Chapter 72: (Before what happened:2)

3.9K 122 4
                                    

O, eto na ang update. As requested by my 'makukulet' but definitely cute readers! (Wihi~ nangiti yan.. Hehe)

Anyways, last na naman itong 'flashback chapter' para lang malinawan tayo kung ano ba talagang nangyari, bakit nalaman at paano nalaman ni Laira ang tungkol sa ability ni Kayla na sadly hindi niya pinaniwalaan kaya napasama ang ating bida. Basta ayoko na magsalita ng matagal, basahin niyo nalang! 😂😂👍🏻👍🏻👍

****

(Before What happened-Part 2)

LAIRA

"G." Tawag ko sa taong kausap ko sa phone. My 'mystery friend' kasi walang nakakaalam na magkaibigan kami.. walang dapat makaalam kundi masisira ang plano ko.

'G' short for Geo. yes, si Geo na cousin ng babaeng Kayla na iyon na tulay ko para makapaghiganti kay Rodney. He loves her and I don't like it.

Ayoko ngang maging masaya si Rodney. Dapat hangga't nabubuhay ako, hindi siya makaramdam ng happiness. He robbed my happiness when he let my sister died, then I'll also rob his happiness. Lahat ng makapagpapasaya sa kanya kukunin ko.

Nasa kwarto ako at nagpapahinga lang nung biglang nag-ring ang phone ko kaya sinagot ko na agad and G spoke.

"Ba't napatawag ka?" I asked.

I heard him sighed on the other line. Iyong paghinga na parang problemado.

"L.. pwede ba tayong magkita?"

"Sige, bukas--"

"I mean, ngayon na." Nagtataka na inilayo ko sa tenga ang phone at nagtataka akong tiningnan iyon, na parang si G ang kaharap ko.

"Ganyan yan kaimportante? Para namang hindi tayo magkikita bukas--"

"Because it is! Hindi na ito pwedeng patagalin pa. This has to stop." Although pabulong iyong huling sinabi niya, narinig ko naman iyon. Again, nagtaka na naman ako sa boses niya at sa urgency nun. "L.. please."

I sighed heavily. "Oo na, saan ba? Wait, pumunta ka nalang sa playground malapit dito sa bahay namin, hintayin mo ko don"

"Okay, salamat. Aalis na ko dito. Ingat ka, L." He said and the next thing I know, he hanged up the call.

Agad na akong nagbihis since I took a bath kanina kaya pinalitan ko nalang iyong pink silky pajamas ko ng isang black tshirt and a maong short na hindi naman ganun ka-ikli. Nagdala na rin ako ng jacket na pink. In case na malamig since gabi na.

Pagbaba ko sa salas ay sakto namang labas ni kuya Liam sa kitchen at may dalang bowl ng veggie salad. Tiningnan niya iyong ayos ko at nakakunot noo na ibinalik ang tingin sa akin.

"Where are you going, at this time?" Ginagamitan niya na naman ako ng 'overprotective kuya' voice niya and I love it when he's being strict and all. It made me think that I still have my brother with me.

Na may kapatid pa akong mahal ako. Na mat tao pang nagke-care sa akin. Not like my parents... nevermind.

"Sa labas lang kuya, magkikita kami ni G." Hindi niya kilala si G. Like I told you earlier, walang nakakakilala sa kanya.

Napapalatak si Kuya. "Yang G na naman na yan... sino ba kasi iyan? Kahit kailan hindi mo siya pinakilala sakin."

I walk towards my kuya and I hugged him and kiss his cheeks. Naglalambing ako. "Kuya wag na magalit, pumapangit ka eh."

Ghost Detective! (COMPLETED)Where stories live. Discover now