7.Behind Her Name

2.4K 32 1
                                    

Inilagay  ko sa tabi ng kaniya kaniyang puntod yung mga bulaklak na binili ko kanina sa flower shop..Kay Daddy, Mommy at sa tabi nila yung maliit na box na gawa sa halo blocks which is our baby sis/ bro ni Kuya. Ang huling nilagyan ko ay yung sa angel ko. Na nasa ibabaw nila Mommy at Daddy.

FAITH ANGELA MENDEZ
Born - Died
July 28,2011 - July 28, 2011

Napabuga na naman ako ng hangin. Pero agad kong inayos ang sarili ko. Ayokong umiyak ulit ngayon sa harap nila. Kaya ngumiti ako agad habang pinagmamasdan ang mga pangalan nilang nakaukit sa mga bato.

"Hi Daddy, Hi Mommy.. Miss na miss ko na kayo.. Sorry kung, ngayon lang ulit ako nakadalaw.."nahihiya ako sa kanila.. Dahil sa nangyari sakin noon, dahilsa bangungot na yun, hindi ko na sila nadalawa pa.

Natakot ako. Natakot ako na baka pagbumalik ulit ako dito, biglang bumalik sakin lahat ng alaalang ibinaon ko na sa limot. At maging kagaya ulit ng dati.. Na halos muntikan na kong mawala sa sarili ko.

Napabuga akong hangin, tapos tinanggal ko yung makapal na alikabok na nasa family picture namin. Sa tagal ng panahong walang dumadalaw sa muselemum namin hindi na kataka-takang kung bakit ganito ka alikabok dito.

Nung matagal ko na yung alikabok dun, pinagmasdan ko yung picture.

Nakangiti sila dito at mukang sobrang saya habang magkayakap silang dalawa. I remember that time, it was taken nung time na inannouce samin ni Daddy na magkakaron na kami ng bagong kapatid ni Kuya. At sobrang saya namin nun. Nang pagmasdan ko yun, nakaramdam agad ako ng lungkot sa dibdib ko.

I miss them .. So much..

Pero ano pa bang magagawa ko? Hindi ba, ang tanggapin ang katotohanan na  Kahit ilang beses ko pang hilingin na ibalik sila samin, hindi na talaga pwede.

Ilang beses pa kong nagpakawala ng marahas na hangin, bago nagsalita ulit.

"Mommy, Daddy.. Maiintindihan niyo naman po kung, matatagalan na naman akong hindi makakadalaw dito hindi ba?" Masakit para sakin na sinasabi ko to sa harap ng mga magulang ko. Hindi ko to gusto pero may mga bagay talaga na kailangan ko munang bitawan at talikuran para tuluyan ko ng maayos yung sarili ko na nawasak ng mga pangyayari yun..

Napapikit ako ng mariin. This time, hindi ko na napigilang hindi pumatak yung luha ko.

"I decided to move forward. And forget everything happend here.. I realize.. i can never leave where I am right now until i decided to where I want to be.."

Napapikit ako ng mariin habang kagat kagat ko yung labi ko sa para mapigil yung sobrang emosyon na na gustong lumabas ngayon.

"And that is.. To be happy again.. Ayoko ng mabuhay sa nakaraan ko. Sana maintindihan niyo Daddy, Mommy. Mahal na mahal ko kayo."

Hinayaan ko na lang na pumatak ulit yung mga luhang akala ko noon ubus na..

Akala ko noon, hindi na tutulo ulit.. Pero kapag pala, nakaharap ka na ulit sa kanila.. Sa mga taong mahal mo, matitibag lahat ng pader na ginawa mo sa sarili mo..

Napaisip tuloy ako.. kailan ba ko huling umiyak? Hindi ko na matandaan.. Nakakapanibago parin pala..

For the past 6 years, I trained to control my emotions. Natutunan kong itago ang totoong nararamdaman ko sa mga taong nakapaligid sakin. Naisip ko kasi, hindi naman makakatulong kung magpapakita ako ng totoong nararamdaman ko.

Tama naman ako diba? Bakit kapag ba umiyak ka malulutas ba yung problema mo? Mawawala ba yan? Hindi diba! kaya for me, Crying is for the weak. At ayoko ng maging mahina ulit. Pinunasan ko ang luha ko at kinalma ang sarili ko. Good thing, after a few minutes naging okay na ulit yung pakiramdam ko. But still, para paring may batong nakadagan sa dibdib ko ngayon. Maybe.. Because of my final decision..

Lies Behind The LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon