Gulat din si Andoy at hindi nagsasalita. "Doy!" nilapitan ko na siya.

"Demolish......dinidemolish ang Barangkal Reena"

Nanlaki ang mga mata ko. Kitang kita ko ang pakikipaglaban nila Mang Ino sa baba at ganun din sila Mang Chris. May mga duguan na at may mga batong nagliliparan na rin. Nang tumakbo pababa si Andoy ay tumakbo na rin ako.

"Ilang taon na kaming naninirahan dito!!!" sigaw ni Aling Ising. Medyo humupa na ang kaguluhan ng tigilan ng mga lalakeng nakaitim ang pagsira sa mga bahay sa Barangkal.

"Hindi ho inyo ang lupang ito. May may-ari ho nito at gusto na ho ng may-ari na gamitin ang lupa" paliwanag ng lalakeng siguro ay leader nila. Nasa likod ako ni Andoy. Arkin, asan ka na ba????

"Hindi niyo kami pwedeng paalisin na lang dito! San niyo kami papatirahin?!" sigaw ni Mang Chris. "Hindi na ho namin problema yon Manong. Magpasalamat nga kayo dahil napatira kayo dito ng napakahabang panahon na hindi nagbabayad. Illegal settlers ho kayo" sagot ulit ng lalake.

"Eh gago pala kayo e! anong palagay niyo sa amin? Mga ipis na paalisin niyo?!" hindi ko na alam kung kanino galing iyon dahil sa sobrang dami ng nagsasalita. Natatakot ako, dahil anytime ay pwedeng magkagulo ulit at alam kong mas grabe iyon. "Bukas ho ay babalik kami at sana nakaalis na kayo dahil wala ho kaming magagawa kundi sirain ang mga bahay niyo dito"

"Sinong Pontio Pilato ba ang nag-utos sayo?! Ang pangako ng Gobyerno ay i-aaward na sa amin ang lugar na ito"

"Ito po ang bagong utos, Manong. Sumusunod lang ako"

"Mga sira ulo pala tong mga to e!" sabi ni Ate Berna at ng lalapit siya ay bigla siyang tinapig ng isa sa mga lalakeng yon. Natumba sya at madali ko siyang dinaluhan. Sumugod ang isa sa mga kilalang tambay at sinuntok ang lalake at ayun na. nagkabatuhan na naman at nagkakasapakan. Mas naging magulo pa kesa kanina.

"Reena, magtago ka dali!" aakayin ako ni Andoy ng may tumamang bato sa likod niya dahilan para mapa-luhod siya. "Doy!!"

"Bumalik ka na muna sa itaas dali na" halata ang sobrang sakit sa mukha niya. Tumayo at inawat ang ibang mga taga Barangkal na may hawak pang ibang bato at pamalo.

"Tama na ho! Please! Tama na ho!" para akong sumusuntok sa hangin sa ginagawa ko. Alam kong balot silang lahat ng galit pero this has to stop. Ayoko ng may masaktan pang iba. They are not bad people...yes, they look as if they will do no good but they are not bad people. Looks can be deceiving at napatunayan ko yon ng mapunta ako sa Barangkal. Mapunta, tumira...mapamahal.

"Tama na please! Masasaktan lang tayo!!!" no one is listening to me kaya tinakbo ko yung leader na ngayon ay papaluin ng isang taga Barangkal ng bote. "Stop! Stop! Stop!" dumipa ako sa harap ng taong yon. He stopped at sa pagmwestra ng pinakaboss nila ay huminto ang mga nakaitim na lalake sa pag-giba sa mga bahay....and all of a sudden everyone stops.

Humarap ako sa lalakeng yon. I think he's in his 40s. "Please po. Parang awa niyo na...bigyan niyo ho kami ng panahon pa"

"Miss, gaya nga ng sinabi ko, napagutusan lang kami. Pero sige, aalis kami ngayon pero itutuloy pa din namin ang pagpapaalis sa inyo dito" sabi niya at isa isa na silang nag-alisan. Pagkaalis nila ay napuno ng iyakan ang buong Barangkal. Medyo nasira ang tindahan nila Aling Mildred na usual na tambayan ng mga nanay sa loob ng Barangkal.

Hindi ko napigilan ang luha ko. Yung mga bahay nila na kung hindi pa nadadaanan ng demolition ay hindi na maayos, e ano pa ngayon? Nanlulumo ako sa kinahinatnan ng Barangkal. They don't deserve this. They don't deserve to be treated like animals or sort of pests here. Barangkal is their home...our home.

Yes, it doesn't looks good for a place to live but for me...it is much better than the house where I grew up. It brings warmth.

Pinunas ko ang luha ko habang pinagmamasdan ang mga tao na pinupulot ang ano mang bagay na pwedeng bumuong muli sa mga bahay nila. Dinampot ko ang isang plangganang nasa daan at iniabot ito sa isa sa mga nanay doon at tumuloy na sa itaas.

MY JOURNEY OF LOVE START WITH A DEAL - NO ORDINARY LOVEWhere stories live. Discover now