lang ako ma-inggit dahil nagkagusto siya sa isa pa lang psychopath killer."

"Go, bash me. Hindi ka pa rin makakawala sa mga kamay ko little princess." tumawa naman ako ng tumawa habang papalabas ako ng kuwarto.

"PAKAWALAN MO AKO!!! PAKAWALAN MO AKO DITO HAYUP KAAA!!!" sigaw pa rin siya ng sigaw sa loob ng kuwarto. "AAAAHHHH!!! BUWISIT KAAA!!!"

Don't worry. I just made that game for myself. Para naman mas lalong mangibabaw ang tuwa ko. HAHAHAHAHA!

And also, I'll make sure. Na ni isa ay walang makakatakas ng buhay. For fun.

When Summer EndsWhere stories live. Discover now