EPILOGUE - Last Part

Start from the beginning
                                    

Sa lakas at medyo lamig ng hangin ay bigla nalang bumigat ang talukap ng mga mata ko at hindi ko napigilan ang pagtulog. Nagising lang ako na may tumutusok sa pisngi ko. Hindi naman masakit iyong pagtusok ng kung sino man ito pero sapat na iyon para mapadilat ako at mapatingin sa salarin. I saw a baby girl, probably between four to five years old.. and I know this baby girl.

Magsasalita na sana ako para kausapin si baby Kei nung nakarinig ako ng mga pamilyar na boses na hinahanap na ang batang cute na nasa tabi ko. "Keyla!! Kei nasaan ka!?" I heard K's voice.

"Love, baka naman nandyan lang sa tabi iyong anak natin." I heard my cousin this time. Tunog pilyo. Sa pitong taon na hindi kami nagkita, ganyan pa rin siya kaya minsan nagkakairingan pa rin sila ni Akeyla eh.

Nakarinig pa ako ng mga ingay galing sa dalawang nag-aaway na malamang, pero biglang nahinto rin sila. "Mommy, daddy, there she is. May kasama siya." I saw a boy same age as this girl and they also have same features hindi mo maipagkakaila na magkapatid sila, twins at that. Si George. Nakita ko na ang anino ng dalawang tao na papalapit sa amin hanggang sa nasa harapan na sila.

"Keyla! What are you doing here? Di ba sabi ko wag kang lalayo sa kuya Geo mo?" Medyo malumanay na ani K. Hindi pa nila ako nakikita malamang kasi nakaharang si Keyla sa akin.

"Mom, I saw a woman who looks just like my auntie in states--" saktong pagharap ni Kei sa kanila ay nakita na nila ako. Nanlalaking mga mata at medyo nakaawang na mga labi ang sinalubong ni Gello at K sa akin. Tiningnan ko lang sila ng mariin iyong tipong nangangamusta ako sa pamamagitan ng pagtitig. Unti-unti silang lumalapit sa akin like I'm some kind of another creature from another planet.

Seriously. "Ganyan niyo sasalubungin ang nagbabalik? Like seriously." I rolled my eyes.

"KAI/MARIEN!!" Sabay na tawag nilang dalawa sabay lumapit at niyakap ako ni K. I missed her and she looks different now than before. Maybe because she has her own family right now like me. Sunod na niyakap ako ay ang magaling kong pinsan. Nagbago na rin siya, physically lumaki na ang katawan niya at naka light blue long-sleeves siya na nakatupi ang dulo nito hanggang siko niya at black slacks and black shoes. He looks like a family man to me now. Si K naman ay naka-simpleng flower-printed dress na sleeveless at naka-sandals. Simpleng ayos pero napapaangat ang ganda niya kahit na nga dalawa na ang anak nila at kambal pa.

Pagkatapos ng mahabang yakapan ay naupo na rin sila katabi ko. "Ang aga mo yata dito Kai?" Tanong ni K habang inaayusan ang buhok ng anak niyang babae.

Ngumisi lang ako. Alam na alam na nila kung anong ibig-sabihin niyan. At nakita kong napapailing si Gello na mukhang may idea sa ngisi ko. "Kailan pa kayo nakauwi? You didn't even informed me of your arrival edi sana sinundo ko kayo. Tsk, humanda sa 'kin si Jerry hindi man lang nagsabi."

"Don't say anything to kuya Jerry, ako ang nagpasabi na wag na munang ipaalam sa inyo ang dating namin para may element of surprise kapag nagkita-kita. Like today, I surprised you." Pagak akong tumawa.

"Maayos ka na ba talaga Marien?" Seryoso biglang tanong ni K. Tumango ako at masaya pang nag-double thumbs up para ramdam na ramdam nilang ayos na ako. Hindi ko tuloy alam kung anong mararamdaman ko kapag nagsidatingan pa ang ibang mga kaibigan ko at paulit-ulit na tatanungin ako sa kalagayan ko. Maiinis ba ako o matutuwa nalang kasi nag-aalala lang sila?

Lets see later.

Nagpaalam muna si K para ihatid ang mga anak nila sa sasakyan na ipinadala ng family niya para mabantayan muna doon ang dalawang anak nila. I am all alone with my cousin and seeing him with the eyes full of emotions and something I can't name, alam kong  balak niya talagang magpaiwan kasama ko.

Ghost Detective! (COMPLETED)Where stories live. Discover now