25. Truth Behind The Lies{PART 1}

3.4K 41 1
                                    

25. Truth Behind The Lies

"Kamusta si Thea?"agad kong tanong nung lumabas si Andy sa private room na nakaayos na kung nasaan ngayon si Thea. Natamaan siya kanina ng bala sa balikat.

Pare-pareho kaming napasunod ng tingin kay Andy nung umupo siya sa sofa na parang hinang-hina.

Worried written to our face. Lalo na nung nakita namin ulit ang ganung itsura ni Andy na parang iiyak ano mang oras. This is the second time around na nakita ko siya ganyan.. Last time, ganyan din siya nung muntikan ng mawala sa kaniya sila Thea at Lucky. Good thing lang talaga at palaban silang mag-ina kaya naging maayos rin sila..

Gusto kong magtanong kung ano bang lagay talaga ni Thea?

Bakit ganyan siya?

Malala ba?

Pero wala akong lakas na sambitin yun, dahil pati ako..

Nanghihina ..

Lalo na nang maalala ko yung mga muka nila kanina..

Sina Mamita..

Yung mga bata na nanginginig sa sobrang takot..

Yung iyakan nila Phoebe na kahit anong gawin naming pagpapatahan ay ayaw nilang matigil..

Napapikit ako ng mariin at marahang sinandal ko yung ulo ko sa pader..

Para akong nadurog..

Nasasaktan ako..

Puno ng iyakan yung buong Villa kanina..

Hindi ko napigilang maluha sa sakit ng naabutan ko kanina..

"S-She's fine now. Nakatulog na ulit siya." Nakahinga kami ng malumawag nang sabihin yun ni Andy. Tapos  sinapo ng dalawang palad niya yung muka niya.

"Andy.."Andrew's whisper.

"H-Hindi ko mapapatawad yung sarili ko kung.. Kung nawala sakin ang asawa ko.. Hindi ko kaya.."after he said that, he brakes down. Umiiyak na naman siya sa harapan namin. Alam namin kung gaano kamahal ni Andy ang asawa niya. Kaya alam rin namin na hindi niya kakayanin kapag nangyati yung kinakatakutan niya.

Halos sabay sabay kami nila Andrei napabuga ng hangin.

Nandito kami ngayon sa bahay nila Andrew. Lahat kami, nandito. Pagkatapos nang nangyari kanina, dito kami nag decided na dumeretcho. Dito narin ginamot si Thea ng private doctors at nurses na nakaassigned ngayon sa kaniya.

Sina Tito Charlie, nagpatawag ng mga body guard at mga pulis na magbabantay sa amin ngayon dito. Tulad ng sabi nila kanina, mas maige ng maging handa kesa maulit pa ulit yung nangyari kanina at may isa na naman sa pamilya ang masaktan. Tama na yung kanina..

Hindi na kami papayag na may masaktan ulit!

I sigh..

Sa totoo lang..

Hindi ko alam kung dapat ba kaming magpasalamat dahil isa lang yung natamaan ng bala sa pamilya namin. Lahat sila ligtas pati yung mga bata na talagang cover para maassure na ligtas, tanging si Thea lang talaga yung natamaan. At nagpapasalamat kami ngayon dahil ligtas na siya..

Ilang sandali pa..

Naging tahimik na..

Pareho-pareho kami ng trio na wala ng maisip na masabi lalo na ngayon na lahat kami, hindi matahimik. Pero agad ding naputol yung katahimikan yung ng may marinig kaming nagsalita.

"Gabby.."

Nabaling yung atensyon ko kay Patrice na nasa harapan namin ngayon. Yung mata niya namumugto  katulad kina Phoebe dahil sa nangyari kanina.

Lies Behind The LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon