Chapter 23

139 5 2
                                    

BELLA'S POV

Wala akong ganang pumasok ngayon dahil nga sa nangyari sa amin ni Aldrin. Pero wala akong magagawa eh. Responsibility ko ang pumasok kaya dapat gawin ko. Papasok na ako sa gate nang makita ko ang kotse nila kuya  at bumababa na sila ni Carla. Naglakad ako nang mabilis at alam kong sinusundan niya ako. Bigla niya akong nahawakan sa braso.

ALDRIN: Bella tulungan na kita.

Pero biglang dumating si Enrique at tinulak siya palayo. Kinuha ni Enrique ang gamit ko at binuhat ito.

ENRIQUE: Pwede ba Aldrin, hindi ka niya kailangan kaya layo-layuan mo na siya okay? 

Naglakad na kami palayo at iniwan si Aldrin doon. Pumasok kami sa classroom at ayun nga katabi ko siya kaya hindi pa nagtatapos ang pakikipagbond niya sa akin. Kinausap niya ako tungkol sa personal life ko at sa mga grades ko or study habbits. Kahit papaano masarap din para siyang kausap hindi boring.

Recess na at nagkekwentuhan kami ni Carla.

BELLA: Uy Carla alam mo ba yung nangyari sa sophomores?

CARLA: Ay oo ala----

Biglang maynaglapag ng food tray sa table ng malakas kaya napatigil si Carla. Si Enrique ang umupo sa tabi ko. Nakangiti siya at nakatingin sa akin habang inaayos nag pagkain niya. 

ENRIQUE: May nakaupo ba dito?

CARLA: Wala wala wala wala walang nakaupo.

Tumango siya, nakita kong namula si Carla kaya tinawanan ko nalang siya. Sunod naman na umupo sa table ay si Aldrin sa tabi ni Carla.

ALDRIN: Parang sumikip ata ang lugar natin. Sakto na kasi tayo dati eh.

ENRIQUE: Alam niyo guys, ang pinakaayaw ko sa lahat, yung nagpaparinig.

ALDRIN: Guys ang pinakaayaw ko sa lahat, yung feelingero o feelingera na akala siya lagi tinutukoy eh wala naman akong panahon sa kanila.

Siguro napikon na si Enrique kaya umikot sa table at nilapitan si Aldrin. Hinila niya ang damit nito at sinabing;

ENRIQUE: Nananadya ka talaga ha?

Tinulak siya ni Aldrin nang pasiga at naging maangas ang mukha ni Aldrin habang palapit nang palapit sa kanya.

ALDRIN: Bakit? May problema ka?

Tumayo si Carla para pigilan sila.

CARLA: Kuya...Enrique...ano ba gagawa nanaman kayo ng eksena? Guys may kahihiyan pa ba kayo?

Umupo si Enrique ulit at si Aldrin, nagwalk out nalang. Hay, kalungkot naman tong gulo na ginawa ko. Sinundan ko si Aldrin sa locker area dahil alam kong yun lang ang tambayan niya. At tama ako, nandoon nga siya.

BELLA: Aldrin, bakit mo ginanon si Enrique kanina?

Hindi siya sumagot. Nagwalk-out nanaman siya at iniwan lang ako doon. Grabe naman yung pag-iwan niya. Hindi man lang tumango? Kaya nabad trip ako lalo. Hindi ko gustong mainis sa kanya pero bahala siya!

A Piece of My Heart (Book 1)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora