16. The Biggest Revelations

3K 52 1
                                    

Hanggang ngayon, nakatulala ako sa natutulog sa tabi ko..

Si Alie..

Mahimbing na yung tulog niya, kanina lang kasi nagising siya bigla at mukang iiyak na siya pero na hinto ng makita niya ko at niyakap ako ng mahigpit. Kahit hindi ko maintindihan, niyakap ko narin siya pabalik..

Paulit ulit yung sinasabi niyang wag na kong aalis sa tabi niya.. At masakit sakin yun.. Nasasaktan ako, kapag nakikita kong umiiyak siya.. Kaya kahit ayaw ni Gabby, hindi muna ako aalis sa tabi ni Alie.. Babantayan ko muna siya..

Mahigpit parin yung pagkakahawak niya sa kamay ko. Pakiramdam ko, nga anytime na tanggalin ko yun magigising siya kaya hinayaan ko na lang, besides it feels good..

Yung pakiramdam na hawak ko yung kamay niya.. At ayaw ko na yung bitawan din.. Hanggat hindi pa ko siguradong ok na siya..

Buti na lang talaga nadala agad namin siya sa Hospital ni Rico.. Kasi kung hindi, hindi ko na alam yung gagawin ko ngayon.. Nalaman ko rin na si Jacob yung Doctor ni Aliyah, nagkagulatan pa kaming dalawa dahil sa totoo lang pagkatapos ng nangyari samin ni Gabby noon, wala na kong nabalitaan pa sa kanila nila Olivia..

Nagpasalamat siya sakin at naibalik ko si Aliyah dahil nag uundergo pa siya ng Chemotherapy kaya pala.. Hinang hina siya kanina..

Napatingin ako kay Alie.. Kahit na nakapikit siya bakas sa muka niya yung hirap, pagod at the same time natatakpan yun ng masaya niyang expression..

Ang batang to..

Tumakas siya sa hospital kanina, para lang pumunta sa Mall at hanapin ako..

Kahit na imposibleng makita niya ko dun.. She still stand..pumunta parin siya..

Bakit?

Ang daming BAKIT yung nasa isip ko ngayon!

Bakit ganun?

Bakit ginawa ni Aliyah yun kahit na sinaktan ko na siya kahapon ng itulak ko siya para makawala ako sa pagkakayakap niya..

Bakit ganito tong nararamdaman ko para sa kaniya? Bakit kahit na sinabi na sakin nila Jacob na maayos na si Aliyah hindi ko parin magawang mapanatag? Bakit bawat oras, kinakakaban ako at nag-aalala sa lagay niya?

Bakit ba nararamdaman ko to sa batang anak pa ng lalaking minahal ko noon?..

At Bakit ako parin yung tinatawag niyang Mommy? Bakit ako parin yung hinahanap niya, gayong nasabi ko na naman na sa kaniya  kahapon na hindi ako yun..

Hindi parin ba sinasabi sa kaniya ni Gabby ang lahat? Pero bakit naman niya gagawin yun?

Suddenly, i felt angry to him.. For doing this to his own child.

He's so unfair! Paano niya nagagawa pang ipagpatuloy yung kasinungalingan niya sa batang may sakit na, at sa sarili niya pang anak?!

"Ate.. We have to go.."napalingon ako kay, Rico na nakasandal sa pintuan at tinitignan ako ng may sakit sa mga mata niya. Alam ko.. Nasasaktan na naman siyamg nakikita akong nagkakaganito na naman.. Hindi ko yun gusto..Pero .. Pero anong magagawa ko? Hindi ko mapigilang hindi masaktan at maawa para kay Aliyah.. Umaasa kasi siya sa wala eh .. Kahit gustuhin ko mang, ako nalang.. AKO NA LANG yung maging Mommy niya para maging masaya siya.. Hindi parin pwede..

Hindi parin pwedeng mangyari yun.. Lalo na ngayon.. Na may balak akong ioopen ang kaso dati ni Daddy. Alam kong lalong magagalit ang pamilya ng mga Monte Falcon..

Magagalit siya ng husto...

Kaya hindi talaga pwede..

Napapikit ako ng mariin. Narinig ko namang nagpakawala ng marahas na hangin si Rico at lumakad papunta sakin. Nang nasa tapat ko na siya, huminto siya.

Lies Behind The LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon