NOL - CHAPTER 21

Magsimula sa umpisa
                                    

Dahan-dahan niyang kinuha si Pia at inihiga ito at maingat na kinarga. Isinandal ko ulit ang ulo ko sa braso niya at nagulat ako ng iangat niya ito at ini-akbay sa akin. "Ayokong dalhin yung taxi kasi nakakahiyang hindi tayo sasabay sa kanila" mahinang sabi niya.

Ngumiti ako. "Okay lang. naiintindihan ko. Mas okay namang sumabay tayo dito e". ngumiti siya sa akin at hindi ko na naramdaman na nakatulog na akong muli.

Sa muling pag mulat ko ay nakahinto na ang jeep. Inaantay na lang na mabuksan ang pinto at isa-isa ng nagbabaan ang mga sakay nito. Dahil kami ang nasa dulo ay huli kaming bumaba.

"Doy, yung mga gamit a" bilin ni Arkin habang karga niya si Pia at ako naman ay nakasunod sa kanya. Parang hindi man lang naging haggard ang lalakeng to. Mukha pa ring mabango kahit na medyo nalukot ang suot niyang puting t-shirt. Naka-suot na rin siya ng rayban. Gwapo.

"Reena, tara na!" nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko at iginiya sa isang bakanteng cottage. Medyo maaga pa ng marating namin ang beach kaya siguro ay wala pang masyadong tao. Hindi naman ganoon ka elegante ang lugar, sapat lang na may magandang beach at affordable na mga cottage.

Masaya ang lahat. Ang mga ilang bata ay nagtakbuhan na palapit sa beach kaya naman ay si Pia ay ganoon na rin ang gustong gawin.

"Ate Princess, gusto ko ng maligo. Please..." nagpapacute niya pang paalam. Tumingin ako kay Arkin para kunin ang opinion niya at tumango lang siya. Kaya naman ay kinuha ko ang pang-ligong damit ni Pia na inihanda pa ni Josephine at binihisan siya.

Sinamahan ko si Pia sa paliligo niya. Nanakit na ang balat ko dahil sa tirik ng araw pero ang mga batang andito parang wala lang. "Pia, wag kang masyadong lalayo ha?" paalam ko ay Pia. Hindi ko na talaga matagalan ang tirik na tirik na araw. Feeling ko ay malalaptos na ang balat ko sa init. "Yaan mo Ate Reena, ako na bahala kay Pia" sabi ni Johnson na andon. Sabagay ay nasa gilid lang naman si Pia kaya hindi naman siguro siya mapapaano dito.

"Salamat, Johnson" ngumiti ako at aakmang tatayo ng biglang akong may mabunggo. Mabuti na lang buhangin ang binagsakan ko.

"Miss!! Sorry!!" sabi ng lalakeng hindi ko kilala. Marahil kasama siya dun sa isang grupo pang dumating kanina. Hinawi ko ang buhok ko at aakmang tatayo ng ilahad niya ang kamay niya. Tinanggap ko ito at tumayo ako.

"Sorry ulit" sabi niya. Matipuno ang katawan niya. Naka-board shorts lang sya at medyo chinito ang mga mata. Mga 5'9 siguro siya at pareho kaming namumula na dahil sa init ang balat. Tumango lang ako at walang ekspresyong umalis na at bumalik sa cottage.

"Uy, sino yon a?" naabutan kong kumakain ng manga si Andoy. Mag-isa siya sa cottage. Para siyang chismosong inginuso pa yung lalakeng nakabungguan ko. Binalikan ko ng tingin ang lalake at may kasama na siya ngayon ibang lalake pa. tumingin siya sa gawi namin ni Andoy at ngumiti.

Nagtaas ako ng kilay. Presko.

"Hala. Pa-cute pa mga boy, pag dumating yung bossing ko, mata lang ang walang latay" sabi ni Andoy na nakatingin pa sa mga lalake na akala mo'y naririnig ang mga sinasabi niya. Pinalo ko siya sa braso.

"Aray naman, Reena"

"Asan ba si Arkin?"

"Bumili ng tubig kasama si Mang Ino. Hmp. Pasalamat ang mga bagitong yan na wala yun naku kung - "

"Sinong mga bagito?" si Arkin.

Para kaming nakakakita ng multo ni Andoy. Halos mabilaukan pa nga siya sa kinakain niyang manga. Tumingin si Arkin sa akin at nagiintay ng sagot. Dala niya ang dalawang galong mineral water.

Nagkibit balikat ako at kinuha na ni Andoy ang mga dala ni Arkin. Mabilis kong nilingon ang mga lalake at mabuti na lang at wala na ang mga ito.

"Kain na tayo?" aya niya. Mananangahali na pala. "Sige! Kunin ko na si Pia" nagprisinta si Andoy at mabilis na tumakbo palayo. Sa kaba niya marahil. Malamang kailangan nyang huminga sa prisensya ni Arkin.

MY JOURNEY OF LOVE START WITH A DEAL - NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon