Chapter 9

185 7 0
                                    

ALDRIN'S POV

Nasa canteen kami ngayon nila Enrique, Sam at Jerome. Kumakain kami dahil kakatapos lang ng klase at mamaya-maya, magbabasketball pa kami. 'Umorder sila ng burger, spaghetti at chicken pero ako, pizza lang kasi busog pa ako. 

"O kamusta yung birthday celebration niyo?" tanong ni Sam habang ngumunguya pa ako. Si Enrique biglang napatingin sa akin tapos kinindatan ako.

"Naging masaya at maganda siya. Bakit ba kasi hindi kayo nakapunta?"sagot ko sa kanilang dalawa ni Jerome.

"Ehh kasi nga may family reunion kami tapos itong si Sam, pumunta ng probinsya niya dahil may outing sila" sagot naman ni Jerome.

"Buti na nga lang hindi kayo nakapunta at baka agawan niyo pa ako kay Bella eh" nagulat kaming lahat nang sabihin ni Enrique iyon.

"Bella??" gulat na tinanong ni Sam

        Si Enrique naman biglang tumabi sa akin tapos inakbayan ako sabay tingin. Sinamaan ko siya ng tingin dahil alam ko ang sinasabi nito sa isip niya: na kanya dapat si Bella pero syempre pabiro lang. Hindi naman possessive masyado si Enrique

"Yung kaibigan ni Aldrin na inakala kong cheap at panget tapos pagdating sa party, grabe pare mukhang prinsesa sobrang ganda niya as in!!!"

        Nagtawanan yung dalawa dahil sa sobrang arte ni Enrique.

"OA mo naman!" angal ni Jerome.

"Eh sobrang ganda kasi eh! Hindi ko na mapipigilan ang sarili ko maging OA!"

"Oo nga eh sinayaw at binigyan mo pa ng bulaklak eh!!" inis na sabi ko.

        Nagtinginan sila Jerome at Sam tapos nagapir pa ang dalawang loko.

"Mukhang nagseselos ka ah" sabi ni Jerome.

"Hahaha diyan tayo nagkakaaway-away. Diba Enrique at Aldrin?" sabat nitong si Sam.

"Basta sa akin si Bella. Aldrin pwede mo ba ako tulungang ligawan siya?" tanong sa akin ni Enrique

        Napatingin lang ako sa kanya. Huh? Ano ang gagawin ko? Sasagot ba ako ng oo na parang wala akong gusto kay Bella? O sasagot ako ng hindi dahil pati ako nagkakagusto na din sa kanya?

"Ahh ehh bakit ako? Ayan sila Sam at Jerome o may experience na yan!" sagot ko sa kanya.

"Ehh best friend kita eh! Tsaka alam ko namang gusto din ako ni Bella. Pagtitig niya palang sa akin ramdam ko na eh"

"Feeler mo pre!"






Bakit saakin ka pa magpapatulong? Enrique best friend kita at mahirap sa akin ang maging karibal ka. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin pero ayoko din na mapunta sa iba si Bella. Alam kong masnakakalamang sa akin si Enrique; gwapo, matalino, magaling sumayaw at madami pa. Posibleng tama siya na may gusto sa kanya si Bella pero alam ko naman na hindi lang siya tumitingin sa panlabas na anyo at kasikatan eh.

Wag kang mag-alala Aldrin may pag-asa pa. 







A Piece of My Heart (Book 1)Where stories live. Discover now