Mabigat ang paang inihakbang ko sa hagdanan. Sinamahan kasi ni Andoy ang ilan para makapagpagamot sa klinika sa may Baranggay. This is a place where many people live. Tapos ano? Paalisin sila dahil kailangan na nung may-ari ang lote? So san nila balak ilagay ang mga taong andito? Nasan ang puso ng may-ari ng lupang ito? Hindi man lang kinonsider ang relocation bago paalisin ang mga tao sa Barangkal?

Pagkapasok ko sa bahay ay dumirecho ako sa kwarto. I saw the dress. Lareen's dress. Nauuyam ako sa mga mayayamang walang habag. Nagagalit ako sa mga mayayamang katulad niyo, Lareen.

Nahiga ako pero hindi pa rin mapatid ang kaba ko at paglabas ng luha ko until I cried myself to sleep.

Nagising ako ng kumalam ang sikmura ko. Lalabas sana ako sa kwarto ng marinig kong may nagkukwentuhan sa labas. Si Ate Madel at Aling Ising.

"Narinig daw nila na sabi nung isang nakaitim na lalake ay parang magpapalabas daw sila ng daga mula sa lungga" may halong inis ang boses ni Aling Ising. Imbis na lumabas ako ay idinikit ko ang tenga ko sa dingding para mas malinaw na marinig ko ang usapan nila.

"Anong ibig sabihin nila Aling Ising?" tanong ni Ate Madel.

"Hindi ko nga rin maintindihan e. Pero ang hinuha nila Ate Mildred ay may nagtatago daw dito sa Barangkal" sabi ni Aling Ising at malakas na kumalabog ang dibdib ko. No. Kung tama ang naiisip ko ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

"Nagtatago?"

"Oo, Delia, kasi narinig pa raw na sumagot yung kausap na ang sabi ay 'ang mayayaman talaga' tapos napakamot na lang sa ulo"

Hindi ko narinig ang sagot ni Ate Madel pero ako....alam ko ng tama ko. Gosh.

Napasandal ako sa dingding na iyon. No. No. No.

"Baka drug pusher or gambling Lord" dugtong ni Aling Ising. Gambling Lord? Drug Lord? E sa pagkakaalam ko ay ako lang ang bago sa lugar na ito at wala namang mukhang Gambling Lord o Drug Lord dito. Mukhang mga adik at pusher pwede pero yung pinaka pinuno? Hell no.

Nang marealize kong nakalabas na si Aling Ising ay lumabas na rin ako at naabutan ko si Ate Madel na sapo sapo ang ulo. I know pareho kami ng iniisip.

"Lareen..." bakas ang takot sa mga mata niya.

Umiling ako. "Baka hindi... -

Pabagsak akong naupo sa katabing silya ni Ate Madel. Sinong lolokohin mo Lareen? Sino ba ang nagtatago sa Barangkal? Of all the things na ginawa ni Dad, hindi ko matanggap na kaya niyang gawin ito. Hindi....hindi pwede.

"Sa tingin mo kayang gawin 'to ni Senyor?"

Hindi ako makasagot. He's still my Dad...

"I really don't know, Ate Madel. Hindi ko maisip na kaya niyang manakit ng mga tao" nararamdaman kong naghihigpit ang paghinga ko.

"He'still my Dad. Kilala ko siya, malabo e. Pero..."

Seryoso ako. Hindi ko talaga alam pero base sa mga narinig ko, may possibility talagang si Dad e. Napayuko na lang ako sa sobrang sama ng loob. How can he do this? Because he wanted me to come back begging?

"Those guys will come back, Ate Madel"

Hindi siya nagsasalita. "They'll come back...at sisirain nila ang buong Barangkal" at tumulo na ang luha ko. Imagining na lahat ng tao sa baba ay mawawalan ng tirahan? Paano na sila? Unimaginable.

Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay. "I have to do something about this, Ate"

Nilingon niya ako. pinilit kong ngumiti. Pinunas ko ang luha ko at tumayo. "Si-si Pia pala kanina kasama ni Arkin papunta kina Sir Tep. Kasabay mo ba sila?"

Tumango siya. "So asan na si Pia?"

"Andyan na si Jo kaya hinatid ni Arkin si Pia pagkarinig na pagkarinig namin sa balita" sabi niya at tumungo ako sa pinto para lumabas. Tiningnan ko ang bahay nila Arkin kaso parang walang tao.

"Wala sila dyan. Umalis e" sinundan niya pala ako sa labas. "San daw pupunta?"

Nagkibit balikat siya. "Dumaan naman kanina kaso nga tulog ka. Ayaw ka namang ipagising dahil sabi nga ni Andoy e ang tapang mo kanina"

"Anong oras kaya siya babalik?"

Umiling siya.

Madali akong pumasok sa loob para tingnan ang orasan. Kailangan makaalis na ako kung gusto kong maabutang bukas ang bahay namin. "Uuwi ka, Lareen?" masyado na akong kilala ni Ate Madel. Tumango ako at nagtungo sa kwarto para maghanda paalis.

"Sasama ako sa'yo"

Tumigil ako sa ginagawa ko. "No. You can stay here if you want or go to your relative's place. Let me handle Dad alone"

Umiling siya at hinawakan ako sa kamay. "Hindi. Sasama ako sa'yo. Dalawa tayong pumunta dito kaya dalawa tayong uuwi" she said and I stared at her for a moment.

"Thank you" I said at sabay na kaming naghanda sa pag-alis.

MY JOURNEY OF LOVE START WITH A DEAL - NO ORDINARY LOVEWhere stories live. Discover now