Hindi makakasama si Josephine dahil mahirap talagang makapag-paalam sa trabaho niya kaya dito ko na pinatulog sa amin si Pia. Si Ate Madel din ay hindi makakasama dahil hindi rin siya pinayagan ni Mrs. Rodrigo. Kulang din kasi ang mga katulong ngayon doon dahil umuwi daw sa probinsiya.

Dahan dahan kong ginising si Pia para hindi magising si Ate Madel pero nagising pa din siya. "Mag-ingat ka don a. Bumalik ka ng walang galos dito" sabi niya habang pinaghahanda ako ng gamit.

"Grabe ka. Feeling ko tuloy, magnet na ako ng disgrasya a"

Ibinigay niya ang gamit ko. Narinig ko na ring may kumakatok kaya tumayo na ako hawak ang pupungas pungas pang si Pia. "Ipapaalala ko lang sa'yong kahit na marunong kang lumangoy ay pwede ka paring malunod, okay?"

Ngumiti ako. "Ito talaga. Oo na" sabi ko at lumabas na kami.

"Kuya Prince!" nagulat ako sa sabi ni Pia. Lumingon ako sa nilapitan niya. Si Arkin lang ang alam kong Kuya Prince niya at hindi ito sasama.

"Akala ko ba hindi ka sumasama sa outing nila?" tanong ko kay Arkin na naka puting t-shirt at naka khaki na short lang ngayon. Medyo madilim pa kaya hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya. "May sinabi ba akong hindi ako sasama ngayon? Tsaka bakit ang iksi ng shorts mo?" sabi niya at kinuha ang bag na pinaglalagyan ng gamit namin ni Pia. Tiningnan ko ang suot ko. "May shorts bang mahaba?Tsaka swimming yon diba?' paliwanag ko. Umiling pa siya bago akong tuluyan iwan at bumaba.

Naramdaman kong may tumapik sa balikat ko "Hulog ka talaga ng langit sa buhay ko Reena. Sa wakas makakasama na rin ako sa outing!!! Wohooo." masayang sabi ni Andoy. "Tsaka pala, ang ganda mo ngayon"

"So kahapon hindi?" tinaasan ko siya ng kilay.

He rolled his eyes on me "Duh? Hindi ka mukhang probinsiyana ngayon. Sobrang ganda mo pala pagwala ka sa palda mo e. Kawawa na naman yung boss ko nito" sabi niya at sumunod na kay Arkin. "Yehey!" sigaw naman ni Pia at nagpaalam na kami kay Ate Madel.

Umarkila kami ng dalawang jeep. Marami rami din ang hindi nakasama pero sobrang puno ang jeep na halos may nakaupo na sa gitna. Inukupa namin nila Arkin ang unahang bahagi ng jeep.

"Mabuti naman at nakasama kayo ngayong dalawa?" bati ni Manong Ino kina Arkin. "Dahil ho yan sa magandang dilag" sagot ni Andoy sabay nguso sa akin. Napapagitnaan namin si Arkin.

Tumango si Mang Ino. "Pasensya na Reena at hindi masyadong kumportable ang sasakyan natin a. Yaan mo pagnanalo ako sa lotto, bibili ako ng bus" nakangisi siya.

"Bus po?"

"Oo para pag may outing ay medyo kumportable lahat tayo" sagot niya. Ngumiti ako. Wow. Now, I am certain that Barangkal is not just a stinky place as others may call it but...it's a family. A home for everyone.

Tumingin ako kay Arkin. Nakikinig siya sa iba pang kwento ni Mang Ino habang ako ay hawak ang tulog na si Pia. Nakahilig si Pia sa kandungan ko. Pansin kong halos lahat ay tulog na kaya hindi ko na rin napigil na pumikit.

Believe me. Hindi talaga komportableng magbyahe ng ganito kalayo tapos jeep lang ang sasakyan mo. Masakit sa likod at sa mga binti pero dahil sa antok ay hindi ko namalayang napasandal na ako kay Arkin. Iminulat ko ang mata ko at naramdaman kong tulog na si Mang Ino sa harap namin katabi ng asawa niya. Naramdaman kong hawak ni Arkin ang ulo kong nakasandal sa balikat niya.

Unti unti akong gumalaw.

"Malayo pa tayo?" tanong ko sa kanya.

Tumango siya. "Okay ka pa? gusto mo ako na ang bumuhat kay Pia?" tumango ako. Hindi ko kasi maigalaw ang binti ko dahil nakahilig si Pia doon.

MY JOURNEY OF LOVE START WITH A DEAL - NO ORDINARY LOVEWhere stories live. Discover now