#2 Special Chapter: 2 years Later..

2K 45 0
                                    



#2 Special Chapter: 2 years Later..

#2 Special Chapter: 2 Years Later..

"Anak ng pusa!"

Nagulat kaming lahat sa sigaw ni Steven kaya halos sabay sabay kami lumingon sa kaniya. Pagkatingin namin, nakalumpasay na siya sa bermuda. Habang namumula.

Nung una nagtataka pa kami kung paano siya na laglag sa upuan. But then, nung nakarinig kami ng pamilyar na tawanan sa likuran ni Steven kahit ata hindi na namin tignan kung sino sila, kilala na namin.

"Haha! Ayos! Ang galing natin!"

"Oo nga eh! Saktong sakto!"

Nakita namin sina L's nag aapiran pa habang tumatawa sa ginawa nilang kalokohan sa Tito nila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakita namin sina L's nag aapiran pa habang tumatawa sa ginawa nilang kalokohan sa Tito nila. Tapos isinama pa nila si Lucky na halos hindi magkanda ugaga sa kakatawa niya.

Pinagtripan na naman nila ang tito nila..

Napailing na lang ako..

Sina Lance at Lawrence kasi, hilig talaga nilang pagtripan ang Tito Steven nila. Tapos humahabol pa si Lucky sa kalokohan ng mga kuya niya. Minsan nga hindi narin alam nila Andy at Thea kung saan sila nagmana ng kakulitan. But then Mamita said, mukang nagmana sila kay Steven sa kalokohan.

Lahat kami non natawa. Agree naman si Thea dun, dahil aminado siyang pinaglihian niya talaga si Steven noong pinagbubuntis niya ang kambal lalo pa, wala si Andy noon sa tabi niya at tanging si Steven lang ang nasa tabi niya non.

"Hoy! Mga bulol! Humanda kayo sakin."tumayo siya saka tinuro yung tatlong bursko. Sina L's at Lucky naman nahinto sa kakatawa ng makita nila yung tito nilang pulang pula na sa inis sa kanila.

"Waaaaaaaaaaaa! Takbooooo! Ayan na si bakulaaaaaaaaaw!"Lance shouted tapos nun nagtakbuhan na silang tatlo. Habol naman ng habol si Steven sa tatlong makukulit niyang pamangkin.

"Aaaaaaaaah! May bakulaaaaaaaaaaw!"Rence and Lucky shouted too.

"Anak ni Andy'supot! Anong bak----"

"Hoy! Hindi ako supot! Ikaw itong 20 na nung nagpatuli!"napalingon naman ako kay Andy nung nagsalita siya na ikinahinto naman ni Steven sa pagtakbo at nilingon ang pinsan niya.

"Hoy karin! 14 ako nun, hindi 20! Magmemo plus ka nga!"balik na sigaw naman ni Steven.

"Edi inamin mo rin!"biglang natahimik si Steven tapos kumamot ng ulo. Narinig kong nagtawanan sina Tita pati narin sila Cristine kay Steven.

Si Steven kasi.. 14 years old siya nung nagpatuli. Ang kwento sakin ni Gabby, 10 years old palang sila nung sabay sabay dapat silang magpapatuli kaso nung natapos na sila ng trio bigla na lang daw nawala si Steven. And the rest was history.. 14 years old siya nung nagawa na niyang magpaopera. Pinagtatawanan pa nga siya nila Andrei nun dahil makunat na daw. Masasabi kong si Steven ang pinakakawawa sa kanilang 5. Tapos, mukang minana pa nila L's at Lucky ang kawawain ang tito nila.

Lies Behind The LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon