24. Whos RV?

3.9K 53 2
                                    

24. Whos RV?

I was standing in front of the whole body mirror. Suot ko na ang gown ko tapos na lahat, hinihintay ko na lang yung susundo sa amin dito ni Jowell ang make up artist na nag ayos sakin.

"Sa lahat ng inayusan ko sa kasal nila, ikaw ata ang nakita kong hindi masaya..Ma'am Aileen."napatingin ako kay Jowell sa salamin. Nakita kong nakatingin siya sakin at mababasa sa mga mata niya yung simpatya para sakin..

Ngumiti lang ako ng tipid, tapos iniwas ko na agad yung tingin ko..

Tama kasi siya..

Ikakasal na ko ngayon..

Ito na yung araw na..

Ikakasal na ko sa lalaking mahal na mahal ko..

Pero kahit ata anong pilit ang gawin ko..

Hindi ko magawang mag saya..

Knowing na may mga tao nasasaktan dahil sakin..

Hindi ko kaya..

I sigh..

"Masama bang maging kaligayahan, ang dahilan nang kalungkutan ng iba?"wala sa sariling tanong ko sa sarili ko.

"Depende.. Kung magiging masaya ka talaga."nanlaki bigla yung mata ko nung narinig ko siyang sumagot sa tabi ko.

Na..Na sabi ko ba yun ng malakas?

Ngumiti siya sakin, this time nagtaka ako kasi kahit ata may makapal na Lipstick siya parang hindi siya bading kung umasta ngayon at sumagot sa harapan ko. Parang bigla siyang naging lalaki sa paningin ko o talagang guniguni ko lang yun..

Imposible kasi yun..

"Minsan talaga, kailangan nating makasakit ng ibang tao para sa kaligayahan natin. Pero depende parin yun.."huminto siya tapos kumalumbaba sa table habang tinitignan niya rin ako sa salamin. The He sighed."Kung yung taong na makakasama mo masaya rin kasama ka at hindi ka iiwan.. Kasi kung hindi, para ka lang pumulot ng Martilyo na ipopokpok sa ulo mo. Kutsilyo na isasaksak sa dibdib mo. At higit sa lahat.. Para kang tumalon sa dagat para malulunod sa sarili mong luha.."Inaamin ko.. Tinamaan ako sa lahat ng sinabi niya sakin.

Lalo na..

Lalo na ng maalala ko ang nangyari kagabi..

"Gabby? Gabby?"bigla akong nataranta at napabalikwas ng bangon sa kama ng mamalayan kong wala na si Gabby sa tabi ko. Nandito kaming dalawa ngayon sa Villa nila. Dito na niya ko inuwi simula ng makalabas ako ng hospital para maalagaan niya ko ng husto.

Tinignan ko yung buong kwarto niya, Wala siya.

Nasan siya?

I..Iniwan na ba niya ko?

"G-Gabby.."ang isipin na iniwan na niya ko ngayon hindi ko na napigilan pa hindi maiyak..

H-hindi ko kayang mawala sakin si Gabby..

I love him so much..

Lies Behind The LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon