1. The Decision

5.6K 83 2
                                    

"Mama, 5th birthday na namin ni Curt sa Friday. Punta ka ahh.. Miss ka na namin eh.."

I froze when I heard that to her. In a split of a seconds hindi ako agad nakasagot sa kaniya. Pakiramdam ko huminto yung mundo ko sa sinabi niya. How can I react in this situation? Si Cassie, gusto niya kong pabalikin sa lugar na matagal ko ng tinalikuran at pilit na kinakalimutan.

Nakita kong dinampot niya yung tablet at inilapit pa sa muka niya yung camera kaya naman kitang kita ko yung pagpapacute na ginagawa niya sakin ngayon para makombinsi lang ako na umuwi at makasama sila ni Curt sa birthday nila.

"Mama, sige na.. Punta ka na dito. Miss na miss ka na namin ni Curt eh.. Pleeeeeassseee..."this time she give the puppy eyes look again dahilan para mapatawa ako ng marahan. Manang mana talaga siya sa Daddy niya.

"Hay nakuuuuu! Ikaw talaga, Cassie. Kinukulit mo na naman ang mama mo. Hindi ba pinag usapan na natin to, baby?"narinig ko yung boses ni Andrew na papalapit. Hindi nga ako nagkamali ng hinala, dahil nakita kong tumabi siya sa sofa na kinauupuan ni Cassie ngayon habang karga karga si Clarice na 6 months old palang.

Kitang kita ko kung pano, halikan ng buong pagmamahal ni Andrew si Cassie sa noo. Napangiti na lang ako habang pinapanood sila. Lalo pa kong napangiti nung walang tigil na inaalog alog ni Cassie ang Daddy niya sa balikat para lang mapagbigyan siya sa hiling niya.

"Daddy, I want mama sa birthday namin ni Curt. Convince mo naman si mama, Daddy. Pleeeassseee.. Promise, kahit walang gift basta nandun si mama. Ok na po yun. Para complete na tayo. Sige naaaaaaa.."

"Cassie, baby.. Pinag-usapan na natin to diba?"

"But, Daddy..."then she stop. Lumungkot yung expression niya tapos nagpout. "Ok po. I understand naman.. Sige po, pupuntahan ko na lang si Alie sa room niya. Bye, Mama. I miss you.."then she stood up. Nakayuko siya at talagang nawalan siya ng energy.

Bigla naman akong nakaramdam ng guilty. Hindi ako sanay na malungkot si Cassie. Hindi ko kayang ako pa yung maging dahilan kung bakit malungkot siya ngayon. Kaya naman nakapag decide na ko. Humugot muna ako ng hangin bago ako nag salita.

"Cassie, don't be sad baby. Mama be there in yours and Curts birthday."

Nakita kong napahinto siya sa paglalakad tapos walang sabi sabing lumingon siya sakin at nanlalaki ang mga mata niyang bumungad sakin.

"Really, Mama? Y-your going here na?"tignan mo tong batang to, kanina pilit ng pilit sakin tapos ngayon naman na pumayag na ko, ayaw pang maniwala. Napailing na lang ako.

"Opo. Pupunta ako dyan. Promise hinding hindi mawawala si Mama sa birthday ninyong dalawa ni Curt. Mga Angel ko kaya kayo."pagkatapos ko yung sabihin bigla naman siyang nafull tank at nagtatalon na sinamahan niya pa ng palakpak. Bata nga talaga..

"Yehey!!! pupunta si Mama sa birthday namin! Thank you mama. We always love you. And I love you so much!"napangiti ako sa sinabi ni Cassie. Isa to sa mga pinaka gusto ko sa kaniya. Masyado siyang vocal sa nararamdaman niya pero sweet siyang bata. Hindi niya nakakalimutang mag thank you, isa yung sa mga tinuro namin sa kanila. At masaya ako dahil hindi parin nila yun nakakalimutan.

"Mas mahal ko kayo. Kaya nga hindi ko kayo matiis eh."

"Thank you, Mama."

"Oh sige na,puntahan mo na yung pinsan mo. Baka kanina ka pa niya hinihintay."

"Opo, bye mama.. I love youuuu!!!"

Napailing na lang ako habang natatawang pinagmasdan si Cassie na tumatalong talong pa at kumakanta ng happy birthday song habang papunta sa isang kwarto. Nakita ko pa yung pagsara nung pinto.

Lies Behind The LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon