Chapter 11

179 7 0
                                    

Pagkauwi ko sa bahay, nilapag ko agad ang bag ko at nag-isip isip dahil dun sa mga inisip ko kanina. Totoo ba na may crush ako sa kuya ko? Kung tutuusin hindi ko naman talaga siya kuya eh pero hindi parin maganda pakinggan na may crush ako sa kanya! 

Tumingin ako sa dictionary at hinanap ang meaning ng salitang crush. Nakita ko na yung meaning. Ang sabi dito, crush is a burning desire to be with someone who you find very attractive and special. What? So ganito na ang nararamdaman ko para kay kuya!? Parang dati lang, naglalaro kami at nagkukulitan pero ngayon, pinapangarap ko na siya?? Parang ambilis naman ata?

Okay aaminin ko sa sarili ko na naging crush ko na si kuya nung nakita ko ulit siya after 12 years. Kasi naman eh sobrang cute niya! Tapos nahulog ako lalo sa ugali niya. 










Kinabukasan, pagpasok ko nakasalubong ko si Nattasha at Carla sa corridor at nakita kong nakangiti sila pareho kaya ngumiti nalang din ako.

"Hi Bella!"

Haaay ibang-iba talaga ang dating ng mayayaman. SIla ang mga suot nila ay mga napakagandang mga bestida tapos ako pantalon at simpleng t-shirt lamang pero maayos na din ito para komportable ako.

"Pwede ka bang sumama sa amin mamaya? Kasama namin yung iba naming friends magbobowling kami sa mall." alok sa akin ni Carla.

"Ay sige mahilig ako diyan sa bowling!"

"Nakapagbowling ka na??!!" gulat na gulat na sabi ni Nattasha.

"Uhmm Bella what she means is kung nakapagbowling ka na ba daw para naman maturuan ka namin."

"Oo naman nakapagbowling na ako. Anong oras ba? Sige sasama ako."

"Libre na kita Bella. After class punta na tayong mall. Don't worry kasama naman sila Aldrin eh so madami kang kaclose dun."

Biglang hinila ni Nattasha ang kamay ni Carla at naglakad na sila palayo pero si Carla ay tumigil at humarap ulit sa akin.

"Okay Bella alis na kami bye..." pagmamadaling sabi ni Nattasha.

"Bilis mong magsalita ha" sabi naman ni Carla at pagkatapos nun ay nginitian nalang niya ako.

"Bye guys! Ingat kayo ha."



Oo, nakapagbowling na nga ako. Grabe naman sila mahirap ako pero nakapagbowling naman ako dati with kuya, mom and dad. Naalala ko kasi dati nung ako na yung tumira, bigla akong nadapa dahil sa bigat ng bola pero bigla naman akong sinalo ni kuya kaya hindi sumubsb ang mukha ko sa sahig.



 Tapos na ang klase namin ngayon at naghihintay na ako dito sa may bench malapit sa garden ng school. Hawak ko ang cellphone ko dahil tinetext ko si kuya Aldrin. Pinag-uusapan namin ang magiging lakad namin mamaya. Siya nga pala, si kuya kasi nasa faculty room dahil sinamahan si Enrique na kausapin ang teacher pero sabi niya, pasimple siyang nagtetext. 

Ito ka nanaman Bella bakit ba ang saya-saya mo eh katext mo lang naman siya? Bakit kailangan mo pang ngumiti ng ganyan? Hay nako nasapian ka nanaman ng kabaliwan mo. At biglang dumating sila Nattasha, Carla, Jerome at Sam. 

A Piece of My Heart (Book 1)Where stories live. Discover now