Chapter 15

174 8 3
                                    

BELLA’S POV

Nakauwi na ako ng bahay at nakita ko na nanonood na si nanay ng paborito niyang palabas. Nagmano ako at umupo sa tabi niya. Pero naalala ko na sasabihin ko na nga pala yung pagsali ko sa contest kaya sinabi ko na.

BELLA: Nay, kami  nga pala pop ala ni Aldrin ang napili ng klase naming bilang representive ng Mr. and Ms. Enderun.

Biglang natawa si nanay at alam ko na kung bakit. Syempre kasi si Aldrin ang partner ko. Nanay naman eh lagi nalang nang-aasar hindi pa tumitigil.

BETH: Sabi ko na nga ba eh kayo nanaman niyan ni Aldrin eh

BELLA: Hala talaga si nanay! Hahaha ayan nanaman kayo eh. Ang sabi kop o nay walang something.

BETH: Ikaw kaya yung ayan nanaman. Ikaw palagi ang defensive  ehh!

Hindi ko na pinansin si nanay at tumawa nalang ako. Aaminin ko sa inyo, masmasaya ako kapag kasama ko si nanay kaysa kay Mommy Sab kasi totoo ang lahat ng ngiti na pinapakita ni nanay.

Kumakain na kami ng hapunan ni nanay nang bigla naming pag-usapan ang contest na sasalihan ko.

BETH: Anak saan nga pala tayo kukuha ng damit mo?

Sinubo ko muna ang pagkain sa kutsara ko at nilulon ito. Nag-isip isip din muna ng mabilis bago ko sagutin ang tanong ni nanay.

BELLA: Nay hihiram nalang po ako sa ate ni Kyle. Madami naman pong gown yun diba?

BETH: Ahhh oo doon ka nga humiram kay Tessie. Siguradong magmumukhang reyna ka na niyan tapos syempre si Aldrin ang hari.

Napatingin nalang ako kay nanay at tinuloy nalang ang pagkain ko. Binilisan ko na dahil madami pa akong gagawin.

Nasa kwarto na ako at ginagawa ko na ang Math assignment ko. Grabe for 12 years hindi ko pairn magawa-gawa ang math na to! Dapat kasi nandito si kuya eh kaya lang nahihiya ako kasi ako ang masmatalino sa kanya pero magpapaturo ako sa kanya. Hay kayanin ko na nga to.

BELLA: 6 squared…plus 8970…minus 345…divided by……

Ugh!! Ang hirap na hindi ko na ata to kakayanin!!! Ang Math talaga ay fun, FUNira ng araw! Haist hulaan ko na nga lang to total hindi naman ikabababa ng grades ko ang 3 points. Ang gagawin ko nalang, pupunta ako kila Kyle. Lumabas ako ng bahay at kumatok sa pinto nila. Ang nagbukas ng pinto ay si Ate Tessie, buti nalang.

BELLA: Ate Tessie pwede ba akong humiram ng gown mo?

TESSIE: Oh halika  pasok ka

Pumasok ako sa bahay nila at dumeretso sa kwarto ni Ate. Binuksan niya ang cabinet niya at nakita ko ang napakadaming gowns na nakahanger! Grabe ang dami-dami talagang sinasalihan na contest nito ni Ate Tessie, haba ng hair.

BELLA: Ate Tessie yung white gown nalang.

TESSIE: Okay sige kunin mo na at umuwi ka na baka gabihin ka na.

A Piece of My Heart (Book 1)Where stories live. Discover now