Eighteen

16.3K 296 13
                                    

Chapter 18
Girl

**

"Hoy!"

Napapitlag ako nang tapikin ni Saff ang balikat ko. Nakapangalumbaba ako at busy sa pag-iisip ng kung ano. I mean, busy sa pag-iisip ng mga nangyari noong nakaraang prom.

Dalawang araw na ang nakakalipas mula nang gabing iyon pero hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa'kin ang lahat. Mula sa pagsayaw sa'kin ni Niel hanggang sa… hanggang sa…

"Hoy!"

Inis na napalingon ako kay Saff nang batukan na niya ako.

"Ano ba, Saff? Kailangan nananakit?" inis kong tanong. She rolled her eyes.

"Oo, kailangan. Kailangan para magising ka na. Mukha kang tanga, alam mo ba 'yon?"

"Bakit ba kasi?" tanong ko. Kainis! Nananahimik na nga ako rito, eh. Kailangan ba talaga niya 'kong saktan? Pwede namang kalabitin lang ako.

"Kanina ka pa kasi nakapangalumbaba diyan habang nakangiti. At hindi lang isang normal na ngiti. Ang laki-laki ng ngiti mo na para bang may masayang nangyari sa'yo. Mukha kang baliw," aniya.

"Seriously, Eunice. Pati ako kinikilabutan na sa'yo. Ano bang meron? Naging ganyan ka na matapos ang prom,” sabi naman ni Bree.

Nang mabanggit niya ang prom ay hindi ko maiwasang kiligin. Naramdaman ko rin ang pag-init ng pisngi ko. Napakunot-noo naman si Saff nang makita ang reaksyon ko.

"Ayan. Ayan! Tingnan mo! Ngumingiti na naman siya!" sabi niya habang nakaturo sa akin.

Umirap si Bree. "Alam ko. Nakikita ko."

I rolled my eyes. Seriously, bakit ba nila ginagawang big deal ang pagngiti ko?

"Ano ba kayo? Masama bang ngumiti? May batas na bang nagsasabing bawal ngumiti?"

Pinanliitan ako ni Saff ng mata. "Aminin mo nga. May nangyari ba noong prom na hindi namin alam?"

"Oo nga. Baka may hindi ka sinasabi sa'min? Ano bang ginawa niyo ni Niel? 'Di ba hinila ka niya paalis? Anong nangyari doon sa pinuntahan niyo?"

Napalunok ako at napaiwas ng tingin. Should I tell them about the kiss? Pero 'di ba alam naman nila ang balak ni Niel? So, they probably know about the kiss.

Pero balak ba talaga akong halikan ni Niel noong gabing iyon? O biglaan lang 'yon? Hindi naman siguro kasama sa plano niya 'yon? Saka kung alam nina Saff at Bree ang plano niya sa gabing iyon, hindi ba parang nakakahiya naman kung pati iyon ay ipinaalam niya sa kanila?

"Ano na, ineng? May sasabihin ka bang dapat naming malaman?" ulit na tanong ni Bree. Napakibit-balikat ako.

"Sabi sa'kin ni Niel, alam niyo raw 'yong balak niya noong gabing iyon, 'di ba? So, dapat hindi niyo na ako tinatanong ng tungkol sa nangyari doon."

Nagkatinginan sila pagkatapos ay bumaling ulit sa'kin.

"Ang sabi niya sa'min, pagdating ng alas dose, dadalhin ka niya sa garden para doon ituloy ang sayaw niyo. Para rin hindi siya makita ng mga teachers. Iyon lang," sabi ni Bree.

"Huwag mong sabihing 'yon lang ang ginawa niyo? Nagsayaw lang kayo buong gabi? Aba! Napakahina naman pala ni Niel," natatawang sabi ni Saff na ipinagtaka ko.

"Anong ibig mong sabihing mahina siya?" tanong ko.

She shrugged. "You know, napakahina niya. Wala man lang siyang ginawang move sa'yo? Jusko! Ang ganda-ganda mo noong gabing iyon. Kahit kiss man lang hindi niya ginawa?"

Everything Has Changed (The Neighbors Series #1 - Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon