Chapter 18

153 5 0
                                    

Bukas na ang basketball game nila kuya Aldrin. Wait, bakit kuya padin ang tawag ko sakanya? Eh diba hindi naman kami talaga magkapatid tsaka mahal ko siya eh tapos tatawagin ko siyang kuya? Ano yun 2-in-1? Biglang bumukas ang pinto at dumating na si nanay dala-dala ang mga natirang paninda namin. Nakita kong pagod na pagod siya kaya kinuha ko siya ng maiinom. 

BETH: Salamat 'nak ah

Tumango at ngumiti ako. Bumalik ako sa sofa at nagbasa pero hindi ko maintindihan ang binabasa ko. Inuulit-ulit ko na pero wala akong maintindihan. Siguro nababagabag lang talaga ako sa kung ano ang nangyayari. Kasi gusto ako ni kuya...I mean Aldrin...ay wait kuya pala...ay hindi Aldrin nalang tapos gusto ko din siya...so MU kami?! Tumingin ako sa orasan at 8:00 na pala kaya matutulog na ako para maaga akong makapunta sa game. 

Paggising ko, minadali kong kumilos kahit hindi pa naman ako malalate. Tutal ang aga-aga pa nga eh. Gusto ko lang na pagpunta ko dun, ako ang una niyang makikita. Sumakay ako ng tricycle dahil out of the way kung sasakay pa ako ng jeep. Bumaba na ako nang marating na namin ang lugar. Pumasok ako sa loob at nakita ang napakalaking court. Para naman ito yung nasa mga tv! Umupo ako dun sa pinakaharap at habang nagtetext kami ni Kyle, biglang may naglapag ng bag nang malakas sa tabi ko at pagtingin ko, si Aldrin pala iyon.

ALDRIN: Ang aga mo naman.

Natawa ako ng mahina at binalik ang cellphone sa bag.

BELLA:  Syempre naman ganyan ang magkaibigan.

Napatungo siya at hindi ko alam kung bakit. Umupo nalang siya sa tabi ko.

BELLA: Bakit ang lungkot mo naman? Ano ka ba ikaw ang team captain! Sayo sila kukuha ng inspirasyon!

ALDRIN: Ehh ako walang inspirasyon eh.

BELLA: Huwag kang mag-alala nandito naman ako. Ichecheer kita mamaya. Sisigaw ako at itataas ko yung ginawa kong banner.

ALDRIN: Gumawa ka talaga ng banner?

BELLA: OO naman pero sa cartolina lang.

Kinuha ko iyon sa lapag at binuksan dahil naka-roll ito. Pinakita ko sa kanya at nginitian niya ako.

ALDRIN: Wow ang effort naman. I love you...................

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya......3 words....8 letters....I LOVE YOU!! Totoo ba ito? Na sinabi niya sa akin ng personal?? Aldrin baka mahimatay naman ako nito eh! Wag mo ngang gawin sa akin ito! Kaasar ka naman eh.

BELLA: Ano sabi mo??

ALDRIN: Sabi ko...uhhmm....kasi I love you as my....best f-friend.

Tumango ako at kinuha ang cellphone ko tapos tinuloy ang pagtetext. Grabe naging awkward nanaman. Biglang dumating sila Nattasha and Carla pero si Carla, nakasimangot at mabilis na lumapit kay Aldrin.

CARLA: Kuya bakit mo ako iniwan sa bahay?! Hmp! Hindi na kita kakampihan.

Natawa si Aldrin. Hay nako haha kahit kailan hindi na to naging matino. Tinatawanan padin kahit galit na ang tao.

ALDRIN: Hahaha kasi make-up ka pa ng make-up! Oo maganda ka na kay Enrique.

CARLA: Kuya you're being sarcastic! 

A Piece of My Heart (Book 1)Där berättelser lever. Upptäck nu