"Are you sure? Gabi na Ms. Dela Paz, delikado ang magtaxi pauwi." As if concern naman siya kung mapano ako.

"Yup, i can manage. Mukhang importante yang pupuntahan mo. You can go now." Ngumiti ako sa kanya.

"Okay, I'll go ahead." 'Yon lang tapos lumarga na siya. Kahit pa thank you wala man lang sinabi. Haist dyahe lang, makauwi na nga lang. Gabi na para gambalain pa si Moira lalo na si lolo. Magtataxi na lang ako pauwi ng bahay.

I grab my purse at lumabas na ng restaurant. Buti na lang may dala akong pera palagi kung nagkataon patay sana ako.

Sa labas mg restaurant may nakatayong guwardiya, lumapit ako para itanong kung saan pupwede akong mag-abang ng taxi, looban kasi itong lugar na pinuntahan namin.

"Naku mam,maglalakad pa po kayo papuntang labasan. Medyo malayo-layo pa po 'yon."

"Ganun ho ba, wala po bang nagagawi dito na mga taxi?"

"Bihira lang po mam eh, kung pwede ko lang sana kayo ihatid medyo gabi na kasi eh. Wala po ba kayong kasama kanina?"

"Meron naman po, kaso nagka emergency siya kaya nauna na."

"Ah kaya po pala,paano 'yon mam maglalakad kayo niyan papuntang labasan? Kapag kasi mag-aantay kayo baka abutin kayo ng siyam2x dito."

"Mukha ngang maglalakad nga ako manong. Sige po, salamat po ha."

"Walang anu man mam, ingat po kayo." Nakangiting yumukod pa si manong guard. Kung ganun ka bait ang mga tao sa mundo naku we will a better world.

Habang naglalakad i feel creepy, matatakutin naman talaga kasi ako. Mayroon namang mga lamp post sa dinadaan ko kaso hindi ganun ka liwanag. Kunh anu-ano actually ang tumatakbo sa isipan ko ngayon, yung tipong bigla na lang may hihila sa akin, o di kaya may nakasunod sa akin tapos gawan ako ng masama. Haist, ipinilig ko ang ulo ko, hindi tama ang iniisip ko dahil hindi nakakatulong. Tinatakot ko lang ang sarili ko sa mga bagay na nasa isipan ko.

Mga kinse minutos din akong naglakad hanggang sa makakita ako ng highway. Sa wakas nakahinga ako ng maluwag. Binilisan ko ang paglalakad hanggang sa makarating ako sa gilid ng daan. Sana makasakay na agad ako, medyo nangawit ang mga binti ko sa haba ng aking nilakad.
Manaka -naka na lang ang dumadaan na sasakyan,napatingin ako sa wrist watch ko, alas onse na pala ng gabi.

Habang nag-aantay ng dadaang taxi,nakita ko ang pagguhit ng kidlat sa kalangitan. Sabay napaigtad ako sa malakas na kulog.

"Naku,mukhang uulan pa ata. Patay ako nito, wala akong payong na dala." Naiusal ko habang nakatingala ako sa langit. Kahit madilim ang gabi ramdam ko ang paparating na ulan. Malas lang at wala pang taxi na dumadaan, tapos wala man lang waiting shed na maari kung masilungan.

Bahagya kong naramdaman ang unti-unting pagpatak ng ulan. Lagot na,mababasa pa ata ako ng ulan. Manaka-naka pa ay ayun bumuhos na ang malakas na ulan. What can i do,wala akong masisilungan kaya heto ako nagpapaulan. How i wish i won't get sick.

Basang - basa na ako pero hindi pa din ako nakasakay ng taxi. Napaupo na lang sa gutter ng kalsada, and wishing merun biglang dumating para makauwi na ako.

I feel cold and not fine, napahatching na ako, tapos biglang may humintong kotse sa harapan ko. Hindi ko maaninag kasi sa sobrang lakas ng ulan hindi ko halos maimulat ang mata ko. Tapos may bumaba mula sa driver seat at naramdaman na parang bahagyang tumila ang ulan sa pwesto ko. Napatingala ako, ayun may payong na pala.

"Mam Gabby, naku bakit kayo nagpaulan. Buti napansin ko kayo bago pa ako pumunta sa restaurant." Narinig ko ang boses ni Mr. Marquez. Ibig sabihin kahit sinabi ko kay Santiago that i can manage ay pinapunta niya pa rin ang assistant niya. I smile for the thought.

"Hindi ko naman na anticipate na uulan Mr. Marquez. Tsaka hindi ko rin naisip na sadyang kay hirap pala sumakay dito. Halos walang taxi. Hatsssuu!" Gush napabahing na naman ako. I feel not fine, parang biglang bumigat ang katawan ko.

"Hala ka mam, nababahing na kayo. Baka po magkasakit kayo niyan. Hali na po kayo sa kotse para maihatid na kita sa inyo."
Ramdam ko ang pag-alala sa boses ni Mr. Marquez,just like a father to his daughter. Bigla ko tuloy na naalala si Papa.

"Sige po," sagot ko tsaka tumayo. "Hattssuuu!" Lagot bumahing ulit ako,i dont want to get cold promise!

"Magmadali na tayo mam, panay na bahing ninyo baka magkasakit na po kayo niyan," inalalayan na ako ni Mr. Marquez papasok ng sasakyan.

Pumuwesto ako sa backseat, nakakahiya dahil panigurado mababasa ang upuan ng sasakyan. Pagkapasok ni Mr. Marquez sa sasakyan ay may iniabot itong puting towel sa akin.

"Mam, punusan n'yo po muna ang sarili ninyo kahit papaano. Baka magkasakit na talaga kayo."

"Salamat po Mr. Marquez, kung hindi ka pa dumating hindi ko alam kung makakatagal ako sa ulan," nagsimula na akong punasan ang kamay ko at ulo. Panay pa din ang bahing ko, how i wish hindi ako magkakasakit. Nagsimula nang paandarin ni Mr. Marquez ang sasakyan habang abala pa din ako sa pagpupunas. Isinandal ko sa upuan ang ulo ko at dahan-dahan kong naramdaman na nais pumikit ma ng mga mata ko..

---------***--------
Upload done.. thanks for reading

Loving The BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon