Chapter 19

128 6 0
                                    

ALDRIN'S POV

Papasok na ako sa school at hinihintay ko nalang si Carla. Kahit kailan talaga ang tagal-tagal ng babaeng to. Nakakainis naman o, tapos kapag ikaw matagal tatarayan ka. 

CARLA: Kuya let's wait muna for Nattasha.

ALDRIN: Eh diba may kotse naman yun? Kung hindi available magcommute nalang siya dahil kailangan ko pang pumasok ng maaga okay?

SAB: Aldrin just wait for her.

Umupo nalang ako ulit at umidlip dahil alam kong sampung oras pa bago makadating yun. 

Nandito na kami sa classroom pero wala parin si Bella. Nasaan kaya yun? Hindi pwedeng absent siya kasi ngayon ko balak ipakilala na ako talaga si prince charming.  Dumating na ang lahat ng kaklase namin pero wala padin siya. Kaya kinuha ko na ang cellphone ko para itext siya pero nang nagtext ako,walang nagrereply. 

MRS. PERALTA: Where is Bella?

ELEONOR: Ma'am maybe she's absent.

Tumango ang guro namin at ngayon, alam ko na na absent si Bella.

Tapos na ang klase at naglalakad na ako sa corridor para puntahan siya sa bahay nila. Pero nakasalubong ko si Enrique at nakita kong parang galit ang mukha niya.

ALDRIN: Pre musta na!

Pero hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sa akin ng pagalit. Bigla niya akong sinuntok at hindi ako napailag. Hinawakan ko ang tabi ng bibig ko at nakita kong may dugo sa kamay ko. Nainis ako kaya tinulak ko siya.

ALDRIN: Ano ba problema mo ha?

ENRIQUE: IKAW!

Umiling ako at bumuntong-hininga. 

ENRIQUE: Alam kong ikaw ang nagpapadala ng sulat kay Bella. Yung Prince Charming? ALAM KONG IKAW YUN KAYA WAG KA NANG MAGMAANG-MAANGAN PA! Tapos akala mo kung sino ka kay Bella! Bakit girlfriendmo ba siya? Wag kang feeler pare!

ALDRIN: Ayokong patulan ka dahil best friend kita.

ENRIQUE: Wag ka nang mahiya....NAHIYA KA PA EH! BEST FRIEND BA TAWAG MO DIYAN SA SARILI MO?

ALDRIN: INAAMIN KO........MAHAL KO SI BELLA! MAHAL NA MAHAL! AT OO CLOSE NA CLOSE NA KAMI! ANO MASAYA KA NA???!

Sinuntok niya ulit ako at para maghiganti, sinuntok ko siya ng malakas. Tatadyakan ko pa sana pero dumating si Carla at inawat kaming dalawa. 

CARLA: Kuya what's this? Ngayon ikaw naman ang war freak! Enrique okay ka lang?

ALDRIN: Ako kuya mo Carla! Magsama nga kayo diyan!!!!

ENRIQUE'S POV

Nakakainis si Aldrin! Talagang sinabi niya sa harap ko na mahal niya si Bella? Eh best friends kami  at matagal na! Bakit niya ginagawa sa akin to?! Kung best friend niya ko gagawin niya ang lahat ng makakaya niya para hindi ako masaktan! 

CARLA: Enrique are you alright? Dalhin kita sa clinic, let's go.

Umiling ako at iniwan siya doon. Kasi naman eh biglang eeksena sa amin ni Aldrin eh hindi pa naman ako tapos sa kanya. Sinundan ko si Aldrin sa parking area at nakita ko siyang nakaupo dun sa may bench.

ENRIQUE: Oh ano suko ka na?

Hindi niya ako pinansin kaya hinila ko siya at tinulak kaya napaupo siya sa lupa. 

ALDRIN: Nananahimik na ako Enrique.

ENRIQUE: Kung mananahimik ka, kalimutan mo nalang din si Bella. Tutal ako naman gusto nun eh.

ALDRIN: Ikaw? Gusto ka ni Bella? Sino nagsabi? Ang pride mo?

ENRIQUE: Basta hindi ka gusto ni Bella. Kasi ako lang ang pwede sa kanya wala nang iba.

ALDRIN: Hindi preso ang pagmamahal Enrique. Grabe ka talaga pati si Bella kinukulong mo.

ENRIQUE: Shut up. Hindi mo na ako tatawaging pare dahil hindi na tayo best friends, close friends o friends. Magkakilala nalang tayo.

ALDRIN: Pare naman

ENRIQUE: Iwan na kita diyan.

ALDRIN'S POV

Masakit din para sa akin na iwan ako ng best friend ko kasi best friend ko yun eh at matagal kaming nagsama. Nakapagdesisyon ako na hindi nalang puntahan si Bella dahil baka itanong niya pa tong pasa ko sa mukha at baka magalit pa yun kay Enrique.

Umuwi nalang ako sa bahay at nagkulong sa kwarto para hindi makita ni mommy ang pasa ko. Pero maya-maya tinawag ako sa baba ni mommy. Nasabi pala sa kanya ni Carla ang nangyari. 

SAB: Aldrin what's this issue again?

Hindi nalang ako sumagot dahil wala din namang patutunguhan ang usapang ito. 

CARLA: Kuya answer mom naman! Give some respect.

ALDRIN: Ikaw ang magbigay sa akin ng respeto! Pati private life ko pinakekeelaman mo!!

Bumalik ako sa taas at binuksan ang computer ko para ichat si Enrique sa Facebook. Nakita kong online siya kaya pinindot ko kaagad ito.

Enrique, sorry nga pala sa nasabi ko kanina ah. 

Seen na ang message ko pero hindi siya nagreply. Kaya nagsend ako ng isang message ulit.

Enrique, reply ka naman oh. Baka pwede pa nating maayos to.

Seen pero hindi nanaman nagreply. Tapos after 5 minutes, wala na siya doon sa list of friends ko. Pumunta ako sa profile niya at may nakalagay na "Add Friend" Inunfriend ako ni Enrique dahil galit na galit siya sa akin. Biglang may nagpop sa screen. Nagmessage sa akin si Jerome.

Aldrin, magkaaway kayo ni Enrique?

Oo eh dahil kay Bella...

Sabi ko na nga ba eh. Yan ang magiging dahilan ng pag-aaway niyo.

Ano ang gagawin ko?

Kung mahal mo siya, ituloy mo na dahil baka masaktan ka pa.

Ehh best friend ko kasi yun eh.

Kung best friends talaga kayo, isa ang magpaparaya para mapasaya ang isa

So sinasabi mong magparaya ako?

Hindi naman. Ehh kung mahal mo siya at mahal niya rin si Bella....ay bahala na talaga kayo diyan. Basta kung sino ang magbaba ng pride.

Hindi naman to pride eh. Mahal ko lang talaga siya.

Sorry hindi ako makapagbibigay ng advice. Ito lang ang masasabi ko...Gawin mo ang sinasabi ng puso mo.....O sige offline na ako. Bye pre!

Okay salamat. Bye!

 

A Piece of My Heart (Book 1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora