Chapter 34 [Part 1]

5.4K 153 4
                                    

KAYLA

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin nitong isang 'to for our first date pero may tiwala naman ako sa kanya na sa maayos nya ako dadalhin since this is our first date. Paulit-ulit ba yung first date? Hahaha.

Ang sarap maging masaya.. sure I am contented in my life before, pero contented lang. Kulang pa rin. Hindi naman sa sinasabi kong hindi ako masaya na si Leira ang first friend ko dahil yun ang sinasabi kong 'contented' na part sa buhay ko. Si Leira. Hindi ko nga ma-imagine kung mawawala si Leira sa akin. Kahit na ghost lang siya, gusto ko siyang magstay lagi kasama ko.

"Hey babe ang lalim ata ng iniisip mo jan?" Nginitian ko siya.

"Wala lang 'to. Bakit ba?"

"Nandito na tayo kanina pa, hinihintay lang kitang matapos sa iniisip mo.. Haha"

Natawa ako sa sinabi niya pero lumabas na rin naman kami ng sasakyan niya at doon ko napansin kung nasaan kami... sa isang amusement park.

I smiled really wide when I saw the rides, even the food stands and benches.. ang ganda!! "Wow..."

"Tsk, parang bata naman..--a-aray, hindi na nga sabi eh wag na mangungurot!" Hinahawakan niya yung kinurot kong pisngi habang ako naman hindi ko na siya pinansin at naglakad na ako pauna sa kanya. "Wait up babe!"

"Psh. Don't call me names, hindi pa tayo." Pinagtinginan kasi kami dahil sa sigaw niya eh. Kakahiya!

"Sus malapit na yan.. I can feel it in my heart.. may PA eh.. hahaha. ----habol babe, c'mon!"

Nagtakbuhan, kulitan, sumakay ng rides at kumain lang ang ginawa namin sa first date namin at masaya na ako sa ganun.

At tama siya sa sinabi niya kanina... malapit ko na nga siyang sagutin, since I'm already there.. the love I feel is there already.

****

BERRY

Pagkaiwan ko sa kanila ay dumiretso na ako sa meeting place namin ng 'date' ko. OO may date ako at kung kanino? Yan ay malalaman niyo... later.

Konting tiis guys! Hehehe~

Pagkarating ko ay hindi muna ako nagpakita sa kanya at tinignan ko siya from behind a tree. Ang seryoso ng hitsura niya at parang nase-sense ko na rin yung konting inip at pagkaasar. But he's so sweet! Naghihintay pa rin siya sa akin.. tama yan, para sagutin ko siya agad! Hahaaha ang tanong ba naman ay...... nanliligaw ba siya? XD

Teka, ngumiti siya ah.. ano kayang tinitignan ------ sa puno? Sa akin..?

"Patay, buking.." Naibulong ko nalang.

"Tss.. akala mo ba hindi ko alam na pinagpapantasyahan mo ko jan kanina pa?" Ang kapal ng mukha! Pero love pa rin kita, that included!

"Ang yabang mo, KUYA Jerry! Hmp!" Inirapan ko siya na natatawa sa likuran ko. Ang meanie niya! >.<

For those who are asking kung sino ka-date ko, siyempre ayan! Si Jerry! Oo siya nga, si Jerry na kuya slash bodyguard slash driver slash detective-in-charge kay bestfriend Kayla Marien!

Kung paano kami humantong sa ganito? Naku secret na yun! Di na kailangan pang sabihin.. Joke! Hahaha!!

Ganito kasi yan..

Nagkita kami before sa naunang kaso kay Merceditha Peron diba? Tapos may sumunod pa dun! Tapos meron pa ulit hanggang sa inaya niya nga ako suddenly na mag-date daw kami at yun ay mangyayari na nga ngayon.

"So saan tayo pupunta Jer?" Oo wala nang galang pero five years gap lang naman ah? He's 25 and I'm 20 pero age doesn't matter. Ang mahalaga maganda ako. Anong connect? Bahala kayo! Hahahahahaha!

Ghost Detective! (COMPLETED)Where stories live. Discover now