10. Mommy?

2.5K 42 0
                                    

"Ate, ilalagay ko muna tong mga pinamili natin kay Spider. Dito ka lang ok? Babalikan kita."paalam niya,tumango lang ako sa kaniya tapos napangiti ako nung kiniss niya ko sa forehead, then tuluyan na siyang tumalikod sakin at tinungo ang daan papuntang parking area.

Siya si Rico, ang pinsan ko. Nag-iisang anak siya ni Uncle Rey, pero halos kasama na namin siyang lumaki ni Kuya kaya naging malapit siya saming dalawa at itinuring na rin na kapatid. Nalaman ko kasi na nandito rin siya sa Baguio kaya nagpaalam muna ako kay Patrice na makikipagkita sa pinsan ko. Matagal ko na rin kasi siyang hindi nakikita at miss na miss ko narin siya. Istokwa kasi tong batang to, lumayas sa kanila dahil lagi silang nag aaway mag ama.

Ang totoo, hindi ko maiintindihan si Uncle Rey, kung bakit ganun yung trato niya kay Rico. Samantalang nag-iisang anak lang naman niya si Rico. Ewan, para kasing hindi niya anak kung ituring kaya nga kahit papano, naiintindihan ko kung bakit lumayas siya.

Napatingin ako sa wrist watch ko. Ganun na lang yung panlalaki ng mata ko nung nakita ko kung anong oras na. It's been 3pm. Meaning halos 3 hours din pala kami nag libot sa loob ng mall?!

Ang totoo, kakatapos lang naming mamili. Kaya nandito na kami sa labas. Tapos nagdecide siya na maghintay na lang ako dito sa labas ng mall at dadaanan na lang niya ako, ayaw niya daw kasi akong mapagod. Ang sweet ng pinsan ko noh.. I just guinely smile at him.

Sinundan ko lang siya ng tingin. Hindi ko alam kung matatawa, maaawa o maiinis  ako sa kaniya  nung makita kong halos hirap na hirap na siya sa paglalakad habang bitbit-bit lahat ng mga pinamili namin.  Helooooo?! Ang dami kaya nun at hindi rin biro yung laman ng ilang mga kahon ng grocery.

Tch.. Sabi ko naman kasing ako na magdadala ng iba eh.. Ayaw pa! Ayan magdusa ka.

But seriously? Ganyan nila ako ituring ni kuya .. They always cared about me. They always treat me as if I was a diamond na kapag nabitawan mababasag. Takot silang masaktan o masugutan ako. Minsan nga naalala ko noong hinayaan nila akong mag isa sa pag sho'shoping na aksidenteng naatrasan ako ng isang kotche kaya sa huli ang bagsak ko, hospital. Galit na galit noon silang dalawa kulang na nga lang sugurin nila yung nakasagasa sa akin kahit na hindi naman sinasadya nung tao. Kung hindi ko lang talaga sila nakunbinsi noon na wag na nilang ipakulong yung tao kasi Mabait naman siya at hindi ako hinayaan duon, siya pa nga ang nagdala sakin sa hospital. Yun ang simula kaya hindi na nila ako hinayaang mag-isa sa mga lakad na ginagawa ko noon.

Napailing na lang ako ng mawala na siya sa paningin ko. I decided na hintayin na lang siya at wag ng mag isip pa ng kung ano anong bagay. Nasa ganung pag iisip ako nung mapalingon ako sa tabi ko. Hindi ko sana papansinin yung nakita ko pero
masyadong maingay yung security guard.

"Hoy bata, alam mo bang hindi pwedeng umupo dyan?"rinig sabi nung guard na nakatalikod. Pero ano daw? Bata? Then naglanding yung paningin ko pababa at doon ko nakita yung batang babae na prenteng nakaupo sa sahig at kumakain pa ng oreos. Humangad yung bata sa guard.

"I know."

"Oh ayun naman pala eh. Hala . tayo dyan. At baka kung mapano ka pa , kasalanan ko na naman."pero parang walang narinig yung bata basta pinagpatuloy lang niya yung pagkain ng oreos tapos natawa ako nung nakuha pa niyang uminom ng chuckie. Mukang wala talaga siyang pakielam sa guard kahit na pinapagalitan na siya.

"Hoy bata, nakikinig ka ba?"this time nakita ko ng tinapik nung guard yung balikat niya. Lalo namang namula yung lalaki dahil sa sobrang pagka pikon sa bata kasi halatang walang pakielam sa pinagsasabi niya.

Biglang kumulo yung dugo ko nung makita kong inagaw nung guard yung kinakain ng bata kaya kitang kita ko na mangiyak-ngiyak na yung bata.

"Give me back my oreos!"sigaw nung bata sa guard pero bweset lang na guard na to lalo pang itinaas yung pagkain ng bata ka napatayu na siya para abutin yung pagkain niya kaso nga lang kahit anong pag talon hindi niya yun makukuha dahil maliit pa siya matangkad naman yung guard.

Lies Behind The LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon