Chapter 12

173 8 0
                                    

KAPAG NAKARATING NA SILA SA TREE PARK, PATUGTUGIN ANG MULTIMEDIA SA BABA :))






ALDRIN'S POV

6:00 na pero hindi pa ako nakakaalis sa bahay dahil naghahanap pa ako ng maganda kong isusuot. Ewan ko kung bakit pati sa damit kailangang handang-handa ako pero feel ko talaga, date to kaya ang saya-saya ko. 

Pagkatapos ng limang minuto, dumeretso na ako sa playground at naghintay. Wala pa din si Bella 6:15 na eh ang usapan kasi namin, mga 6:05-6:15 para 6:30 kami magsisimulang magstar gazing. Nasaan na kaya yun?




BELLA'S POV

Hala 6:15 na lagot ako kay kuya nito. Ang traffic kasi eh tapos nakakainis pa itong driver hintay ng hintay ng pasahero eh punong-puno na nga. Hayyyy, buti nalang after 10,000,000 years nakarating na ako sa playground. Nakita ko si kuya na naghihintay doon at mukhang kanina pa siya nandiyan. Hala patay ako nito.

"Aldrin sorry kasi natraffic eh tapos yung—-"

"Okay lang iyan basta nakadating ka. Halika na."

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at bigla naman akong napatigil. Hindi ako makapaniwalang habang naglalakad kami ay hawak-hawak niya ang kamay ko. Aaminin ko, nakakakilig kasi minsan lang mangyari sa buhay ang ganito. Yung kasama mo ang taong love mo at alam mong hindi ka niya mamahalin sa huli.



Nakarating na kami sa Tree park at napansin ko lang na ang konti ng street lights na nakabukas. Umupo kami dun at siya naman, may nilabas siyang picnic cloth at nilatag ito. Grabe masnahuhulog ako sa kanya ng ganito eh! Kahit pigilan ko man hindi ko magawa. 

Pagkatapos niyang ayusin ang lahat, humiga kami doon sa cloth na yun at tumingin sa taas. Grabe ang daming stars na nakatingin sa amin para bang agree sila sa love team naming dalawa joke. 

"May shooting stars o!" gulat na sabi niya.

"Oo nga noh tara wish tayo!"

Pumikit kaming dalawa at nang tapos na akong magwish, tinignan ko siya at nakapikit padin siya. Pati ba naman sa pagpikit kuya, gwapo ka padin? Haha wala ka nang pinatawad ah!

"Bella ano'ng winish mo? Haha dali na share naman"

"Na makasama ka palagi ng ganito"

"ANO???"

"Ahhh ehh uhmm ano kasi ang sabi ko, sana palaging ganito yung madaming stars hahaha."

Hindi na siya nagsalita at hindi din siya kumibo. Hala narinig niya ang sinabi ko. Nakakainis naman o kaya para magmukhang di ko sinasadya nagtanong tanong nalang ako.

"Aldrin may minamahal ka na ba?"

Hindi ko dapat tinatanong ito pero bigla nalang siyang lumabas sa bibig ko eh.

"Oo pero alam kong hindi niya din ako mamahalin pabalik"

"Alam mo parehas tayo. Mahal ko siya pero para namang hinding-hindi niya ako magugustuhan eh. Mayaman kasi siya tapos parang lahat nasa kanya na at alam kong perfect girl din ang hanap niya."

"Swerte naman nun kasi isang Bella Corpuz ang nagmamahal sa kanya."

"Ehh ikaw sino ba sayo?"

"Kailan ko lang siya nakilala pero ewan ko bigla akong nahulog sa kanya. Hindi lang dahil maganda siya, pati na din ang ugali niya. Ang turing ko nga sa kanya ay perfect girl eh. Kasi wala ka nang hahanap-hanapin pa sa kanya. As in nasa kanya na talaga ang lahat."

A Piece of My Heart (Book 1)Where stories live. Discover now