Chapter 4

223 9 0
                                    

BELLA'S POV

Ang init talaga dito sa palengke pero nasanay na ko. Araw-araw ba naman kasi akong nagtitinda dito. Inaayos ko ngayon ang mga gulay na tinitinda namin at si nanay naman, ay naglalako ng kakanin. 

"Ate! Kuya! Bili kayo sariwa mga tinda namin oh! Masasarap iyan!" sigaw ko para marinig ng lahat ng dumadaan dito sa palengke.

Dahil sa kagandahan ko, madaming mamimili ang lumalapit sa akin at bumibili. Syempre isa lang ang sikreto diyan, ngiti. Pero nang maubos na ang paninda ko, ay nawawala na din ang mga tao kaya nag-isip isip nalang ako. Naalala ko yung nangyari kahapon. Nung nagkita kami ni kuya. 

Nakita ko nanaman yung kuya ko na inakala kong tunay na kapatid. Tsaka ko lang napagtanto na sobrang miss na miss ko na talaga siya. Gusto ko siyang yakapin at sabihing: "Kuya! Ito na ako, si Andrea! Alam mo ba na miss na miss na kita? Grabe 17 na tayo ngayon, ang tagal na panahon na noh?" pero di ko magawa kasi ako naman ang gustong umalis noon eh. Ako ang nagpumilit.

Ano kaya ang gagawin ko? Aaminin ko kaya? Siguro hindi na. Alam ko namang masaya na sila eh. Tignan mo, ni hindi niya nga nabanggit ang pangalang Andrea. Siguro maayos na buhay nila ngayon kasama si Carla. Hindi naman sa pabebe pa ako pero ayoko na namang masira nanaman ang relasyon ng Villafuerte family.

Pagkatapos kong magtinda, nagpaalam ako kay nanay para dumaan sa court. Baka nandoon nanaman kasi si kuya. At kung pwede lang sana, maglaro kami sa Tree Park pero hindi ko ipapahalata sa kanya. Gusto ko lang kasing ibalik yung dati naming samahan.

Dumaan ako ng court at nakita ko siyang mag-isa; nakaupo at nagdidribble ng bola kaya nilapitan ko na lang. Hindi niya muna ako napansin kasi yung mata niya, nakatingin lang sa bola na pinaglalaruan niya. Sana ako nalang pala yung bola kahit para may dumating malapit sa kanya, pipiliin niya pa din ang bola.

"Aldrin, kamusta ka na? Wala ka bang ginagawa?" 

Nagsalita nalang ako para mapansin niya man lang ako. Napatingin siya sa akin pero binalik din ang tingin na matagal ko nang gusto sa bolang iyon. 


"Wala boring kasi sa bahay eh! Yung parents ko wala at yung kambal ko naman nakakainis"

Si Carla ba ang tinutukoy niya? Bakit naman naiinis siya? Ginawa ko ngang umalis sa bahay para maging maayos na sila eh pero hindi pa din ba sapat iyong ginawa ko?

"May kakambal ka? S--sino?"

"Si Carla na sobrang maarte na nakakainis na"

"Hahaha grabe naman descripton mo. Wala ka na bang ibang kapatid pa?"

"Meron eh pero....ano ka ba private life ko yun! Basta yun lang ang kalaro ko kaya gusto ko ngang ibalik eh"

Oops medyo rejected ako doon ah. Describe lang naman ako eh pero hindi niya sinabi, ano ba yan! Sa bagay, pribadong buhay din nga niya naman ito. Kung ako din tatanungin tungkol sa kanya sa taong di ko kilala syempre di ko sasabihin.

"Gusto mo lang siya para may kalaro ka ganun?"

"No. Kapatid ko siya at mahal na mahal ko siya. Halika na nga laro na tayo hahaha. Saan ba pwede?"

"Uhhmm...gusto ko yung sa Tree------------ay yung sa place na madaming trees."

"Malapit lang yun sa bahay namin. Sige sumama ka sakin"

A Piece of My Heart (Book 1)Where stories live. Discover now