3. Pain of the Past

3.5K 45 5
                                    

I took a countless breath before I decided na sumakay sa bus. Pag akyat ko dun, humanap agad ako ng uupuan. Nakita kong walang tao sa may bandang dulo ng bus kaya naglakad ako papunta dun at umupo sa right side nun.

I'm going to the place that I really don't wanna go back. Pero kailangan ko dahil may kailangan akong dalawin dun. At ayoko namang magtampo siya sakin kapag naeskip ko yung birthday niya. Gusto kong malaman niya na kahit wala ako sa tabi niya, hinding hindi ko siya nakakalimutan. I love her so much.. That it hurts dahil hindi ko siya pwedeng makasama.

Kung pwede lang talaga.. Kung pwede lang..

It took an hour bago ako nakaramdam ng antok.. Sinubukan kong labanan pero hindi ko talaga kinaya kaya hinayaan ko na lang na makatulog muna ako since mahaba pa naman ang byahe papuntang Baguio City.

Pero mukang wrong move ang ginawa ko. Dahil dun biglang bumalik lahat ng alaalang pinilit kong kalimutan..

I was 7 years old, turning to 8 back then..

I have a good provider Dad..

'Nasan na ang prinsesa ko? May surprice ako sa kaniya..'rinig kong sabi ni Daddy Nanlaki ang mga mata ko at na excite sa surprise ni Daddy.

'Im here,Daddy!'sabi ko tapos tinakbo ko yung pagitan naming dalawa.at binuhat ako.

'Ho.ho.. Ang bigat na ng prinsesa ko ha.'napatawa ako ng malakas ng halikan ako ni Daddy sa Leeg. Madami kasi siyang balbas kaya nakikiliti ako. Pero yun ang gustong gusto ko kay Daddy.. He's always sweet and Loving Dad to me and my Kuya.

'Tama na yan kakakiliti mo kay Nicah, naghanda ako ng meryenda. Tara na sa garden.'siya naman si Mommy. She's so strick samin ni Kuya pero kahit ganun si Mommy, nararamdaman naming mahal na mahal niya kami. Nagkatinginan kami ni Daddy tapos nagpatuloy lang kami. Hindi namin inintindi si Mommy kaya natawa kaming pareho ng makita namin si Mommy na Umiiling na lang saming dalawa.

'Daddy, surprise mo?'naramdaman kong dahan dahan niyang kong binaba mula sa pagkakakarga tapos may kinuha siya sa likuran niya.

At nanlaki ng sobra ang mata ko nung nilabas niya yung black box na may ribbon na pink.

Lies Behind The LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon