Chapter 31

6.2K 178 7
                                    

KAYLA

"Michael, micaella and marcus Lorenzo.."

Pagkatapos ng klase ay dumiretso agad kami dito sa bahay para pag-usapan yung tungkol sa Triangle Park at yung tatlong batang magkakapatid na nakausap kahapon. Nagulat nga rin sila pero mas nangibabaw yung galit at pagkaawa. Galit para doon sa halang na kaluluwa na may kagagawan nun sa kanila at pagkaawa naman para sa mga bata.

We need to finish this case as soon as possible and that means we need to find out those who did this asap.

Kailangan niyang pagbayaran ang kasalanan niya.

Napatingin kami kay Mami na biglang tumayo at parang malalim na malalim ang iniisip dahil sa nakakunot pa siya at nakahawak ang kamay sa baba. Kung hindi lang seryoso 'to malamang na pagtawanan ko siya. Si Berry naman kasi may pinahahanap ako sa kanya through hacking. Sana lang hindi kami mahuli dahil kumpanya ang iha-hack niya this time.

"Marichu Villarama-Lorenzo... Lorenzo group of companies... There it is!" Agad naman kaming pumunta sa tabi niya at nakitingin sa laptop niya.

Lorenzo group of Companies? Hmm.. "Familiar.." I uttered.

"Ay same tayo Kay! Parang narinig ko na yan, actually recently lang.." Si Mami. Nagkatinginan kami pero parang wala naman kaming nakuha sa pagtitinginan na yon.

Pati sila Thomas, Rodney at si ate Mig-- na madaling tinapos ang mga engagements niya sa school para lang makasama sa amin-- nag-iisip na rin. Kamil is also thinking hindi lang halata sa unang tingin kasi para lang siyang relax at kumakain lang ng sandwich na may palaman na strawberry jam at peanut butter combine. Naaasiwa nga ako sa pag-imagine ng lasa nun pero hindi ko na pinagkaabalahan pang isipin dahil masusuka lang ako. Ang weird ng taste buds niya.

Natigil ang pag-iisip ko ng malalim ng tawagin ako ni manang felicidad at may tawag daw sa akin sa telepono kaya agad akong nagpunta.

"Hello, who is this?"

"baby girl~!" O___O

"Mommy!!" Napataas pa ang boses ko sa excitement kaya napalingon sila Mami sa akin pero hindi ko nalang pinansin. I really miss my mom and my papa.

"Kamusta ka na jan, baby?"

"I miss you mommy pati si papa. Okay naman po ako." May mga kakaibang nararamdaman nga lang at minsan nagkaka-atake. Gusto ko sanang sabihin pero ayokong pag-alalahanin ang mga magulang ko.

I heard someone chuckling beside my mommy. At alam kong si Papa yon. Naiiyak tuloy ako. It's been almost a year since they came home at isang linggo lang din na nag-stay dito eh hindi ko naman sila makasama ng matagal because of my school tapos nung weekends naman yun pa ang naging flight nila to Macau kaya nawalan talaga ng chance.

Lagi naman silang tumatawag at tinetext ako ng walang palya pero iba pa rin kung nandito sila eh.

Oh, I almost forgot. "Mommy, I know it's a little late pero Happy mother's day.." Nagtext naman ako nung sunday pero gusto kong marinig niya mismo yon.

Hindi ako nakarinig ng tinig ng ilang minuto pero parang may naririnig akong sobs at inaalo ng isang malalim na boses. Oh my! I made my mommy cry.

"Thank you, baby girl.. si papa mo muna kausapin mo kasi magpapatahan lang ako. Naku~ ayoko pa naman naririnig ako ng princess natin na umiiyak." Me too, mom. At kung malalaman mo lang ang mga ginagawa ko alam kong iiyak ka talaga out of disappointment. Nagui-guilty tuloy ako.

"Hello, princess?"

"Papa~ i miss you too. When will you come back?" Alam kong para akong stubborn na nagde-demand ng gusto ko pero i don't care dahil gusto ko rin naman magpaka-selfish for once.

Ghost Detective! (COMPLETED)Where stories live. Discover now