Chapter 28

122 4 0
                                    

BELLA'S POV

Kakagising ko lang at hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin. Ang huling naaalala ko lang, ay ang pagkasagasa ko sa truck habang tumatawid. Nasa tabi ko at natutulog si nanay samantalang si Carla at Aldrin naman, nasa sofa natutulog din at ang mommy ni Aldrin nandito din. Bakit nandito sila lahat? Masyado namang OA...Buhay pa naman ako!!! 

Pero ang ganda ng paggising ko kasi ang tumambad sa akin ay mga taong may pakeelam sa nangyari sakin. Nagising si nanay at sunod-sunod na silang gumising. Connected ang brains?! Iisa ang isip?! Domino effect lang?!

BETH: Anak...uhm, may gusto k-kaming itanong sayo.

Nagulat naman ako. Grabe questioning agad?

BELLA: Ano po yun nay?

Tumingin si nanay kay Aldrin at tumayo si Aldrin. May nilalabas siya sa bulsa niya at paglabas nito, NASAKANYA ANG KWINTAS!!!

P-P-PAANO??!

ALDRIN: Ikaw ba si Andrea? Bella, sabihin mo...ikaw ba si Andrea?

Hindi ko maipinta ang ekspresyon ng mukha niya; kung nagagalit ba siya o sadyang seryoso lang siya ngayon.

BELLA: Sino si Andrea?

ALDRIN: Please wag ka nang mag-maangmaangan pa. Don't act like you don't know me!

BELLA: Kilala kita!! KAYA KA NGA NANDITO DIBA?

BETH: Hay nako nak namilosopo pa!

ALDRIN: Sayo itong kwintas na to diba? At ako ang nagbigay sayo!!

BELLA: Alam mo maraming ganyang k-kwintas sa mundo. 

ALDRIN: Bakit? Andrea ba pangalan mo? Diba Bella?!

BELLA: UY FEELER MO NAMAN. HINDI LANG IKAW ANG MAY KAYANG MAGPAGAWA NG GANYANG KWINTAS NOH!

ALDRIN: At talagang binara mo pa ako ha Andrea!

BELLA: Akin na nga yan! Wag kang makikielam ng gamit sa susunod please! Akin na!!

Pero hindi niya binigay ang kwintas sa akin.

ALDRIN: Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko

BELLA: Bakit ba kailangan ha?

ALDRIN: Oo lang naman o hindi bakit ang hirap-hirap sagutin?! At bakit mo ba kami ipinagtatabuyah......ha Andrea?!

Napatingin ako sa kanya at bigla-bigla nang napapaluha ang mga mata ko. Hindi ko na mapigilan ang emosyon ko. Wala na akong magagawa. Matalino si Aldrin para malaman niya kung nagsisinungaling ako o hindi.

ALDRIN: O ano natigil ka din diba?

SAB: So it's you.......anak?

BELLA: Y-yes tita. Ako nga po si Andrea............Andrea Villafuerte.

CARLA: You knew who we are and who you are pero hindi ka man lang nagpakilala Andrea. Kaya pala nagalit ako sayo Bella kasi naamoy ko na ikaw ang dati ko pang kaaway.

BELLA: Sorry hindi ko naman ginusto na mangyari ito eh. 

ALDRIN: Pero bakit hindi ka na nagpakilala?!

BELLA: Kasi hindi na ako si Andrea! Ako na si Bella! BELLA CORPUZ.........OKAY???

ALDRIN: Naging kuya mo ako pero ngayong malalaki na tayo, hindi mo lang naman ako pinagkatiwalaan.

BELLA: Ald-

ALDRIN: SO IKAW ANDREA ANG TAONG MAHAL KO! KASI IISA LANG KAYO NI BELLA.Bakit hindi mo agad inamin sa akin?!

BELLA: Dahil natatakot ako na baka paglayuin tayo ng mommy mo.

SAB: Bakit ko naman kayo paglalayuing magkapatid?

BELLA: Ayoko lang na masaktan ka Aldrin kaya ko itinago ang lahat!

ALDRIN: Pero sinaktan mo na ako! Sinasaktan mo ko Bella!

BELLA: Bakit ba hindi mo maintindihan? Ginawa ko lang ang lahat para sa ating dalawa. Nagtangka akong sabihin pero hindi ko kinaya.

ALDRIN: BAKIT?! Dahil natatakot ka kay mommy? Na baka pabalikin ka niya sa tunay mong magulang?

BELLA: HINDI...........hindi mo ako maiintindihan!

Lumingon na ako habang hindi nakatingin sa kanya.

ALDRIN: Ehh ano nga?! Sabihin mo para maintindihan ko!

BELLA: MAHAL NA KITA ALDRIN! AT HINDI KO ALAM KUNG KAKAYANIN KO KAPAG DUMATING NA ANG ORAS NA MAGHIHIWALAY TAYO! AYOKO LANG NA MAGING MASYADONG MASAYA DAHIL KALUNGKUTAN ANG MAGIGING HATID NITO.

BELLA: Aldrin mahal kita. I love you! Sorry hindi ako naging kasingtapang ni Andrea Villafuerte.

ALDRIN: Bella I love you. At kung sinabi mo sa akin, magagawan naman natin iyun ng paraan eh.

BELLA: Sorry na please. Nanenermon ka nanaman eh.

ALDRIN: Hindi ko palalampasin ang ginawa mo ah.

CARLA: Hay nako si kuya pakipot pa! Masyadong pahabol!

ALDRIN: Uy ano ka! 

CARLA: Dali na kuya! Life is short baka mamaya sige ka mawala na iyang si Andrea sa buhay mo...tandaan mo wala pang blood transplant!

ALL EXCEPT ALDRIN: Hahahahaha

BELLA: Kuya?????

Sabi ko using little Andrea's voice. Nakangiti ako sa kanya at nagpapacute para batiin nadin ako nito. Tumingin siya sa akin at napatawa pero hindi siya nagpapahalata. Pinipigilan niya ang mga ngiti niya.

BELLA: Kuya?

ALDRIN: Wag mo akong tawaging kuya! Sige ka habang buhay na talaga ako magagalit sayo.

CARLA: Hmp! Arte...............

BELLA: Halika nga dito...

Niyakap ko siya at ito kami.....bati na:)

HINDI PA PO TAPOS:)))

A Piece of My Heart (Book 1)Where stories live. Discover now