25. Truth Behind The Lies(Part II- The Other half )

3.4K 47 2
                                    

25. Truth Behind The Lies(Part II-The Other Half)

Paano nga pala ako nakapunta dito..

Hindi ako nakidnap..

Kanina kasi..

Habang papunta ako ng Garden nila Ate Patrice, nahagip ng mata ko sina Cassie at Alie na nasa labas ng gate at nakikipag usap sa dalawang lalaking nakaitim.

Nakita kong nag-uusap sila, pero hindi ko naman yun maintindihan.

Ang mas ikinabundol ng kaba ko nung nakita kong kinarga nung dalawang lalaki yung dalawa kong pamangkin.

Nung una..

Iniisip ko pa kung isa ba sila sa mga taong magbabantay sa amin..

Pero..

Nung nakita kong isinakay nila sila Aliyah..

Doon na ko kinutuban..

Since wala rin namang tao sa garden. Nagderederetcho na kong lumabas ng gate para sundan yung van na sinasakyan ng mga pamangkin ko..

Hindi ko alam kung nakakahalata ba yung nagd'drive na sinusundan ko sila, kasi paliko liko siya. Pero nung huminto na siya..

Nagtaka pa ko dahil sa tapat sila ng isang clinic huminto..

And that's the story kung paano ako nakarating dito ngayon..

Gusto kong sigaw yung babae na yun sa ginawa niyang pagtulak sakin dito sa loob ng blinder!

Nakakainis!

Hindi niya ba alam na NO ONE HAS A RIGHTS TO DO THAT TO ME?!

I am Phoebe Monte Falcon, Dela Rama!

I am the Princess of Señoritos!

Tapos ginanito niya lang ako!

Nakakaasar!

Akala mo kung sino?! If I know, tinatakot niya lang talaga ako para sumunod sa kaniya! Sa umpisa mabait siya! Sasabihin niyang kakampi namin siya, pero ang totoo.. Hindi naman talaga!

Alam kong bitag niya lang to..

So I need to think faster bago niya kami maisumbong!

But I stop..

Nung nakarinig ako ng sigaw..

"Hayop ka! Ang kapal-kapal ng muka mo! Nag-anak ka pa sa Ibang Babae! Pano mo yun nagawa sa Mama ko?! Napakabait ng Mama ko para ganituhin mo lang siya!"

T-Teka..

Yung boses na yun..

Parang yung boses nung babae yun kanina..

"Hayop ka!" Tama! Siya nga pero bat..

"HayopK--"Napatakip ako ng bibig nung narinig ko yun tunog ng sampal. Hindi ako pwedeng magkamali dun..

Alam kong sampal yun..

Ano bang nangyayari?

Out of curiousity..

Hindi ko na napigilan pang sumilip sa butas ng blinder. Nung una hindi ko mahanap kung nasaan yung babaeng tumulak sakin dito sa loob, pero hindi rin naman nag tagal nahanap ko rin. Nasa harapan siya nung lalaking nakatalikod sakin. At hindi naman ako slow para hindi ko magets kung anong relasyon nila sa isa't-isa dahil kahit hindi ko na alamin pa, may palagay akong mag-ama nga sila.

Pero king mag ama nga sila..

Bakit ganun?

Bakit----

Lies Behind The LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon