Chapter 35

120 6 0
                                    

Kahapon pa kami nakauwi galing Boracay at ngayon, nasa jeepney na ako papasok sa school. Bumaba ako at naglakad pa ng kaunti para makarating. Nakita ko sa gate si Aldrin na parang may hinihintay, ako ata kasi nung nakita niya ako, bigla siyang napatayo.

BELLA: O Aldrin, bakit nandito ka pa?

ALDRIN: Hinintay kasi kita eh. Ayaw mo ba?

BELLA: Hindi ah! Ang sweet mo nga eh halika na nga pasok na tayo.

Habang naglalakad kami, bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Ako naman, na-awkwardan kasi kapag nakita kami ni Nattasha, may gyera na sisiklab. Since heartthrob si Aldrin, pinagtitinginan kami ng madaming babae at nakakapagtaka ang way ng pagtingin nila sa akin, para bang papatayin ako haha.Bigla naming nakasalubong si Nattasha at ang bago niyang set of friends.

BELLA: Nattasha...I see meron kang bagong set of friends. Ano yan? Profile picture? Papalit-palit?

Nilapitan niya ako at nakita ang kamay namin na magkahawak pero binalik din ang tingin sa akin nang may kasamang taas ng kilay.

NATTASHA: WOW. Guys look how a trash is holding my future boyfriend's hand. Yuck. Ang isang Bella Corpuz? Hahawakan ang kamay ng isang Aldrin Villafuerte? Gosh!

BELLA: Sige Nattasha, lakasan mo pa para lalo kang mapahiya.

NATTASHA: At bakit ako mapapahiya?!

ALDRIN: KASI GIRLFRIEND KO NA SI BELLA...BELLA CORPUZ NA KAHARAP AT INIINSULTO MO NGAYON.

Biglang nanlaki ang mga mata ni Nattasha. Lahat ng babae sa likod namin, ay nagchichismisan na.

Girlfriend?

Girlfriend niya si Bella?

Bagay naman sila eh! Maganda, gwapo, parehong matalino....saan ka pa gurl?

Ang mukha ni Nattasha ay gulong-gulo at takot na takot. 

NATTASHA: I-I-I don't b-believe it.

ALDRIN: HINDI MO BA NARINIG ANG SINABI KO? Girlfriend ko si Bella at mahal ko siya! Kaya you don't have the right to insult her.......let's go Bella.

Pumasok na kami ni Aldrin ng classroom. 

Nasa basketball practice si Aldrin ngayon kaya hinihintay ko siya dito sa may bench. Nagbabasa ako ng textbook para sa bahay, wala na akong gagawin. Biglang nagdilim ang pagbabasa ko na parang may nagtakip ng araw. Pagtingala ko, nakita ko ang grupo ni Nattasha. Binalik ko nalang ang mata ko sa pagbabasa pero yung isa niyang kaibigan, hinablot ang libro ko.

A Piece of My Heart (Book 1)Where stories live. Discover now