NOL - Chapter 19

Magsimula sa umpisa
                                    

"Himala..mas nauna ka pa sakin. Dati rati parang ayaw mong magpahinga"

"Boundary na tsong e. Maya maya ulit" sabi ko habang nakahiga ako sa mahabang upuan. "Inspirado ka kasi, parekoy!" Sabi niya at umupo sa dulong bahagi ng hinihigaan ko.

"San kaya ako makakahanap ng inspirasyon?" Sabi niya sabay nangalumbaba sa malapit na mesita.

"Patulan mo na si Jennifer" iniayos ko ang dalawa kong kamay at inilagay sa likod ng aking ulo.

"Ako pa ba? E alam mo namang sayo lang adik na adik ang babaeng -

Hindi na naituloy ni Andoy ang sasabihin ng may dumating na babae.

"Hi Arkiiiiin baby!"

"Speaking of the witch and the witch is here" sinundan ko ng tingin ang mata ni Andoy at ng makita kung sino ito ay madali akong pumikit.

Parang gusto kong magtulogtulugan.

"Alam kong hindi ka tulog, Arkin" malambing niyang sabi na akala mo ay isang kanta ang binibigkas niya. "Tabi nga diyan, Andoy!" Nagmulat ako at pinaalis ni Jennifer si Adoy. Kinuha ang mesita at pinatong ang lahat ng dala niyang pagkain.

"Wow. Dala mo na yata ang karinderya mo dito a" banat ni Andoy. "May kikitain ka pa ba ha, Jen?" tumayo si Andoy at nameywang sa harap ng dala dalang pagkain ni Jen.

Nagpameywang si Jennifer. "Wag kang makakain kain ng dala ko ah"

"Ito naman di na mabiro" kukuha na si Andoy ng pagkain ng tapikin ni Jennifer ang kamay niya. "Aray naman!" Angal ni Andoy.

"Mas mauuna ka pa kay baby Arkin?!?"

"Baby ba yan??? Gagawa na nga ng baby yan e"

"CHE!!"

Nagpalipat lipat ako ng tingin sa dalawa. Napapakamot na lang si Andoy ng ulo.

Naupo ako sa katatawa sa kanilang dalawa. Tumabi si Jen at yumakap sa braso ko. "Arkin baby, dinala ko yan para sa'yo. Hindi ka na kasi pumupunta sa karinderya e"

"Sawa na siya sa ulam mo" sabat ni Andoy habang puno na ng pagkain ang bibig niya. "Kinakausap ka ba?!" Sigaw niya sabay baling ulit sa akin.

"Sabihin mo lang kasi kung may gusto kang ulam..ipapaluto ko. .kahit ano....kahit ako" Nagpapacute niyang sabi.

Napaubo ako.

"Pinaupong Jennifer" halos mabilaukan si Andoy sa katatawa.

"O kaya, saihin mo sa tagaluto na ikilaw ka na lang kamo" sabat pa ni Andoy. Parang mauubusan ako ng hangin sa katatawa.

"Alam mo Andoy, kung hindi ka lang kaibigan ng Arkin baby ko...nilason na kita"

"Mas mahal ako ni Arkin no! Hindi mo siya maaagaw sa akin!" Sagot naman ni Andoy.

"Arkin si Andoy o!" Sumbong ni Jennifer. Tumayo ako at inalis ang pagkakayakap ni Jennifer sa braso ko.

"Tama na nga yan Doy, pasalamat ka't may pagkaing dala 'tong si Jen" ngumiti si Jen sa pagkakasabi ko non.

Kinuha ko ang susi sa bulsa ko at dumirecho sa taxi. "Arkin, san ka pupunta???" sigaw niya.

"Sa girlfriend niya" hirit ulit ni Andoy.

Pagkasakay ko sa taxi ay kinawayan ko sila. "Salamat sa pagkain, Jen!" Sabi ko at tuluyan na akong umalis.

LAREEN'S POV

"Bakit parang gutom na gutom ka? Di ka ba kumain ng tanghalian?" tanong ko pagkalagay ko ng pagkain sa mesa sa usual na spot na pinagkakainan nila ni Tep tuwing umaga.

Umiling lang si Arkin sa tanong ko. "E bakit hindi ka kumain? Nagtitipid ka?" hinabol ko ang paningin niya kaso busy siya pagkain. Umiling lang ulit siya.

Hindi makasalita dahil akala mo may kaagaw sa pagkain. San ba galing tong lalakeng to....ganun na ba siya ka-busy para di makakain sa oras?

"Anong oras pala yung labas ni Pia bukas?" humawak ako sa sandalan ng upuang nasa tabi niya.

"Mga after lunch siguro" sagot naman niya at direcho subo ulit ng pagkain.

"Susunduin mo ba siya?"

"Oo"

"Isasama mo ba -

Binatawan niya ang kutsara. Nagtaka ako. "Ayaw mo na?"

Natawa siya. "Hindi ko na kasi alam kung sasagutin ko yung tanong mo o susubo ako e. Hirap pagsabayin, Reena" namumungay ang matang niya.

Kumunot ang noo ko. Loko to a.

"Joke lang"sabi niya sabay hawak sa braso ko. "Susunduin natin siya bukas, okay?"

"Okay. Sige na. Iwan na nga kita" I pout.

Paalis na ako ng hawakan niya ang kamay ko. Natigilan ako. Dear Lord, burahin niyo na po sa mundo si Lareen Castillo please.

"Pikon ka masyado" malambing niyang sabi.

"Hindi ako pikon! Gusto mo kumain diba? Istorbo ako diba? Diba?" pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Ginaganahan ako diba?"sabi niya na parang nagpapacute na bata.

"Sinunga-

"Arkin?" Nagulat ako sa pagpasok ng isang babae kasunod si Sir Tep.

"Allison?" Tumayo si Arkin. Tinanggal ko sa pagkakahawak ni Arkin ang kamay ko na obviously, nakita ng bagong dating.

"Arkin!" Lumapit ang babae at hudyat na yon para magpaalam akong ikukuha siya ng tubig.

Nakatitig ako sa kamay kong hawak niya kanina. Lutang. Yun ang kasalukuyang lagay ng utak ko. Shems.

Pero wait. Sino kaya ang babaeng yon?

Napasandal ako sa mesa.

"Yung tubig daw, Reena" sabi ni Ate Madel na biglang sumulpot mula sa kawalan. Masyado na naman akong occupied.

"Ay, oo" sagot ko at lumabas na ulit.

Naratnan ko silang magkakausap na sa mesa. Tumingin sila sa aking tatlo at nakita kong ngumiti ang babaeng hindi ko pa kilala.

"You look famillar. Hindi ko lang alam kung san kita nakita" sabi nung girl habang nilalayan ko ng tubig ang mga baso nila.

Ngumiti na lang ako.

"Have we met before?" Tanong pa uli niya.

Tiningnan ko sya. No. Hindi ko siya kilala pero alam mo yung medyo may konti kang kaba? Baka nakita niya ako sa isang dyaryo.

"Hindi po siguro, Ma'am" sagot ko.

Tumango ito. "You are beautiful" she pause for a smile. "So, ingat ingat ka sa mga to ha" sabay turo kay Tep at Arkin. "Matutulis tong mga 'to" sabi niya pa at hindi na napigil ang tawa. Pinilit kong ngumiti. "Si Tep lang ang babero dito, Allison. Ako, seryoso ako." sabi ni Arkin habang nasa akin ang paningin. Nagkibit balikat lang ang babae at nagpaalam na ako uli.


MY JOURNEY OF LOVE START WITH A DEAL - NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon