Twenty-Five

15.4K 258 15
                                    

Chapter 25
Please

**

"What do you mean?" tanong ko kay Paul.

Pero imbes na sumagot ay umiwas siya ng tingin. Hindi pa rin nawawala sa labi niya ang ngisi. Hindi ko maiwasang pagdudahan siya. Nanliit ang mga mata ko sa kanya.

Ano ang alam niya tungkol sa sikreto ko? May alam ba siya tungkol sa amin ni Niel? Ano ang alam niya tungkol doon? O baka naman ibang sikreto ang tinutukoy niya?

Pilit kong pinakalma ang sarili ko. I shouldn't think about it. Baka pinagti-trip-an niya lang ako. Baka gusto niya lang na mapansin ko siya. I shouldn't let him and his words affect me.

Nang matapos ang klase ay inayos ko na agad ang gamit ko. Gusto ko na lang makaalis agad at huwag na lang pansinin si Paul. Kahit na nababagabag ako sa sinabi niyang alam niya ang sikreto ko ay binalewala ko na lang. Baka gusto niya lang kuhanin ang atensyon ko at wala naman talaga siyang alam tungkol sa sikreto ko.

Hinintay ko si Lea na matapos sa pag-aayos ng gamit niya. Nang matapos siya ay sabay na kaming pumunta sa locker room para magpalit ng uniform. Pero bago pa kami makaalis ay hinarangan kami ni Paul. Napakunot-noo ako. Diretso ang tingin niya sa akin at nakapaskil pa rin sa mukha niya na may nalalaman siyang kung ano.

Bumaling siya kay Lea.

"Hi, Lea," bati niya rito. Naalala kong nabanggit nga pala sa akin ni Lea na magkaklase sila noong high school. Humalukipkip si Lea at napangisi.

"Wow. Binati mo talaga ako? Anong kailangan mo?" sarcastic na tanong niya rito.

Paul chuckled. "Why, Lea? Can't I greet you?"

"Ano bang kailangan mo?" tanong ulit ni Lea.

He cleared his throat. "Can I borrow your friend for a bit? I need to talk to her."

Hindi pa rin naaalis ang kunot sa noo ko nang sabihin niya iyon. Ano na naman ang kailangan niya sa akin? Nakita ko naman ang pagtaas ng kilay ni Lea dahil sa sinabi ni Paul.

"About what?" she asked.

Humalakhak si Paul. "Come on, Lea. I just need to talk to my partner. Is that bad?"

Hindi ko alam kung bakit ayaw ni Lea na makausap ako ni Paul. Hindi naman sa gusto kong kausapin ako ni Paul. Nagtataka lang talaga ako. Siguro ay dahil kilala niya si Paul? Bakit? May masama bang gagawin si Paul sa akin kung sakaling kausapin niya ako?

Mukha namang nasagot ang tanong ko nang biglang magsalita si Lea.

"I know you, Paul. Playboy ka. At mukhang si Eunice naman ang napili mong pag-trip-an ngayon. I'm warning you, Paul. Not my friend. She's off-limits."

Nagulat ako sa sinabi ni Lea. Playboy si Paul? Well, kung tutuusin nasa itsura naman niya, eh. Hindi na ako dapat magtaka. Tumigil naman sa pagtawa si Paul. Napalitan ang tawa niya ng ngisi.

"Don't worry, Lea. I won't hit on her. I just want to talk to her about something," he replied.

"Oh, bakit? Hindi mo ba pwedeng kausapin si Eunice habang nandito ako?" tanong ulit ni Lea.

Nawala ang ngisi sa mukha ni Paul. Seryoso na siyang nakatingin kay Lea ngayon. Tumikhim siya.

"Gusto mo ba talagang dito ako magsalita?" tanong niya.

Noong una ay nakatingin pa siya kay Lea. Pero nagulat ako nang bigla siyang tumingin sa akin. Hindi lang basta tingin ang ipinakita niya sa akin. Halata sa itsura niya na mayroon siyang gustong sabihing hindi dapat na marinig ng iba. Halata sa mukha niya na mayroon siyang alam... na hindi alam ng iba.

Everything Has Changed (The Neighbors Series #1 - Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon