"Hoy! Tama na yan!!!!" Boses ng babae yun, napatigil ang lahat sa sigaw nung babae.
Tinulak tulak niya yung iba para makalapit sa nangyayari. At nung nakalapit na siya, nanglaki ang mga mata ko sa nakita ko.
"Jazz!!!??" Pasigaw nyang tanong. Dito pala pumapasok si Chloe? Di ako nakahinga sa pagtingin niya sakin ng ganon.
"Kilala mo siya?" Tanong nung lalaking tumulak sa akin.
"Oo Clavis eh! Nakita ko tinulak mo siya!" Clavis pala ang pangalan niya. "Kaibigan ko si Jazz (sabay turo sa akin) Hindi ako makapaniwala na dito din siya mag aaral dahil may ibang patakaran ang school na to. Pero I think may reason ang principal kung bakit siya nakapasok dito kaya wala kayong karapatan na ganituhin niyo siya!! Bago lang siya dito! Kung gusto niyong marespeto, respetuhin niyo din siya!" Dagdag na paliwanag ni Chloe.
"Guys? Tara na!" Paanyaya nung Clavis. Leader ata siya ng buong school? Di ko din alam eh.
Nag alisan na sila... Itinayo naman ako ni Chloe. "Pagpasensiyahan mo na ha? Ganon lang talaga sila kahigpit sa isang rule ng school dito." Tumungo na lang ako...
"Eto oh, nakita ko sa may side walk alam kong sayo to dahil sa itsura. Hinahanap kita para ibigay to pero wala ka kaya dumiretso na lang ako dito at ayun nandito ka pala." Inabot niya sa akin ang note pad ko. Hay! Salamat! Akala ko wala na ang note pad ko. Im lucky si Chloe pa ang nakakita.
"Kung hindi kita nakita ngayon, baka natanggap mo pa yan mamayang gabi sa cafe hehe" dagdag niya. Nagsulat naman ako...
"Thank you so much" ipinakita ko sa kanya. "Ano ka ba! Wala yun! Oo nga pala hindi na kita masyadong napapansin dun sa cafe kasi focus ako sa performance" sabay pout niya.
"It's okay. Naiintindihan ko naman" nag ngitian kami sa isa't isa.
"Who's Clavis pala?" Ipinakita ko sa kanya kaya nagsimula na siyang magkwento habang naglalakad sa corridor papuntang room. "Ah si Clavis? Hari harian dito sa school yon. Mataas siya dito dahil varsity siya kaya ganon. Ow! Classmate ba kita?" Pumunta kami sa may bulletin board kung saan naandon ang mga sections at name kung no ang section nila. Yes! Magkaklase nga kami. "So, tara na?" Tanong niya and nag okay sign ako. Sabay kaming pumasok sa room namin. Maaga pa naman pala, hindi pa nagtuturo yung teacher namin. Halatang may hinihintay pa siyang ibang studyante.
•••
After 30 minutes, nagsimula na ang klase namin. Sabi ni Chloe, halos lahat dito eh mga bago. Saktong sakto naman na sinabi din ng teacher namin yung sinabi ni Chloe.
"Let us introduce ourselves, sisimulan ko na. Im Mr. Ron, adviser nyong mga grade 11 students. Next! Chloe, tutal you are loyal sa school na to, magpakilala ka na dito sa harapan." Nagpakilala na si Chloe. Nagpakilala na din yung iba.
"You? Mr.?" Tinatawag na ako. Go Jazz, you can do it." Bulong ni Chloe. Magkatabi kami sa upuan eh kaya mas lalo kong nakikita ang face nya lalo na yung mata niya na may sparks.
"I'm Jazzper Young ..." Nagsusulat pa lang ako nang biglang nagsalita si Sir Ron. "Teka, ano yan?" Tanong niya. "Mr. Ron, mute po si Jazz." Si Chloe na ang sumagot kaya thanks Chloe! ^^. Buti na lamang di ko classmates yung mga babae kanina baka mabully nanaman ako. "Wait! akala ko ba, isa sa rules..." Nakakunot ang noo ni Sir Ron, pero biglang nag ring bell. "Class, fall in line. Nag bell during class hour so it means nagpapatawag ng meeting ang Principal." Pumila na din ako, naconfuse naman si Sir kasi first day dapat klase lang pero nagpameeting ng students ang principal, yun yung mga narinig ko na sinasabi niya.
Ano kaya ang mangyayari sa meeting?
Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.
Nakapasok na kaming lahat sa loob ng meeting room. Umupo na ako at pinagmasdan ang mga nakaupo sa stage. Katabi ko ulit si Chloe. :)
"Wiiiit!" Napalingon si Chloe sa likod. Lumingon din ako ng konti.
•••
(Fletch' POV)
First day of school? Nagpapatawag ng meeting? Imba! Sad. Di namin kasama si Chloe sa section namin. Siya lang yung napahiwalay sa amin. Pero wait...
Si Chloe ba yun? At Si JAZZ!?! sipol nga ako :D . Yun kasi tawagan namin.
"Wiiiit!" Napatingin sakin sina Mitch, Reym at Marian. Sabay turo ko sa dalawang magkatabi. "Si Chloe at si Jazz!?!" Tanong ni Reym. Ayun lumingon na samin si Chloe.
Inasar na namin siya. "Ano ba!?!" Pabulong na sinabi ni Chloe. Medyo malapit lang kami sa kanila kaya dinig namin. Haha namumula na siya haha, sarap tingnan ng babaeng to lalo na pag inlove.
Pero, bakit nga ba andito si Jazz? Isa sa rules yun eh O__o .
"Students from all levels. Again, I am Mr. Johann Young, the principal of this school. Nagpatawag ako ng meeting dahil sa isang studyante na lumipat dito. I know madami nang nagtataka dito. But may I call Jazzper Young, para pumunta dito sa harapan." Sermon ni Principal. Teka.... Mukang alam ko na ang mangyayari.
Kita naming lahat na parang gulat na gulat si Jazz, pati si Chloe affected hahaha laughtrip talaga tong si Chloe!
"He is from South at bagong lipat siya dito. He is mute, but may power siya dito dahil pamangkin ko siya. Hindi ako bias o kung ano man. Tanggapin natin siya dito, dahil gusto ko siyang matuto din katulad niyo. Ang rule na ipinatupad ko about sa may mga kapansanan ay wag nyo nang isipin pa. Maging fair tayo sa isa't isa. Okay ba tayo? Naintindihan niyo ba?" Sermon ulit ni Principal. Woah! Ganon na lang ang pagkagulat ng lahat.
"Jazzper..." Tiningnan ni Mr. Young si Jazz. Nag bow si Jazz. Kaming lahat ay nagsitayo at nag bow din.
O____O
Ganon na lang talaga! Natapos na ang meeting at gulat na gulat pa din ang lahat.
Nagpatuloy na kami sa aming klase. Haaaaay!! Kamusta na kaya ang buhay ng Chloe at Jazz?
[Hi Guys! Thanks ulit sa Pagbabasa at pag vote :D]