part eighteen

Magsimula sa umpisa
                                    

"No! Okay lang 'yon. Hindi ko nga ini-expect kanina na 'yang looks mo na mukhang you know.. Tapos emotero ka din pala. Akala ko extinct na ang mga tulad mo."

Napataas ang isang kilay niya habang nakangiti. "Mukhang ano..?"

"Hmmm mukhang manloloko! Peace! Pero sorry 'yon talaga unang impression ko sayo." I have said that straight to him. Ang gaan din ng pakiramdam ko ngayon sa kanya.

"Ganun? The looks is deceiving tandaan mo 'yan. Tsaka ano yung extinct na sinasabi mo. Parang sounds endangered species na ah."

"Eh kasi bibihira na ang mga lalaking umiiyak kapag na heartbroken. Yung tipong kita mo ang sincerity sa kanila. Kasi sa panahon ngayon, iba na. Kapag kasi mabigo sa isa walang problema kasi merun reserba."

"Akala nyo lang ganun ang mga lalaki. Nasasaktan din kami, sobra. Pero siyempre lalaki nga di ba? Kaya we will hide it. Kabawasan kasi yan sa pagkalalaki namin."

"Sa akin hindi. Kapag ang isang lalaki kasi umiyak ng dahil sa love, hindi kabawasan 'yon. It means mahal niya talaga. Saludo ako sa mga ganun." Mas nagiging manly kasi ang tingin ko sa mga lalaking umiiyak dahil sa mahal nila.

"Hindi lahat ng babae ganun. I know lots of women, at kadalasan ayaw nila sa mga lalaking ma emotion. Turn-off daw sa kanila ang ganung klase."

"Ay ibahin mo ako, saludo ako sa mga ganyang lalaki." Tumayo ako at sumaludo sa harapan niya.

Narinig ko ang malakas niyang tawa. I feel so happy kasi mukhang nadivert ko ang attention niya. When I saw people having a hard time or having sad moment andun yung eagerness na mapasaya sila.

"Bakit ka naman sumaludo sa harapan ko?" Biglang tanung niya while still laughing.

"Siyempre isa ka doon!"

"Anyways, maraming salamat Gab." sumeryoso ang mukha.

"Walang anuman, just always smile even though parang kay hirap ngumiti. Even when you are at the worst days of your life smile ka pa din. That was the thing I've learned from my mother." My mom would always remind me how a smile can help someone. Kapag kasi ngumiti ka, sinasabi mo sa sarili mo na "kaya mo yan and everything will be alright."

"From now on i will just smile." Nakita kung ngumiti siya ulit.

Tumayo naman ako, tiningnan ko ang oras sa relo ko, hapon na nga pala. Baka need ng katulong ni manang Adela sa paggawa ng meryenda.

"Good! Sige Emman babalik na muna ako sa kusina. Baka kailangan ng tulong ni manang Adela sa paggawa ng biko."

Napatingin din siya sa relo niya.
"Oo nga malapit na magmeryenda."

Tumayo na din ito. Sinipat ang kamay niyang may takip ng band-aide.

Itinuloy ko naman ang pag-aayos ng mga gamit ko. Inilagay ko sa kahon ang mga ito. Lumapit naman si Emman para tulungan ako. Pagkatapos naming mailigpit lahat nagpasalamat ako sa kanya.

"Thanks sa pagtulong, see you later. Pwede ka tumambay dito kung gusto mo. Tawagin na lang kita mamaya kapag meryenda na. O di kaya hatiran kita dito."

"Ayos lang na dito ako? Mukhang teritoryo mo kasi ang lugar na 'to. Nagtresspassing lang ako."

"Ayos lang, ang kaso baka magwala ka dito mamaya, dun malalagot ka talaga sa akin." sabay tawa ko ng malakas.

"Ganun? Ano naman gagawin mo sakali sa akin? " nakangisi ito. Mukhang may ibang naglalaro sa isipan ng loko.

"Aba eh di ipapa barangay kita. O di kaya babayaran mo lahat tapos ikaw din magkukumpuni."

Loving The BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon