14. Aliyah's Mother

2.7K 37 3
                                    

Napangiti ako, habang pinagmamasdan kong natutulog ang bunso kong makulit na walang ginawa kundi mangulit at sumubo ng kung ano anong mahawakan niya.

Until now, hindi parin ako makapaniwala na buo na kami ng pamilya ko. At masaya kami ngayon..

Ito lang naman yung pinangarap ko noon, yung.. Makasama ang pinakamamahal kong lalaki at magkaron kami ng masayang pamilya. Dati, akala ko hindi na mangyayari yun kaya kahit masakit pinilit kong tanggapin. Pero mabait parin talaga ang dyos, hindi niya parin talaga ako pinabayaan. At sobrang nagpapasalamat ako sakaniya ngayon.

Hinaplos ko yung pisngi ng bunso ko na mahimbing ang pagkakatulog..

Having my three little children in my life is one of the most precious gift for me. For the both of us ng asawa ko.

Sana lang maging masaya rin sina Beronnicah at Dexter katulad ko.. Yun lang ang mahihiling ko para sa kanila..

They deserve to be happy too..

"Hon, i have to go.."

Napilingon ako sa pinanggalingan ng boses na yun. Then I saw, Andrew watching me. Pero agad din akong napakunot ng noo nung marealize ko yung sinabi niya sakin.

"Huh? At saan ka naman pupunta?"hindi ako nagger na asawa, hinahayaan ko naman siya magliwaliw kung minsan. Kaso sa pagkakatanda ko, wala siyang pasok ngayon sa trabaho kaya hindi ko maiwasang hindi magtanong. Kadalasan naman kapag aalis siya, sasabihin niya muna sakin bago yung nakaset na scheduled.

Nakita kong naging balisa yung expression ng muka niya na lalo kong pinagtaka.

"Nasa hospital sina Phoebe. Tinawagan niya ko para pumunta--"hindi ko na siya napatapos pa magsalita. Napatayo ako para makaharap ko siya.

"Bakit? May nangyari ba sa mga bata? Si Curt, si Cassie? Ayos lang ba sila?"hindi ko na pigilang hindi mag alala sa mga anak ko. Kanina kasi, pinagpaalam sila samin ni Trixie at Phoebe na ipapasyal sa mall. Since mga kapatid naman namin sila, pinayagan namin. Isa pa, maigi rin yun para hindi lang dito sa bahay yung mga bata at ng makapagbonding din sila.

Lalo akong nag alala nung nakita kong napabuga siya ng hangin at parang iniisip niya pa kung sasabihin ba sakin o hindi kung anong nangyari. dahil dun, hindi ko na napigilang hindi siya lapitan.

Ayokong isipin na may masamang nangyari sa mga bata. Natatakot ako. I was about to repeat my question again nung nagsalita na siya.

"Sinugod nila sa hospital si Aliyah, Hon.. At hindi nila alam yung gagawin kay Gabby. Ayaw niyang makinig sa iba, kaya na tinawagan ako ni Phoebe para pumunta don. Sila Curt naman nasa Villa, dun muna nila iniwan since malapit dun ang hospital."

Para akong nabunutan ng tinik nung sinabi yun ng Asawa ko. At least alam kong walang masamang nangyari sa kambal ko. Pero hindi parin nawala yung pag-aalala at takot sa dibdib ko ngayon lalo pa at nalaman kong isinugod si Aliyah sa hospital.

Si Aliyah, anak siya ni Gabby. Isa sa pinakamalapit na pinsan ni Andrew. Mabait at sweet na bata, ang bata yun kaya nga hindi kataka-takang naging malapit rin siya sa amin ng kambal. Lagi siyang nakangiti, nakahit sino walang makakaresit ng ngiting yun. Bato na lang na puso yung hindi mahuhulog sa ngiti ng bata yun.

Pero ang masaklap lang, may sakit siya. Last year na diagnosed siya sa sakit na Atlastic Anemia. Isa sa mga sakit na malala pa sa anemic. O kung iaanalyze, kapatid ng Leukemia ang sakit na yun. Lahat kami noon, nung nalaman yun parang pinagbagsakan ng langit at lupa. Aliyah, is excel to Cassie and Leah. Yung dalawa kasing yun, may pagkamaldita pero si Aliyah? She's so good and pure to her smiles. Everyone's love her. Everyone's adored her..

Lies Behind The LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon