9. Questioned

2.3K 41 0
                                    

Damn!

Nanigas ang buong katawan ko nang makarinig ako ng pamilyar na boses. Pakiramdam ko lumaki ang ulo ko at nanliit yung pandinig ko sa sobrang pamilyar na kilabot ang gumagapang sa buong sistema ko.

Pinalibot ko ang mata ko para malaman kung nasaan ako ngayon. At pakiramdam ko tumigil ang pagtibok ng puso ko nang makonpirma ko kung nasaan ako ngayon.

T--this place is...

-----, ano bang nangyayari?

Napalingon ako sa isang BMW Van na nasa kanang harapan ko, nang marinig ko ang halos magkasabay na sigaw ng isang babae at may edad na lalaki pero hindi ko narinig yung unang nilang sinabi. Parang bigla lang silang nawalan ng boses tapos nagkaron na lang ulit ng boses nung bandang huli na.

Damn it! may gagong driver kasing humarang satin oh. ayaw pang umalis.

Rinig kong sagot nung unang boses na narinig ko kanina tapos nakarinig ako ng busina mula sa van na tinititigan ko. Napatingin naman ako sa unahan nila at nakita kong may isang Van nga na itim ang nakahinto sa tapat nila. Talagang mahahalata mong sinadya yung pagharang sa kanila.

Napakunot ako ng noo. B--bakit parang pamilyar to sakin? B---bakit parang nangyari na to sakin at alam ko na ang susunod na mangyayari..

Nahigit ko ang paghinga ko sa sumunod na nangyari.. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.. Para akong nastatwa. Para akong binuhusan ng malamig na yelo ng unti unting marealize ko ang mga nangyayare.

Sabay-sabay na bumaba sa van na itim yung apat na lalaking nakasuot ng black bonnet na ang tanging nakikita lang ay yung mga mata at bibig nila. Parang may humatak sa pangin ko papunta sa mga kamay nila.. At ganun na lang ang panlalaki ng mata ko nang makita kung ano yung bagay na hawak hawak nila..

B-----baril..

H-----hindi.. Hindi!

Unti unti akong napailing.. Pakiramdam ko, bumalik na namàñ lahat ng sakit na naramdaman ko ng mga panahong yun.. Yung sakit nang nakita ko ang isa isang pagkawala ng mga taong mahal ko..Naramdaman ko ring pumapatak na ang luha ko sa pisngi ko dahil sa nangyayari..

This scene.. T----this scene is how my parent's and Grandfather's died..

Jaime!

Ssssh.. Everything will be alrigth.

Nakita kong niyakap ni Dad si Mom na nag uumipisa ng umiyak ng malakas, maging ang panginginig niya kitang kita ko sa sobrang takot.

Umalingawngaw sa buong paligid ang tatlong putok ng baril nung nakita ng apat na lalaki ang ginawang pag atras ng driver namin ng kotche. Pero lalo lang nag payanig ng pagkatao ko yun.. Parang naging slow motion yung nangyayare sa paligid ko ..

Rinig na rinig ko yung iyakan namin ni Jake sa loob ng Van pati ang pag iyak ni Mom ng malakas. And hearing that again..is killing me all over again.

B----bakit.. unti unti akong lumakad palapit sa kanila. Kahit parang winawasak ang puso ko sa nakikita ko. Gusto kong tumakbo, para matulungan sila. Pe---pero hindi ko magawa.. Ang alam ko lang, patuloy lang ang pagpatak ng luha ko.

Walang mangyayari okay!

Assurance ni Dad kay Mom. Tapos binalingang niya kami ni ay Jake.

Lies Behind The LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon