Chapter 31

134 5 0
                                    

Nakarating na kami sa resort na inarkila nila tita at tito. Ang laki grabe tapos sa amin lang to for 4 days?! Sana maging masaya talaga ang outing na ito kasi malay natin, ito na pala yung last. Naglalakad na kami palabas ng bangkang sinakyan namin papunta sa resort na ito at may sumalubong sa amin na isang babae at dalawang lalaki na naka beach outfit tapos may dalang buko juice na nasa buko fruit pa.

WELCOME TO PARADISE BEACH RESORT BORACAY!

Sabi nung babae na naka hat pa na parang tourist guide. May dumating pang apat na maskuladong lalaki na kumuha ng mga gamit namin. Ang sosyal talaga ng resort na ito! Ang sarap tumira dito forever!

Biglang kinuha ni Aldrin ang maliit na bag na hawak-hawak ko. Hinila ko ito dahil kaya ko naman eh. Ang gaan-gaan lang nito tapos ang sama naman kung siya pa magdadala para sa akin.

ALDRIN: Ako na magdadala niyan.

BELLA: Ang liit lang nito okay na.

Pero nagpumilit siya. Hinila ko ulit ang bag at hinila niya nanaman ito.

ALEX: Andrea hayaan mo nang si Aldrin ang magdala ng gamit mo.

Nagulat ako nung tinawag akoni tito ng Andrea. Pinapaalala niya nanaman sa akin ang pagkatao ko bilang si Andrea. Napatungo nalang ako at binigay ko na kay Aldrin ang bag. 

Naglakad na kami papunta sa mga rooms namin. Sila tita, tito, Carla at Aldrin sa iisang malaking room at kami naman ni nanay sa isang average-sized room pero sobrang ganda. Nilabas ko ang mga gamit ko galing sa bag at nilagay iyon sa aparador. Humiga ako pero hindi ako natulog. Nag-isip-isip lang ako sa mga nangyari this past few days. Ang gulo na kasi ng mundo eh!

CARLA: BELLA!!

Biglang tawag sa akin ni Carla papasok ng room. Umupo ako sa kama at tinabihan niya ako. 

CARLA: Bella let's go swimming! Saan mo gusto, sa pool or sa beach?

Pinag-isipan ko muna.

BELLA: Sa beach muna tayo then mamaya, let's go to the pool!

Nag apir kaming dalawa at pumasok na ako sa banyo para magbihis. Pati pala ang banyo maganda. Nakakainggit ang resort na to, hahaha. Ang sarap tumira ditoooooooooo! Ang susuotin ko ay one piece na bathing suit. Binilihan ako ni tita kanina. Kasize ko lang si Carla kaya tama yung nabili niya.Disente namang tignan kapag sinuot ko ito dahil hindi naman masyadong exposed.

A Piece of My Heart (Book 1)Where stories live. Discover now